Cyhyara's PoV
"Okay, in my place later honey" sabi no prof Adam bago halikan ang tuktok ng ulo ko.
Nginitian ko sya at bahagyang tumango bago lumabas.
Nang makalabas ay nakasalubong ko si Miss Zwen. Agad nya akong tinaasan ng isang kilay.
"Where are you from? To Adam's office?" pagtatanong nya. Eto na nga ba ang sinasabi ni prof Adam.
Kinwento rin kasi ni Adam kanina sa akin na na obsessed na sa kanya si Miss Zwen, as in kung saan sya pupunta ay lagi nitong tinatanong. Ultimo pagligo, pag c.r., dapat alam ni Miss Zwen.
Nasasakal na raw sya. He even tell me that once he broke up with her, she will tell everyone about our past relationship.
Agad ko namang nilingon si Miss Zwen at nginitian ito ng tipid na lalong nagpataas ng isa nyang kilay.
"Ay yes po Miss Zwen. Hinatid ko lang po yung share namin sa booth. Don't worry wala po akong intensyon sa boyfriend mo" sabi ko habang nakangiti.
Ofcourse pilit yon. I'm just doing this for the sake of our relationship, prof Adam and I.
"Good to know that you're already inform that he's my boyfriend. You can go back to your classroom Miss Martinez" ngisi nyang sabi, palihim ko naman syang inirapan.
At talagang ine emphasize nya pa ang word na boyfriend. Gaya ng sabi ko no choice lang si Adam.
Pagbalik ko ng classroom may prof na.
"Sabay na tayo lunch mamaya, Cyhyara? I miss you having lunch with me" rinig kong sabi ni Samuel sa tabi ko at hinawakan ang kamay ko.
He's really like a baby.
Kinurot ko ang matambok nyang pisngi at tumango, I miss him too.
Nagsabay nga kaming nag lunch. He told me some of his childhood memories, so as do I.
"But I have a crush back then when I was five" pagkwento nya kaya nakinig ako.
"Oh really? Is she pretty?" pagtatanong ko. Agad naman syang umiling.
"No, she's beautiful. Very much. But she was transferred to another school when we're turning grade one" pagpatuloy nya.
"Do still have a crush on her?" curiously asked by me.
"Yes, she's so beautiful even now." nagulat naman ako sa sinabi nya.
Nakita na nya ang crush nya?? Nasaan na sya?
"Talaga? Teka nga, ano bang pangalan nya?" pagtatanong ko pa.
Im really curious who is that girl.
"I call her Denden and she calls me Sammy" tumingin naman sya sa akin.
Wala akong kilalang Denden. Baka malayo sya rito. Pero imposible, kakasabi nya lang na nag kita na sila ulit.
Habang nagke kwentuhan kami ay biglang nag beep ang phone ko. Nagulat ako ng makitang si prof Adam yon.
I read the message.
'Ni afternoon classes for today honey. Lets go now' ayan lang ang nakalagay kaya tumayo na ako at binitbit ang mga gamit ko.
"Where are you going?" takang tanong ni Samuel na tumayo na rin.
"Pinapa uwi kasi ako ni mama. Pakisabi nalang mamaya sa prof natin" nagmamadali kong sabi. Im sorry Sam if I can't tell you the truth.
Someday I will tell you about this.
Paglabas ay naghintay aki sa madilim na parte at tinawagan si prof Adam na nandito ako sa parteng ito.
Agad na tumambad sa akin ang isang black na jeep wrangler. May nagbukas ng pinto na ito mula sa loob.
"Hop in honey" sabu nito kaya sumakay na ako.
"Saan tayo?" tanong ko ng umandar na ang sasakyan.
"On our house" simple nitong sabi.
Huminto na kami sa dati naming pinuntahan. Pagpasok as usual malinis pa rin.
"What do you want my little girl? Your dear professor will cook it for you" malambing nitong sambit noong marating namin ang kusina nya.
"I want buttered shrimp and adobo please" sagot ko naman sa kanya kaya tumawa ito bago ginulo ang buhok ko.
