Prologue
Cyhyara's PoV
"Sige naman na anak, para rin naman ito sa ikabubuti nating dalawa" ani ng mama ko.
"Tsk, ma naman kasi eh." pagtanggi ko.
"Anak naman, para nalang sakin, sige naman na, tutal naman senior high ka naman na." lahat talaga gagawin ng nanay ko malayo lang ako sa eskwelahang yon.
"Fine!" ang kulit kulit na kasi nya, kanina pa mula pagkagising ko, kaninang kanina pa nya ako kinukulit para lumipat ng school.
Biglang nanlaki ang mga mata ng nanay ko at biglang umusli ang ngiti sa kanyang mga labi.
Napairap nalang ako sa nasaksihan.
"Talaga ba anak? Pumapayag ka na?" pagkukurpirma nya.
Agad nalang akong tumango para manahimik na rin sya.
Nagimbal ang buong pagka tao ko ng bigla nya akong yakapin ng mahigpit.
Argh, seriously? Para lang lilipat ako ng school, sobrang tuwa na nya?
Di ko nalang pinansin, hanggang sa maghapunan kami.
"Sya nga pala anak, na i-enroll na kita sa bago mong papasukan, noong nakaraang linggo pa" oh diba, hindi pa ako pumapayag non ha?
Pero na i-enroll nya na ako, halatang wala na akong kawala, daig ko pa ang natali sa asawa.
Ang kinaibahan nga lang ay natali ako sa isang school.
Siguradong maninibago ako nito.
Mula kasi ng halikan ako ng kapatid ng kaklase kong lalaki noong kindergarten ako ay agad akong inilipat ni mama sa all girls school.
Ewan ko ba at galit na galit sya doon sa lalaking humalik sa akin, eh hindi naman sya ang hinalikan.
Maka react eh, napaka over acting.
O dahil nag iisa nya akong anak kaya ganon sya ka protective sa akin?
Knowing na wala akong kinilalang tatay. Sinabi rin sa akin ng nanay ko na hindi alam ng tatay ko na may anak sya, at iyon ay ako.
Minsan ko na ring tinanong si mama kung minahal ba sya ng lalaking naka buntis sa kanya, at ang sagot nya ay oo.
Ang kwento nya nga rin sa akin ng nanay ko ay ng malaman nyang nagbubuntis sya sa akin ay agad syang umalis na parang bula. Nang gabing aamin daw sana sya sa tatay kong gunggong ay nalaman rin nyang matagal na palang nangangaliwa ang tatay ko. Kaya ayon umalis nalang sya ng walang paalam.
Pinutol narin nya lahat ng komunikasyon sakanila ng magaling kong ama. Aba dapat lang, ikaw ba namang niloko na lahat lahat at magpapaka manhid ka pa rin?
Tanga nalang ang babalik sa ganon.
Mabuti nalang at hindu tanga ang mama ko.
Chef ang mama ko, nakapag tapos sya ng culinary arts, at ako?
Wala pa akong alam na kuhaning kurso, hindi pa naman ako college. Saka nalang kapag may pumasok na sa utak ko. O malay natin biglang mag pop sa utak ko, at iyon pala ang gusto ko hindi ba?
"Anak sa ikalawang linggo na pala ang pasukan sa bago mong paaralan, halika mamimili tayo ng nga gamit mo ngayon!" excited nyang tawag sa akin. Ngiting ngiti pa sya.
Lihim rin akong napangiti.
Minsan nagtataka ako kung paano ako napalaki ng nanay ko ng mag isa. Dahil nga wala akong ama.
Bilib rin ako sa nanay ko eh, sya ang nanay at tatay ko at the same time.
"Yara, magbihis ka na dalian mo at baka mahuli tayo sa byahe, traffic pa naman" pag papaalala nya pa.
"Eto na ma, magbibihis na" sabi ko nalang.
Agad akong nagbihis ng simpleng black shirt at puting pantalon. Inayos ko nalang rin ang buhok ko at itinali ito ng pa pony tail.
Bumaba ako agad at nakita ko ang nanay kong naka upo sa sofa at may kausap sa telepono.
"Mitch, just wait me there okay? My daughter needs me right now, I hope you can fix those mess. You're my trusted manager in our restaurant, ever since I'm at the beginning stage. A'right?" huli nitong sabi at ibinaba ang tawag.
