Chapter 17: Deadly Pinks

1363 Words
Fhara’s POV Hikab, unat, hikab ulit. Nasa classroom na ako pero hanggang ngayon inaantok parin ako. "Nakakatamad ngayon, no? Ang boring." Sabi ni Yo. "Kaya nga, eh. Dapat hindi nalang tayo pumasok.. Tss. Aaah… Araaay! " Piningot ni Zymine ang tenga ni Bryan. "Puro nalang talaga katamaran nasa isip mo, no?" "Agree ako sayo diyan, Zy! Saka hindi tayo pwedeng umabsent ngayon, unang pasok kaya natin dito sa klase na ‘to." Kami palang ang nasa room ngayon, napaaga kasi ang pasok namin. Maya-maya pa, dumating na ang iba pa naming mga classmates. "Ooh, masaya ‘to." Sabi ni Yo pagkakita sa Death Gang. So, classmate pala namin sila ngayon? Maangas silang kumuha ng mga upuan at umupo. Parang di nila kami nakikita pero malapit lang sila samin, actually ang maliit na daan ng teacher at isang upuan lang ang pagitan namin ni Railei, nasa dulong row kasi kami nina Yo at Chrome tapos sa tapat namin sina Tara. Eh pito ang upuan sa bawat row, so ganito ang ayos namin.    Yo - Chrome - Me|     |vacant - Rai - Grenade - Chain    -----------------------|     |--------------------------------------    Tara – Zy  - Bryan|     |Bullet – Blade - Poison - Arrow    -----------------------|     |-------------------------------------- "Mukhang nadala na grupo ng ex mo, ah? Hindi na tayo pinapansin." Bulong ni Chrome sakin. Ngumiti ako. Nadala? I don't think so. May binabalak? Pwede! "Hindi din. Maghintay nalang tayo sa gagawin niyan. Kung hindi man ngayon, baka bukas o sa mga susunod na araw pa." Tumango naman si Chrome. Ilang minuto pa, dumating na ang prof namin. "Students, may bagong transferees ulit. Let them introduce themselves. Girls, come in!" "Walanjong yan." Mahinang sambit ko. Tinignan ko ang Death Gang, lahat sila ay nakangisi habang nakatingin sakin. Si Railei naman sa mga transferees nakatingin.             Yung totoo? Ito nay un? Ito na yung balak nila? I expected something more. "May problema ba?" Hindi ko na sinagot si Chrome at tinitigan ang mga bagong salta. "Good morning! I'm Cheyene Kang, girlfriend of Knife. Be kind to me." Kumindat pa ang gaga. Nagbulungan naman ang mga kasama pa naming estudyante na huwag daw galawin kasi malakas ang kapit sa taas, na ang swerte daw niya at kung ano-ano pa na walang kwenta. Nagpakilala na rin ang lima niya pang kasamang babae. So Gang pala sila? At ang baduy ng pangalan nila. Deadly Pinks? Kailan pa nakapatay ang pink? Pffft. Maya-maya pa, umupo na si Cheyene sa bakanteng upuan na katabi ni Rai at halos katabi ko na din. "Okay class, I'm Mr. De Gu--.” “*Professor De Guzman, please proceed to the conference room now. Again, blah blah blah.”  Naputol ang pagsasalita ng prof dahil sa intercom. "Ay, ano na naman bang meron?" Parang inis yung prof namin at tinignan kami. "Kayo, tumahimik lang muna kayo! Babalik din ako kaagad." Sabi pa nito bago umalis. Pagkaalis ni Prof, nadako ang tingin ko sa dalawang higad na naglalandian sa tabi ko. Spell P E S T E ? Sabayan pa ng boredom. Nag-isip ako ng pwedeng gawin para mawala na itong nararamdaman ko at mabilis naming gumana ang utak ko. "Wow! Nagsama na naman ang dalawa. Bagay talaga kayo, no?" Ngumiti si Cheyene. "Oh, hi best friend. Long time no see! Oh ano? Tanggap mo na bang kami talaga ang para sa isa’t-isa ni Ryle?" Proud pang tanong ni impaktitang demonyitang plastic. "Oo naman! You're definitely right. A match made from heaven." Tinignan ko sila mulo ulo mukhang paa. "Isang basura at isang basurera. Perfect!" "Boom!" Sigaw naman ni Yo, kasunod naman noon ay ang pagtawa pa ng ibang Mythical. "Ang kapal ng muk--." Hindi ko pinatapos si Cheyene. Trip ko talagang mang asar ngayon. "Oh. Oh. Huwag magagalit! Tsk. Nga pala, kailan ka pa naging gangster?" "Wala kang pakialam." Mataray na sagot niya. Ngumiti ulit ako. "Sino ba nagsabing may pakialam ako?" "Eh bakit ka nagtatanong?" "Kasi matalino ang batang nagtatanong." Ramdam kong nakatingin na ang lahat samin. "Bata ka? As if." "Oo, bakit gurang ka na?" Sinimulan na kong masahiin ni Yo sa balikat. Ako naman natuwa lalo. Ang