Fhara’s POV "Manong naman. Babayaran kita, promise. Marami akong pera. Basta papasukin mo muna ako ngayon kasi walang magaasikaso sa kasama ko sa loob." "Kung marami ka naman palang pera, bayaran mo na ko para makaalis na ko. Sasakay-sakay ka, wala ka naman palang pambayad." "Nakalimutan ko nga pong magdala ng pambayad. Malay ko bang masisiraan kami ng kotse. Sige na manong." Tsk. Ito kasing si Manong Taxi Driver ayaw pa ako paalisin dahil hindi pa daw ako bayad. Buti nalang pumayag siyang ipasok muna si Chrome sa loob ng hospital. "Anong problema dito?" Isang lalaki ang lumapit samin at nagtanong. Psh. Sa lahat ng taong pwedeng dumating, bakit siya pa? "Wala. Umalis ka na." Malamig na sagot ko kay Railei. "Pinapaalis mo ko sa property namin?" Tss. Kanila nga pala ‘tong hospital.

