Fhara's POV
"Uy Fhara, bakit nawala kayo ni Chrome kahapon? Nagdate kayo, no?" Naglalakad na ko papasok ng school ng biglang sumabay sakin si Tara at tinanong yang walang kwentang tanong na yan.
"Maganda pa ang araw ko, huwag mong sirain."
"Hihi. Naisip ko lang naman. Saka masama na bang magtanong ngayon? Diba, Chrome?" Napansin kong kasabay na rin naming maglakad si Chrome, Yo, Bryan at Zymine. San nanggaling tong mga toh? Bigla-bigla nalang nagsusulputan.
"Depende yan sa tanong mo." Maiksi ring sagot ni Chrome.
"Bakit Tara, ano bang tanong mo?" Tanong ni Zymine.
"Uhm, ano... Naisip ko lang naman, diba bigla nalang silang nawala ni Chrome kahapon? Di kaya nagdate sila? Diba?" Psh. Inulit pa.
Napansin ko namang makakasulubong namin ang grupo nila Railei pati ang grupo nila Cheyene. Nakahawak sa braso ni Railei si Cheyene at humigpit pa ito lalo ng napansin din ni Cheyene na makakasalubong namin sila.
"Tss. Mga ungas." Bulong ni Yo. Mainit na rin ang ulo nito kila Railei eh.
Patuloy pa rin kami sa paglalakad at patuloy pa rin silang nag uusap. Ako naman, nakikinig lang.
"Eh, ano namang sinagot sayo ni Fhara?" Pag uusisa pa ni Zymine. Isa pa tong babatukan ko eh.
"Sabi niya, maganda pa ang araw ko, huwag mong sirain." Panggagaya nito sa boses ko.
"Ay ganun? Pero kung ayaw sagutin ni Fhara, bakit hindi si Chrome ang tanungin natin? Chrome?"
Nagulat ako ng bigla akong akbayan ni Chrome, pero mas nagulat ako sa sinabi niya at sakto pang kaharap namin ang grupo nila Railei at Cheyene.
"Tsk. Nagdate nga kami kahapon. Okay na?"
Lumaki ang mata ko sa narinig.Handa na sana kong tanggalin ang pagkakaakbay niya sakin at bigyan siya ng malakas na suntok na makakapagbalik sa kanya sa realidad nang mapansin kong nasa harap na namin si Cheyene with her mapang-intrigang-look at trying-hard-smirk.
Tinaasan ko siya ng kilay. Ngumiti lang siya at nagsalita.
"So, losers are for losers talaga, no? Anong tawag dun Fhara? Kapwa ko mahal ko? Hahahaha!"
"Huwag kang tumawa. Bukod sa ang panget, eh kita pa ang lungs mo na wala ng laman dahil lahat na ng hangin nito napunta na sa ulo mo. Isa pa, who are you calling losers? Eh parang nung isang araw lang halos magmakaawa na yang boyfriend mo at mga kasama niya nung binugbog namin sila." Cold kong sabi. Nakita kong nagalit ang Death dahil sa sinabi ko, pero walang tatalo sa nagngingitngit na mukha ni Cheyene. Huminto hinto pa kasi eh.
"So, you really are dating now?" Bigla namang tanong ni Railei. Interested?
Sasabihin ko na sanang hindi ng biglang sumagi sa isip ko ang sinabi ni Chrome.
"Makisakay ka lang at magugulat ka nalang na nasayo na ulit si Railei."
So, eto pala ang pinaplano niya. Makisakay pala ha? Okay.
"Yes. We're officially dating. Bakit may problema ba dun Railei?" Masaya kong sagot. Kunwari inlove talaga.
Ngumiti siya at inakbayan si Cheyene.
"Wala naman. Actually, masaya nga ko dahil finally, hihinto ka na sa pagsunod-sunod sakin.” Ngumiti ako, pinilit kong huwag magmukhang peke yun.
"Thank you." Nagulat silang lahat sa sinabi ko, lalong lalo na si Railei.
"Thank you? Yun ba ang sinabi mo?" Hindi makapaniwalang tanong niya.
"Yep. Thank you, Rai. Pati na rin sayo Cheyene. Kasi kung hindi niyo ginawa sakin yun, di ko marerealize na never ko palang minahal si Railei. Naexcite lang siguro ko sa word na 'love' kaya inisip ko na mahal ko na si Rai. Hanggang sa ginawa niyo yun sakin at dumating si Chrome, sa kanya ko naramdaman ang tunay na meaning nung word na yun. At salamat sa inyo dahil malaya na ko kay Railei ng maramdaman ko yun."
Ilang segundo ng tapos ang speech ko pero wala pa ring nagsasalita. Paniguradong pinaniwalaan nila ang sinabi ko. Actually, hindi naman talaga totoo yun, si Rai talaga ang first love ko. Pero dahil sinaktan niya ang puso ko, sasaktan ko naman ang ego niya.
Sinamantala ko na ang pagkatulala nila para umexit.
"Malapit ng mag-ring, aalis na kami. Bye! Tara na L!" Sabi ko kay Rai sabay kapit sa braso ni Chrome.
"L?" Pahabol na tanong ni Rai. Pero di siya sakin nakatingin, kundi sa pwesto ko kanina. Nakatulala pa rin kasi siya.
"Yep. L. It stands for love. Bye!" Hinila ko na si Chrome paalis at sumunod naman sila Tara samin.
"What is that?" Hindi pa rin pala nakaka-move on to. Tss.
"What? I thought that's what you want me to do? Makisakay, right?" Walang emosyong sagot ko.
"But I didn't expect that. Akala ko nga sasabihin mo talagang di tayo nag date eh." Nakangiti na siya.
"You must expect the unexpected when it comes to me. And besides, don't deny the fact that I'm a good actress."
"Yeah right." Sabi niya nalang din at umakbay ulit sakin.
"Yah! Masyado ka ng nasasayahan sa pag akbay ah?" Tinanggal ko ang braso niya sa balikat ko pero binalik lang niya yun.
"Tss. Baka nakakalimutan mo ng inannounce mong mag on tayo and that you're truly, madly, deeply inlove with me."
"Come on, I didn't say that!" Depensa ko.
Umiling siya. "You did. May kasama pa ang sparkling eyes na kahit ako, muntik ng maniwala na totoo yun." Ganun? Hindi nalang ako sumagot.
Nadala yata ko ng talent ko kanina ah. Tsk.
***
"Hooy Lovers! Ayhetchu! Bakit sa kanila niyo unang sinabi? Kanina pa tayo nag uusap pero di niyo man lang sinabi samin!" Pagwawala ni Tara at umupo pa sa lapag. Tumambay muna kasi kami sa tambayan. Nagpapaka immature na naman siya.
Pero teka, sasabihin ba namin sa kanila Yung totoo? Tumingin ako kay Chrome. Nakangiti lang siya habang pinapanuod ang pag tatantrums ni Tara.
"Tara, tumigil ka nga diyan! Nakakahiya ka." Saway sa kanya ni Bryan. Habang si Zymine naman, vinivideohan siya.
"Ayaw!" Nagulat nalang kami ng biglang lumapit sa kanya si Yo at binuhat siya. Ang buhat na nasa likod ang ulo tapos sa binti siya hawak. "Langya ka Yo! Baba mo ko!" Pinagsusuntok niya ang likod ni Yo pero wala lang yun kay Yo.
"Ibababa lang kita kapag nangako ka na titigil ka na sa pagwawala mo at makikinig nalang sa sasabihin nila Fha--."
"Wala kong sasabihin." Singit ko agad. Eh hindi ko naman kasi alam kung ano ang dapat kong sabihin. Mamaya masira ko pa ang plano ni Chrome. "Si Chrome nalang tanungin niyo." Sabi ko sabay higa sa damuhan at takip ng braso sa mata.
"Tsk. O sige, sa explanation ni Chrome." Pagpapatuloy ni Yo.
"Oo na! Oo na! Mapupunta na lahat ng dugo ko sa ulo ko! Ibaba mo na ko!" Binaba na nga siya ni Yo pero tinitigan muna siya ng masama ni Tara bago ito umayos ng upo sa damuhan. Nakikita ko ang nangyayari kasi hindi naman ako natutulog, may kaunting siwang sa braso ko kaya nakikita ko kung ano ang nangyayari.
"Ok Chrome, mag explain ka na!" Sabi ni Zymine habang hawak na niya ang camera niya sa kamay at nakatutok yun kay Chrome. Hindi naman yun pinansin ni Chrome kasi sanay na siya na ganun si Zymine.
"Yung totoo, wala naman talaga kong dapat iexplain eh." So sasabihin niya yung totoo? "Mahal namin ang isa't- isa kaya kami na ngayon." Napakagandang explanation. Clap, clap!
"Wow! Ang sweet!" Lahat kami napatingin kay Zy. Yung totoo, saang part ang sweet dun?
"Kailan mo pa siya nililigawan?" Tanong ni Bryan.
"Hindi kami nagligawan. Basta nagtapat nalang kami sa isa't-isa." Mahinahong paliwanag ni Chrome. To tell you the truth, hindi ko kinakaya ang mga naririnig ko. Brrrr.
"Talaga? Paano magtapat ang isang Fhara Kurunawa? I want to know!" Tuwang-tuwang tanong ni Zymine.
"Pwede ba mag iba nalang kayo ng topic?! Nakakarindi sa pandinig!" Isa pa, ang hirap makinig sa isang paliwanag na pinapaniwalaan ng lahat pero ikaw mismo ay alam na kasinungalingan iyon pero hindi mo pwedeng sabihin na kasinungalingan yun.
"Hasus! Ang sabihin mo nahihiya ka lang malaman ng iba ang kakesohan mo!" Sabi ni Tara at sabay-sabay silang nagtawanan, kahit si Chrome tumawa din. Psh. Pasalamat nga siya at napahinto ko na ang mga ‘to sa pag iinterrogate sa kanya.
Nagring na at nagsitayuan na kami para pumasok na. Pero bigla kong naisip, ano nga kayang mangyayari sa plano na ‘to ni Chrome?