"Who's that, ma?" pagtatanong ko, muka rin kasi syang problemado.
"Nothing, something came up on our restaurant, but your tita Mitch can manage" sabi nito at agad akong nginitian.
"Anyway lets go now" di pa man din ako nakapagsasalita ay hinatak nya na ako patungong kotse.
Habang nagba byahe hindi ko maiwasang mainip, totoo nga ang sabi ni mama, traffic nga. Linggo kasi ngayon.
Nang matanggal ang traffic ay agad ulit pina andar ni mama ang sasakyan.
"Anak teka lang, naiihi si mama, mauna ka na kuna sa bookstore" tumango nalang ako bilang tugon at sinunod sya.
"Good afternoon, Ma'am" bati ng guard ng makapasok ako sa bookstore.
Tumingin tingin muna ako ng pwedeng bilin hanggang sa nagulat ako ng may dalawang braso ang pumulupot sa bewang ko.
Sisigaw na sana ako pero agad akong nahiya sa sinabi nya.
"Miss, I think you're on your period today without noticing it" ani nya.
Hindi ko alam!!
Jusko bakit ngayon ka pa dumating!!
Shit!!
Nasa isa akong public place at ngayon mo pa talaga naisipang dumating.
"Uhm, hindi ko alam" simple kong sagot.
"Miss, I think its better if you, wear my jacket for awhile" at dahil no choice ako ay sumang ayon nalang ako.
Nakakahiya!!
Ilan na ba ang nakakita na may tagos ako?!
Naka puti pa naman akong pantalon!!
Bakit kasi irregular ang menstruation ko!!
Hindi mo alam kung kelan at kelan sya dadating!!
Ng matapos ngayng ikabit ang jacket nya sa bewang ko ay agad ko syang hinarap.
"Mister, thank you. Ah eto" sabi ko at agad dumukot ng pera sa bulsa ko.
At kung minamalas ka naman talaga. One hundred pesos lang ang laman ng bulsa ko at yukot yukot pa.
Eto na yata ang pinaka nakakahiyang nangyare sa akin buong buhay ko!!
"Haha, silly girl. No, but thank you. You can keep my jacket for free. Just think that I gift it to you" sabi nito at agad ng umalis.
Sana makita ko sya ulit, ng maisoli ko ito sa kanya. Para syang savior ko ngayon.
Salamat naman, kung hindi. Andami na sigurong tao ang pinagtatawanan ako ngayon.
"Anak there you are" narinig ko ang boses ni mama at ng nilingon ko ito ay agad syang pumunta sa akin.
Agad din namang napunta ang mata nya sa jacket na suot ko. Magtatanong na sana sya pero agad na akong kumuha ng basket at kumuha na ng mga notebooks at iba pang kailangan for school.
Knowing my mother, onting may napansin lang kakaiba sa anak nya ay magtatanong ng magtatanong yan.
Ngayon sigurado akong hindi ako nagmana sa kanya, siguro sa tatay ko namana ang ugali ko.
Pero ang muka ko ay parang kanya lang, madami nga ang nagsasabing parang carbon copy nya ako, which is true. Yes I agree that I looked like my mother.
Wala namang duda, kung hindi lang dahil sa buhok kong medyo kulot ang dulo.
Natural na kulot ang buhok ko, pero may mga chemical na ring nahalo rito, naranasan ko ng magpakulay ng buhok ng hindi nalapaman ng nanay ko.
Kulay red pa man din iyon. Pero nang malaman ni mama, pinaulanan nya ako ng sermon ng maghapong iyon.
Kesyo ano daw ginawa ki sa buhok ko. Ang angas kaya tignan ng buhok ko non, lalo na't kulay pula pa ito.
Nang mabayaran namin lahat ng pinamili ay dumiretso na kami sa restaurant ni mama.
Yes, pag mamay ari ng mama ko. Although hindi ko sinasabinh restaurant namin, kasi anak nya lang naman ako dito, saka nalang kapag may trabaho na ako dito.
At bakit ko aangkinin ang hindi akin hindi ba?
Napaka unfair naman ata non.
"Mitch!!" tawag ni mama.
"Yes Anne?" kahit manager ni mama si Tita Mitch ay itinuring nya na itong parang kapatid nya. Turns out na ninang ko pala si tita mitch or ninang mitch?
My mom started this business of her when she was pregnant.
