Fhara's POV
"Bakit mo ko dinala dito?" Tanong ko kay Chrome habang nakatingin sa sarado pang perya.
"Wala lang. Namiss ko lang magpakabata ulit." Sagot niya ng nakangiti.
"Sabi ko na nga ba gurang ka na eh. Hahahah-- Ouch!" Pinitik niya ang noo ko.
"Baliw."
"Baka ikaw!"
"Paano mo nasabi?" Tanong niya.
"Binigkas ko, di mo napansin?" Nag make face lang siya. Ang cute talaga! Hahaha. "Pero baliw ka talagang tunay!"
"Bakit na naman?!" Hahahaha! Bakit ang cute ng taong ‘to?
"Dinala mo ko dito ng tanghaling tapat? Sarado pa ‘tong perya, oh!"
Nanlaki ang mata niya nang marealize niya rin ang ginawa niya.
"Oo nga, no? Paano na yan?" Seryoso niyang tanong.
"Psh. Makahila nalang kasi, eh. Gala na nga lang muna tayo." Hinawakan ko ang kamay niya at umalis na kami sa tapat ng perya. Nagpasya kaming pumunta muna sa park malapit sa perya at umupo sa isa sa mga benches doon.
"Ang init.” Reklamo ko at tinignan siya ng masama.
"Oo na, oo na. Kasalanan ko na. Nakalimutan kong sa gabi lang pala nagbubukas ang perya." Sabi niya na may halong guilt. Aba, dapat lang, no!
"Club lang kasi ang alam mong bukas sa gabi! Babaero!" Tumingin naman siya sakin na parang nagulat sa sinabi ko. "Oh bakit? Hindi?"
Ngumisi siya.
"Nagkamali ka yata ng nakausap, miss. FHARA sabihin ko say-- Peste! Nakakarami ka na, ah!" Binatukan ko kasi siya. Paglaruan ba naman ang maganda kong pangalan?
"Kulit mo kasi. Oh, pagpatuloy mo na. PARA sabihin mo sakin...?"
"Psh. PARA sabihin ko sayo, hindi ako babaero." Binigyan ko ulit siya ng ows-di-nga look. Pinitik na naman niya ko sa noo. Baaah! Nakakarami na rin siya, ah? "Oh gaganti ka pa? Tsk. Ayaw mo nalang kasi maniwala. Alam mo kasi para sakin, ang mga babae ay parang barbie..."
Nanlaki ang mata ko sa narinig. Barbie? Baka kaya hindi siya babaero kasi... B-bak...
Napalunok ako ng laway habang hindi makapaniwalang nakatingin sa kanya.
"Sinusuklayan, dinadamitan, pinapaganda..." Dugtong pa niya.
Confirmed!
"Oh kaya naman paglaruan mo nalang basta-basta."
Teka! Anong paglaruan?! Babae? Paglaruan?!
"Tumigil ka na, Chrome. Hindi dapat paglaruan ang mga babae, alam mo dapat yan."
Diba ang mga bakla, pusong babae rin? Dapat masaktan din siya sa mga sinasabi niya.
"Pero..." Binigyan niya ko ng masaya-ka-na? look. Ngumiti naman ako. "Pero ang tunay na lalaki, hindi naglalaro ng barbie. Tama?"
Mas lalo pang lumapad ang ngiti ko. Ayun naman pala. May respeto naman pala sa babae at higit sa lahat... hindi siya bakla! Yey!
"Very well said, Mr. Arsenio!” Sabi ko at pinalakpakan siya. “At dahil natuwa ko sa sagot mo, lilibre kita."
Hinila ko siya papunta kay manong na nagtitinda ng dirty ice cream.
"Manong, dalawapo! Siya po ang magbabayad." Tinuro ko si Chrome. Kumunot naman ang noo niya.
"Akala ko ba libre mo?"
Tumango ako.
"Kaya nga. Libre hila ka sakin." Tumingin siya sakin na parang hindi makapaniwala sa sinasabi ko. Tinaasan ko lang siya ng kilay.
"Tss."
Inabot na samin ni manong sorbetero ang sorbets. Excited naming kinuha ang ice cream. Pagkakuha namin, kinalimutan muna namin ang isa't isa at nagfocus muna sa ice cream.
Ang sarap!
Nang maalala ko na may kasama nga pala ako, tinignan ko na si Chrome. Nakatingin siya sakin habang may natutunaw na sorbetes sa kamay. Pagtatawanan ko na sana siya dahil sa itsura niya pero biglang humangin ng malakas at naglaglagan ang mga petals ng bulaklak sa puno na nasa tabi namin.
Napangiti ako. Ang gwapo talaga ng ungas na ‘to.
"H-hoy! Anong ginagawa mo?!" Reklamo ni Chrome. Dinidilaan ko kasi ang ice cream niya. "Hoy, tigilan mo nga yan! Bumili ka ng iyo! Hoy!" Hindi pa rin ako tumigil sa pagdila sa ice cream niya. Ubos na kasi ang akin. Sa kanya naman sinasayang niya lang kaya ako nalang ang kakain.
"Ayaw mo tumigil, ah? Oh!"
Nagulat ako sa sinabi ni Chrome saka ko siya tinignan ng masama.
"Chrooome!"
"Hahahahahah-- H-hoy! Grabe naman ang sayo!” This time, siya naman ang nagreklamo pero tinawanan at dinalaan ko lang siya.
Nagtataka ba kayo kung anong nangyayari? Ganito kasi yan, dahil ayoko tigilan ang ice cream ni Chrome, kumuha siya ng mga natutunaw na ice cream na at pinunas yun sa mukha ko. Pero papayag ba naman akong hindi makaganti? Siyempre hindi! So kinuha ko ang natirang ice cream kasama cone at sinalpak yun lahat sa mukha niya.
Pero mukhang gaganti pa siya dahil kinuha niya ang cone sa mukha niya at ngumisi. Uh-oh.
"Chrome, ayoko na!" Pero naka-smirk pa rin siya.
"Uhm, mga bata..."
"Arghhh! Ang lagkit, Chrome!” Nilagay niya naman kasi ang cone sa ilong ko. Edi ang mga natunaw na ice cream bumagsak lahat sa balat at damit ko. Tinitigan ko siya ng masama pero ginaya niya lang ang ginawa ko kanina at dinilaan lang din ako.
"Mga bata. Yuhooo!"
"Aish, bakit sa buhok?!"
Hahahaha! Buti nga! Bakit ang mga lalaki, ayaw nagugulo ang buhok nila? Mas maarte pa sa babae.
Sinamaan ako ng tingin ni Chrome. Siyempre di ako nagpatalo, sinamaan ko rin siya ng tingin.
“MGA BATA!"
"ANO?!"
Sinigawan kami nung matandang sorbetero. Eh nagtititigan pa kami at istorbo siya kaya sinigawan din namin siya. Nagulat naman si Manong ng sobra pero bigla siyang ngumiti ng alanganin. Siya naman kasi ang tinitigan namin ng masama eh.
"Uhm... kasi...wala pa kayong bayad."
Oh?
Tinignan ko si Chrome. Siya naman ang nakangiti ng alanganin habang kinukuha ang wallet niya. Tsk. Kumuha siya dun ng isang libo at binayad kay Manong at hindi na kinuha ang sukli kasi nga nasigawan namin siya. Rich kid! Tuwang-tuwa naman si Manong.
Pagkatapos nun, umalis na kami at naglakad lakad pa sa park. Malaki rin kasi tong park na to. Maraming natingin samin dahil nga madungis kami pero wala kaming pakialam sa kanila. Pero sa lagkit na nararamdaman ko, malaki ang pakialam ko! Sakto namang nakakita kami ng fountain sa gitna nitong park kaya pumunta kami dun para maghilamos at maghugas ng kamay.
"Bwisit ka talaga, Arsenio! Ang lagkit ko sobra! Tsk."
“Kinain mo kasi ice cream ko!"
"Sayang kasi! Hinahayaan mo kasing matunaw nalang sa kamay mo habang nakatitig sakin kaya kinain ko nalang. Tsk. Nga pala, bakit ka nakatitig sakin? Kras mo ko, no?" Namula si Chrome.
Oh! Huwag kiligin! Sabi ko namula, hindi nag blush. Namula siya kasi sinubukan niyang pigilan ang tawa niya pero unfortunately, di niya nagawa kaya...
"Pffft. Hahahahaha!" Mas lalong nagtinginan samin ang mga tao dahil sa lakas ng tawa niya. Tss. Ano ba ang nakakatawa dun? Tinanong ko lang naman ah?
Hindi pa rin siya natigil sa pagtawa na kinainis ko ng sobra, kaya naman sinipa ko siya sa likod.
"Pffft. Hahahahaha!” Ginaya ko ang tawa niya habang siya naman nakatingin sakin ng masama habang basing-basa dahil sa bandang gitna ng fountain siya dinala ng sipa ko. Buti nga!
Imbis mainis, ngumisi pa siya sakin. Mukhang may binabalak na naman ‘to, ah?
“Hahahahaha!” Tawa naming dalawa. Tumayo kasi siya at hinatak ako papunta rin sa fountain. Eh dahil sa sobrang lakas ng force niya at hindi naman ako nagpabigat kaya tumalsik kami sa gitna nung fountain. Ang pwesto namin, parehong nakahiga pero siya ang nasa ilalim at ako ang nasa ibabaw. At dahil medyo mabigat ako, di siya nakatayo agad at nakalunok ng maraming tubig. Nung napansin ko yun, tinaas ko siya agad sa tubig. Umubo-ubo siya tapos tumitig sakin ng masama pero tinawanan ko lang siya. Maya-maya pa, nakisabay na rin siya sa tawa ko.
"Hoy! Anong ginagawa niyo diyan? Sinong nagsabing pwedeng maligo dyan ha?!" Sabi nung guard na tumatakbo papunta samin.
O__O 0__o
( >.>) (<.< )
( ^__^) (^__^ )
"Takbo!" Sabay naming sabi ni Chrome bago pa makalapit samin ang guard.
"Hoooy!" Pero hinabol pa rin kami nung guard. "Tumigil nga kayooo!"
"Ayaaaw!" Sigaw din namin ni Chrome. Tawa pa rin kami ng tawa.
Takbo lang kami ng takbo pero mabilis din ang guard kaya di namin siya maligaw hanggang sa nakarating na kami sa parteng mapuno. Tinignan ko ang guard, nasa likod pa rin namin ni Chrom--
Nasaan si Chrome?
"Chrom—Umph!” Napansin ko nalang na nasa taas na ko ng isang puno at nakatakip sa bibig ko ang kamay ni Chrome. Tinanggal niya rin naman yun agad.
"Ssh." sabi niya ng di nakatingin sakin kundi sa baba. Tinignan ko ang tinitignan niya at nakita ko dun ang guard na parang naliligaw at may pakamot kamot pa sa batok. Maya-maya may dumating pa na isang guard at parang tinatawag ang guard na nahabol samin. Lumingon lingon muna ang guard no.1 bago parang nagpasyang umalis. Di pa sila masiyadong nakakalayo ng biglang parang nangati ang ilong ko at.... at.... at....
"Hatch--" Tinakpan na naman ni Chrome ang ilong at bibig ko. Mukhang hindi naman yun narinig nung guard at tuluyan ng umalis.
"Yuck. s**t!" Tinignan ko naman ang kamay niya na parang pinandidirihan niya. Yuck nga.
"Arte nito! Hindi naman kita pinilit saluhin ang sipon ko, ah?" Tinitigan niya ako ng masama pero nginitian ko lang siya at dinilaan sabay baba na ng puno.
Mukhang sisipunin pa yata ko ah. Kailangan ko ng magpalit ng damit.
"Oh san ka pupunta?" Naglakad na kasi ako paalis.
"Maghahanap ng bilihan ng damit. Sama ka?" Di na siya sumagot at naglakad nalang kasabay ko.