Zymine’s POV "Merry Christmas, babe." Bati sakin ni Bryan kasabay ng pagyakap niya mula sa aking likuran. "Merry Christmas din." Humarap naman ako sa kanya at hinalikan siya sa cheek. "Hoy lovers, tama na muna yan! Exchange gift na! Hooo!" Sigaw ni Tara mula sa sala. Nasa kusina kasi kami ngayon sa condo ni Fhara at hinahanda ang mga pagkain namin sa noche buena. Yep, December 24 na po ngayon. Ang bilis, no? Hindi nga namin namalayan na bukas na pala ang pageant nila Chrome at Fhara. But anyway, super ready na ang lovers na yun para bukas and I'm soooo sure na sila ang mananalo. "Nandyan na si Fhara?" Tanong ni Bryan kay Tara. "Yep. Kakarating lang." Galing si Fhara sa papa niya. Naisip niyang magcelebrate muna sila ng papa niya bago pumunta dito dahil matagal na rin silang hindi na