And then she meet tita mitch, na nasa gilid ng kalsada at umiiyak. Yun pala ay nag run away si tita Mitch. And also buntis din sya ng magkita sila ni mama.
Ang kinaibahan nga lang ay, si mama hindi alam ng nakabuntis sa kanya na buntis sya, at ang kay tita Mitch ay hindi pinanagutan.
"Hey Yara" bati sa akin ng anak ni tita Mitch.
She is Alexandra De Villa, my first girlfriend at the same time. Pero hindi alam ng parents namin na naging kami. Baka mamaya ay hindi na kami pagkitain.
Wala naman na kami ni Alex, mas much better if we remain bestfriends.
She's a month older than me. We also go at the same school. Ewan ko lang ngayon.
"Alex, lilipat na ako ng school" sabi ko sa kanya. Shock was written on her face.
"Oh my, Yara. Really?!" ingay, napapalingon na din tuloy sa amin ang ibang customer.
"Tone down your voice, b***h" ani ko, she just chuckled then looked at me.
"You really hate when Im noisy huh?" ngingisi ngisi nyang sabi. Tss who wouldn't?
"But, really? Tita Anne said that you're lilipat na ng school?" I remain silent.
I just nod as I respond.
Dont tell me hindi sya lilipat?
"Hindi ka lilipat?" I asked.
"Hindi" she answered simply.
Im very frustrated right now, my goodness gracious.
Magmumuka akong talunan nyan sa bago kong school. You see, Alex is my only friend ever since we were a child.
Alex also know my secrets, but not all, just half of it, and also hers, I know her secrets.
Our dirty mini secrets, I also remembered when we nearly kill a teenage boy. I hope he's okay now. Well he's okay already.
Dinala namin sya sa hospital noong iras na nasagasaan namin sya. Turns out lasing pala ang lalaking iyon.
Mabuti at natawagan namin ang mga magulang non. At mabuti rin na hindi sila nagalit sa amin ng malamang kami ang nakabangga sa anak nila.
Sobra ang kaba namin that time, we also thought na ipapakulong nila kami, pero mabutu at hindi.
I know my mom will be dissapointed once she knew thus secret of mine.
I sighed as I looked at the customers.
Smiling.
Chuckling.
Laughting.
I wish they had a great day at my moms restaurant. My moms restaurant have a few branches here in the Philippines. And also her restaurant have a cafe also.
Sí-Ara's was the name of my moms restaurant.
Katunog ng pangalan kong Cyhyara.
Doon narin kami kumain ng dinner at nagpaalam muna kami kila tita Mitch at Alex bago umuwi.
After two weeks
Ang bilis ng panahon, at ngayon ay papasok na ako sa bago kong eskwela.
Tiyak na maninibago ako, ikaw ba namang pumasok sa all girls school ng ilang taon, hindi ka maninibago?
Maagang umalis si mama, ang sabi nga nya kahapon ay ihahatid nya ako ngayon, pero may emergency sa restaurant nya kaya pumunta kuna ito doon. Ayos na rin yon.
Sasanayin ko ang sarili kong maging independent, para narin hindi ako maging pabigat sa mama ko balang araw.
Naligo ako at nag ayos ng damit, tanging pantalon na itim ang suot ko ngayon, dahil na trauma ako ng magsuot ako ng puting pantalon sa mall. Itim na pantalon at puting tank top.
Wala muna akong uniform sa ngayon dahil, transferee palang ako, at hindi pa ako nasusukatan, sabi rin ni mam, sa school daw na iyon ay doon din dapat bumibili ng school uniform.
Isinuot ko ang bag at I.D. ko at pumara ng jeep, saka ako na-upo.
Oo may I.D. na kami, noong araw raw kasi ng i-enroll ako ni mama ay may nagaw na raw na I.D. ko, napaka high tech naman ng school nila.
Ng marating ko ang sinasabing paaralan at nagtingin tingin muna ako sa paligid, kinikilatis ko ang bawat madadaanan ko.
After all this is my first day of school, in this new school I mean.
Habang nasa gate ay nabasa ko ang nasa itaas non.
MORGAN UNIVERSITY 1977
Oh, so may 40 years na rin pala itong school na ito. Tinignan muna ng gurad ang I.D. ko at malaya akong nakapasok.
Malawak, malaki, malapad ayan ang mga unang salita ang pumasok sa utak ko ng tignan ko ang loob ng paaralan na ito.