Fhara’s POV "Pabili nga kong tig10 netong fishball, kikiam, pati tong kwek-kwek. Saka isang palamig." Sabi ko dun sa tindera sa school namin. May mga stall din kasi rito ng mga street foods. Haaay. Kailangan kong kumain. Naiistress ako ng sobra. Shicks! Bakit ko ba kasi pinasok to? Buti nalang medyo tahimik buhay ko nga--. "L!" Asdfghjkl! Sinabi ko bang tahimik buhay ko ngayon? Joke lang yun. Tawa kayo! "Walang tao." Tumingin siya sa paligid niya at napakamot sa batok. "Oo nga, no?" Tinatawag niya lang kasi akong 'L' kapag may audience kami. "Tss. Nasasanay na ko, ah?" Tumawa siya ng mahina. Ilang linggo na rin kasi kaming nagpapanggap na sweet at sobrang 'inlove' sa isa't isa. Psh. Ilang linggo na rin kaming hindi tinitigilan ng mga tao sa kasasabing, "Ang cute niyong couple." "A