ibang Mythical chinicheer ako. "Sinong nagsabi?! "Ako. Kakasabi ko lang, hindi mo narinig?" "Pwede ba? Tumigil na kayo!" Sumabat na si Railei. "Tsk.tsk. Ano ba naman yan, Cheyene. Hindi mo ba naituro sa katabi mo ang number one rule para sa kanila? Aish!" Tinitigan ko si Railei na nakakunot ang noo. "Tandaan mo ang golden rule niyo, ha? Sa usapan ng tao, huwag sasabat ang hayop.” "Hahahahaha!” Buong klase na ang nagtawanan. Kahit ang mga kagrupo niya nga halatang pinipigilan lang ang pagtawa. "Gusto mo ba ng sakit ng katawan?!” Umuusok na po ang ilong at tenga niya, mga kaibigan. "At kayong lahat! Kapag hindi kayo tumigil sa katatawa, malilintikan kayo sakin!" Rank 1 ba talaga to? Kahiya-hiya! "Oh, huwag sisigaw. Usap lang!" Inasar ko pa siya lalo. "Tigilan mo na ko Fhara, pwede ba?!” Sigaw niya. This time tumayo na siya. Papahuli ba naman ako? Siyempre tumayo din ako at pinantayan ang sigaw niya. "Tama na Railei, pwede din ba?! Ang akin lang naman huwag mong idamay ang mga bata! Masiyado pa silang maliit!" Tapos kinuha ko ang bag ko at nag walk-out.             Ilang segundong tumahimik ang classroom namin. Iniisip pa rin siguro nila yung sinabi ko. Nung medyo nakalayo-layo na ko, bigla kong narinig ang malakas na tawanan ng mga tao dun at ang malakas na sigaw ni Railei.             “Bullshit! Sabing tigil!”             Hahahahaha! ***   Pumunta ko sa may tagong part ng school. Naikot ko na kasi tong Yukusai, at ito lang ang nakita kong magandang tambayan kasi tago, maraming puno at tahimik. Humiga ako sa ilalim ng malaking puno ng acacia at handa ng matulog nang narinig ko ang boses ni Chrome. "Sabi ko na nga ba, nandito ka." "Paano mo nalaman ang lugar na to?" Umupo siya sa tabi ko. "Naikot ko na rin kasi tong Yukusai at ito lang ang nakita kong matinong pagtambayan." Umunat siya. "Nakakaantok! Bakit ka kasi umalis sa room. Enjoy nga ang ginawa mo kanina sa ugok na yun." Sabay kaming nagtawanan. "Naboring na rin kasi ako. Ang init-init kasi ng mga ulo." Ngumiti siya tapos tumahimik. Akala ko nga tulog na pero bigla siyang nagsalita. "Bakit di mo sinabi samin?" "Huh?" Tumingin ako sa kanya. "What do you mean?" Tumitig siya sakin. "Bakit hindi mo sinabi ang nangyari sa inyo nung ugok na yun?" Ahh. "What's the point pa, diba? Wala rin namang mangyayari." Umayos na ko ng higa. "Para man lang makipaghiganti tayo." Maghiganti. Nakakasawa ng marinig yang word na yan pero parang nakakatuwang gawin sa kanila. Pero ngayong inisip kong mabuti, parang nakakatamad ng gawin. Wala na rin namang mangyayari. Masaktan ko man sila, physical or emotional, wala pa ring magbabago. At ako? Mas magmumukha lang na desperada at tangang naghahabol. "Anong iniisip mo? Bakit bigla kang natahimik dyan?" Nagulat ako nung nagsalita ulit si Chrome. "H-ha? Wala." Binigyan niya ko ng isang hindi naniniwalang tingin. Ang cute! "Araaay! Tama na!" "Ang cute mooo!" Pinisil ko kasi ng malakas ang pisngi niya, pero nung nalabas ko na ang gigil ko, binitawan ko na. Hinawakan niya kaagad ang pisngi niya at nagpout. Shete! Nanggigigil na naman ako. Gusto kong pisilin ulit! "Oh! Oh! Tama na! Namimihasa ka na, ha! Ang sakit na nga ng ginawa mo eh." Paano niya nalaman na kukurutin ko siya ulit? "Sige na? Last nalang?" "Hindi!" Tapos tumalikod siya sakin. "Chrome para kang bata! May patali-talikod ka pa diyan! Hahahaha!" Naalala ko tuloy noong mga bata pa kami. Noong crush ko pa siya.             Yes, once upon a time, nagkagusto ako kay Chrome. Ang cute at ang cool niya kasi dati. Sabagay, hanggang ngayon naman. Kaso nga lang may topak din to, minsan masungit tapos minsan naman makulit. "Bakit? Bata pa naman ako, ah?" Kagaya nalang ngayon, makulit siya. Binigyan ko rin siya ng hindi naniniwalang tingin. "Gusto mo patunayan ko?" Hahahaha! Siniseryoso niya! "Sige nga. Paano?" Tumayo siya at hinatak din ako patayo. "Anong gagawin natin?" Pabigla-bigla naman kasi ang ginagawa niya. "Papatunayan kong bata pa ko." Sabi niya at hinatak niya na ko palabas ng school. Psh. Seriously?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD