Fhara's POV
Nakapagpalit na kami ng damit ni Chrome. Bumili lang si Chrome ng black tee at black sweater saka pantalon. Ako naman white na sando na pinatungan ng denim jacket saka pantalon. Malamig na rin kasi.
Tinignan ko kung anong oras na.
6:00. Bukas na panigurado ang perya.
"Chrome, bukas na ang perya." Sabi ko sa kanya habang pinapasok niya ang headset niya sa loob ng sweater niya. Tumingin siya sa cellphone niya para icheck yata ang oras, tapos tumango at hinila ang kamay ko at naglakad na.
"Tara na."
"Di ka naman excited no?" Tumingin siya sakin tapos sa kamay namin tapos sakin ulit. Tinaasan ko na siya ng kilay tapos ngumiti lang siya at binitiwan na ang kamay ko.
***
Tama nga ko, bukas na ang perya pagdating namin dun. Nakakatuwa tignan, ang liwanag sobra saka ang ingay, ang dami ring tao.
"So ano ang first ride natin?" Inikot ko ang mata ko sa buong perya hanggang nakita ko ang Octopus.
"Dun nalang tayo, Chrome!" Tinuro ko ang Octopus.
"Sure ka na?" Tumango tango naman ako at hinila na siya para makabili na ng ticket. Maya-maya pa, nakaupo na kami at nagsimula ng umandar ang Octopus.
"Waaaah!” Sigawan ng mga tao. Papahuli ba ko? Nah-uh.
"Wooooah! Mahuhulog na ko! Sandali! Waaaaah!” Kahit naman gangster ako, may tinatago pa rin akong takot sa mga ganito. Tinignan ko naman si Chrome. Cool na cool lang siya habang nakaupo sa harap ko at nakahawak sa bakal tapos nakapikit lang. Siya na walang takot!
Ilang minuto pa, natapos na ang ride. Bababa na sana ko pero inunahan ako ni Chrome. Hindi niya na inangat ang bakal at tinalon na yun sabay lakad ng mabilis paalis. Ang weird nun ah? San naman pupunta yun?
Di ko na rin tinaas ang bakal at tumalon nalang din. Paglabas ko ng area ng Octopus, di ko na siya makita. Anong problema nun? Di kaya naboring sa sinakyan namin at naghanap ng mas may thrill? O di naman kaya umuwi nalang?
***
Nagsimula na kong maghanap kay Chrome pero bigla akong hinarang ng limang lalaki.
"Hi miss! Mukhang nag iisa tayo ah."
Naman! Kung kailan may hinahanap ang tao, saka susulpot ang mga ungas na ‘to. Okay sana kung mga gwapo, eh mga panget naman. Pero sige, susubukan ko pa ring maging maayos at magalang kahit papano.
"Uhm, pasensya na ha, may hinahanap kasi ako. Maiwan ko muna kayo." Umalis na ko sa harap nila at nagsimula ng maglakad pero biglang may humawak ng braso ko. Pagtingin ko, isa sa mga panget. Grrr.
"Gusto mo miss, samahan ka nalang namin maghanap. Watduyatink?" Ngiting aso. Nasabi ko na bang ang panget nila? Ang kapal pa ng mukhang hawakan ang braso ko. Pasimple kong tinanggal ang braso ko sa pagkakahawak ni Panget no.1.
"Ahh. Huwag na. I can handle myself." Tumalikod na ko pero hinawakan naman nung isa ang bewang ko. Sinubukan ko namang maging mabait diba?! Grrr.
"Huwalanghiya naman! Bakit ba di niyo maintindihan na ayoko?! At ikaw na panget ka! Anong karapatan mong hawakan ang bewang ko?!"
Boogsh!
Blag!
Baaam!
Nang matapos ako, nakatulog na yung limang lalaki.
Tsss. Dapat pala kanina ko pa ginawa yun, edi sana kanina pa ko nakaalis. To hell with being good! At yun nga, nagpatuloy na ulit akong hanapin si Chrome.
O Chrome, Chrome! Wherefore art thou, Chrome?
Deny thy father and refuse thy name.
Or if thou wilt not, be but sworn my love
And I'll no longer be a Kurunawa.
Ano daw? Langyang Chrome kasi yan eh. Kung ano ano na tuloy ang naiisip ko. Tsk.
Naikot ko na ang buong perya at wala akong nakita na Chrome. At kung tatanungin niyo kung kamusta ako, well, okay lang naman. Okay lang naman sakin ang mambugbog at magdala ng kahit sinuman sa hospital. Bwiset na Chrome talaga yan!
Note to myself: Huwag na huwag sasama kay Chrome kung ayaw mong mabadtrip.
***
Nagsimula na kong mag martsa palabas ng perya ng bigla akong may narinig.
Eew. What was that? Ang panget ng tunog ah. Tunog mabantot. At tunog nakaka-curious. Hmm.
Pinuntahan ko kung san nanggagaling ang tunog and there! I finally found him!
"Walanjo ka Chrome! Kanina pa kit--."
Plok!
Ew.
Si Chrome, sumuka sa harap ko, I mean sa paanan ko pala pero di naman ako inabot, so thank God.
"Hey, you okay?” Tanong ko sa kanya habang hinihimas ang likod niya. Bigla kasi akong nag alala sa kanya.
Tinaas niya lang ang thumb niya pero maya-maya, sumuka na naman. Hinimas ko ulit ang likod niya.
"Ano ba kasing nangyari?" Hindi siya sumagot at parang lambot na lambot. Sabagay, ikaw ba naman ang sumuka ng sumuka, goodluck nalang.
Tumayo muna ko at iniwan siya dun. Naghanap ako ng may tindang mineral water and fortunately, may nakita ako sa malapit lang. Bumili ako at tumakbo pabalik kay Chrome. Binigay ko sa kanya ang tubig at ininom niya yun agad. Hinimas ko ulit ang likod niya.
"Okay ka na?" Tumango siya. Mukhang mas okay na siya ngayon. "Ano ba nangyari?" Hindi siya sumagot. Nung tinignan ko, namumula siya.
"Chrome, anong nangyari?" Sumeryoso na ko. Kinakabahan kasi ako kay Chrome eh.
Tumingin siya sakin sabay yumuko.
"Nahilo ko sa Octopus." Tinignan ako ni Chrome. Nagtaka siguro siya kung bakit di ako sumagot. "Tsk. Tumawa ka na kung tatawa ka." Malungkot niya pang sabi.
Hindi pa rin ako nasagot.
"Ano ba! Sab--ouch.!" Sisigaw na sana siya pero binatukan ko siya.
"Langya ka, ikaw pa may ganang sumigaw diyan? Alam mo ba kung gaano katagal na kong naghahanap sayo? Alam mo ba kung gaano na ko kapagod at kabadtrip dahil sayo? Alam mo ba kung ilan na ang napatumba ko dahil sa inis ko sayo? Eh kung mahiluhin ka pala bakit sumakay-sakay ka pa sa octopus?!" Sigaw ko sa kanya. Kapal kasi, nag attempt pang sigawan ako.
Tumitig lang siya sakin sandali bago nagsalita.
"Diba gusto mong sakyan yun?" Oo nga, pero…
Aish,oo na! Nakakaawa na siya tingnan!
"Lakas kasi makapagyaya ng perya, mahiluhin naman pala. Tsk. Tara na nga!" Hinawakan ko ang kamay niya at hinila siya patayo.
"Uuwi na tayo?"
"Hindi. Ang tagal nating nag hintay magbukas tong pesteng perya na to tapos aalisan lang natin basta basta? Tss." Sabi ko ng hindi tumitingin sa kanya. Lakad lang kami ng lakad hanggang nakarating kami sa gusto kong puntahan. Ang shooting booth. Eto ang babarilin mo ang mga baboy saka mini action figures para makakuha ng prize na teddy bear, chocolates at candies.
"Manong, dalawa." Binigyan kami ni Manong ng dalawang pellet gun. Hinagis ko ang isang pellet gun kay Chrome.
"So anong prize nito?" Naka smirk na tanong niya.
"Uhm." Ano bang pwede? Ah! "Pag nanalo ka, bahala ka kung anong gusto mong ipagawa sakin, kung ako naman ang mananalo..." Sasabihin ko ba?
"Kung ikaw ang mananalo...?" Mukhang nakikita niya na nahihirapan akong sabihin. Psh.
"Pag ako ang nanalo..." Tinitigan ko siya sa mata. "…gusto kong tulungan mo kong makaganti kila Railei."
Lumaki ang mata niya, nagulat ata. Kahit ako nagulat sa sinabi ko eh. First time ko atang manghingi ng tulong. Ano bang naisip ko?!
"Uhm, ano. Hindi pala yun! Iba nalang pa--"
"Okay." Napatitig ako sa kanya habang nagkakasa siya ng pellet gun.
"Huh?" Pumayag ba talaga siya?
"Pero pag ako ang nanalo..." Humarap siya sakin at tinitigan ako. "Hindi mo na itutuloy ang paghihiganti mo."
Ano?!
"T-teka... Akala ko ba gusto mo rin na maghiganti ako?" Diba sabi pa nga niya kanina sa tambayan?
"Oo, noong una. Pero ngayong napag isipan ko na, huwag nalang pala. Wala ka rin naman kasing mapapala."
Walang mapapala? What did he mean by that?
"Mga bata, matagal pa ba kayo? Marami na kasing nag-aabang sa likod niyo." Napatingin naman kami ni Chrome sa likod. Ang dami na ngang tao.
"Ilan ba ang bala nito?" Tanong ni Chrome kay Manong.
"20, iho." Tumango nalang si Chrome.
"Sige Chrome. Payag na ko." Kahit hindi ko maintindihan ang gusto niya, pumayag na ko. Alam ko namang mananalo ako eh. "Simple lang naman ang rule eh. Kailangan, ang mga mini action figures lang ang tatamaan natin. Kung sino ang mas maraming napatumba, siya ang panalo."
Tumango si Chrome habang nakatingin sa mga mini action figures na babarilin namin.
"Okay. Let's start the game!" Chrome.
Kinasa ko na ang baril ko at nag umpisa ng bumaril. Ang mga tao sa likod namin, kanya kanya ang cheer. Ang mga babae, kay Chrome nag chicheer, at ang mga lalaki naman sakin nag chicheer. Marami na rin akong naririnig na sampalan at usapang break up. Psh. Mga gunggong.
Kami naman ni Chrome, ayon kay Manong na nag aacting as announcer, tight ang laban. Pareho na kami nakaka 18 at wala pang sablay. 2 bala nalang. Kailangan may manalo dito.
Bang!
"Pareho na silang nakaka 19 at wala pang sablay. Isang bala nalang ang natitira, sino kayang mananalo?" Sigaw ni Manong Announcer. Marami na namang nagsigawan. May pustahan na rin atang nagaganap. Psh.
Isang bala nalang. Tinitigan ko si Chrome. Nakangisi siya sakin. Confident yatang hindi sasablay ang huling bala niya. Pinanuod ko siyang tumira.
Bang!
"Kyaaah! Ang galing niya!"
"Siguradong siya na panalo!"
"Kuya! Ang gwapo mo! Pengeng numberrr!"
Sigawan ng mga babae. Hindi kasi nasayang ni Chrome ang huling bala niya. Nakangiti siyang tumingin sakin. Ngumiti naman ako at pumunta sa gilid ng booth.
Okay Fhara, kaya mo yan. Kaunting konsentrasyon lang.
"Kyaaah! Ang gwapo niya ngumiti! Malapit na kong mawalan ng malay! Kyaaa~"
Grrr.
"Mawawalan ka talaga ng malay kapag di ka tumahimik!” Nakita kong namutla ang babaeng pang palengke ang boses. Tapos maya-maya tinakpan niya na ang bibig niyang malaki. Mabuti naman.
Inumpisahan ko ng umasinta. Kailangan magtagumpay ako dito dahil kaunting pagkakamali ko lang, pwede na kong matalo.
Bang!
Nakatahimik lahat ng taong nanunuod. Nag umpisa na kong maglakad papunta kay Manong para isauli ang pellet. Nakangiti sakin si Chrome pagkalapit ko.
"Vice mo nga lang pala ako." Sabi niya at umismirk naman ako. Kasi diba ako ang leader, siya ang vice ko, si Bryan at si Zy ang sa peace and order (sila ang nag aayos kapag nag aaway away na kami o kaya sa ibang gang kapag gusto na nila itigil ang laban.) At si Yo at Tara naman ang starter (Kadalasan naman, sa kanila nanggagaling ang unang atake kapag may kalaban na ibang gang. Sila rin ang nananapak sa mga ayaw magpaawat sa gang namin kapag may nag aaway.) Lahat ng gangs may mga ganitong officers. Kadalasan isa lang ang responsible sa bawat pwesto na yun pero dahil unti lang kami kaya dinalawa dalawa ko na.
"Woooh! Ang cool mo miss!"
"Miss pakasal na tayo!"
"Miss akin ka nalang. Mahal na ata kita eh!"
Langya, pati pala mga lalaki dito maiingay. Nagsimula na kong lumakad paalis. Humabol naman si Chrome.
"Galing ng ginawa mo ah. Kala ko talaga walang mananalo satin eh."
"Hindi ako papayag ng ganun. Sa isang laban, kailangan laging may talo at panalo."
Nagtataka ba kayo kung paano ako nanalo? 21 kasi napatumba ko samantalang 20 lang ang kay Chrome. Dalawa ang natamaan ko nung huling tira ko. Pagkatira ko kasi sa isa, sa gilid lang siya tumama pero dahil sa malakas ang impact, natumba parin siya tapos ang bala naman tumama sa kahoy sa likod at bumanda sa isa pang mini action figure at natumba rin kaya 2 ang napatumba ko sa isang bala at ako ang nanalo.
Maya-maya pa nakalabas na kami sa perya. Magkaiba ang dadaanan namin pauwi. Sa kanan ako, sa kaliwa naman siya.
"Alis na ko." Tumango si Chrome. Nag umpisa na kong maglakad. Nung medyo nakalayo na ko, narinig ko siyang magsalita.
"Ang tungkol sa deal, ako ng bahala sa lahat. Wala ka ng ibang gagawin kundi makisakay at magugulat ka nalang na nasayo na ulit si Railei." Pagtapos nun, tunog nalang ng papaalis na sapatos ang narinig ko.
Ano daw sabi niya? Magiging sakin na ulit si Railei? Pero ang sabi ko maghiganti, hindi ang mapasakin ulit si Rai--.
Ano ba ang sinasabi ko? Diba yun din ang gusto ko? Ang bumalik sakin si Railei?
Pero bakit parang ang hirap ngumiti sa ideyang yun?