Im also craving for desserts.
"Do you have baking tools and ingredients Adam?" pagtatanong ko, nilingon nya naman ako.
Bumaba sya at may kinuha sa ibaba ng lababo.
"I buy this for you. I know you love to bake" ani nya at inilabas ang mga kagamitan. Namangha naman ako at nilapitan sya.
Hinalikan ko sya ng mabilisan sa labi sa sobrang tuwa.
"Thank you Adam!!" maligaya kong sabi at tinulungan ko syang ayusin ang mga ito sa lamesa nya.
"These are your ingredients. Kumuha ka nalang ng mga kailangan mo" tumango tango nalang ako sa sinabi nya.
"Anong gusto mo palang i bake ko?" tanong ko naman sa kanya.
"Red velvet cupcakes. I love that cupcake, especially when you made it" I blushed of what he said.
Nagsimula na akong paghaluhaluin ang mga ingredients.
After half an hour, isinilid ko na ang mga ito sa microwave.
"Food is ready honey. Lets eat" sabi nito kaya naupo na rin ako.
Pinaglagay nya ako ng kanin sa plato ko. Tutunog naman ang microwave once na tapos na ang cupcakes.
Nagugutom na ako pero tinatamad ako.
"Subuan moko" nang aasar kong sabi sa kanya. Napailing iling naman ito bago tumabi sa akin.
"My little girl still acts like a baby. What will I do to you" sabi nito habang binabalatan ang hipon at agad itong isinubo sa akin.
"C'mon even still I act as a baby, you still love me" bigla nalang lumabas sa bibig ko yan. Tumawa naman sya at tumango tango.
"Right" ngiti nyang sabi at pinagpatuloy an pag subo sa akin.
Narinig namin ang pagtunog ng microwave. Tatayo na sana ako pero sya nalang raw ang kukuha.
He place it on the table. Tumayo naman ako at kinuha ang frosting sa fridge nya.
Red velvet ang flavor dahil yun ang gusto nya. Pinatungan ko na ang cupcake ng cheese na frosting and heart sprinkles.
"Can I taste it now?" biglang sulpot ni Adam sa likuran ko.
"Mainit pa. Wait tayo ng mga three or two minutes." pag sabi ko kaya napabusangot sya ng mukha. I pinched his nose.
"Aww" he threw a glare at me, at nagpatay malisya lang ako.
"What?" tanong ko. Palihim naman akong napatawa sa itsura nya.
He's now scrunching his nose in frustration of what I just did.
"Pasalamat ka talaga mahal kita" napahagikgik naman ako sa sinagot nito sa akin.
Lumapit naman ako sa kanya.
Sininghot singhot ko sya. Nakakaadik yung amoy nya!!
Alam kong amoy nya yon at hindi nya pabango.
"I love your scent" tinaas ko ang mukha ko sa kanya. Nakakunot ang mukha nya.
Inilapit ko ang mukha ko sa mukha nya.
Saka ko kinagat ang ilong nya. Napatawa nanaman ako ng makita ang bakat ng ngipin ko sa ilong nya.
"What's wrong with you woman?" inis nyang tanong at hawak ang ilong.
Liningon ko ang mga cupcake at kinuha ang isang piraso ron. Kumagat ako at muling hinarap si Adam na nakakunot padin ang noo.
"Here. Ah" itinaas ko ang cupcake sa mukha nya, kinagatan nya naman yon.
"Taste good. No. Delicious." puna nya at humarap sa akin.
Nagulat ako nang binuhat nya ako at napaupo kami sa sofa.
Nang malagay nya ako sa sofa ay umalis sya, pagdating nya ay dala dala nya ang mga cupcake.
Umupo na sya sa tabi ko. I leaned my head on his shoulder.
I asked something.
"When will you get married?" tanong ko. Hindi ko naman kasi alam kung kami ang ending diba?
Lalo na at estudyante nya ako, hindi tatagal at malalaman ng lahat ang mga ito.
"Ofcourse when you're ready" He kissed me on my forehead, bahagya pa akong napapikit ng maramdaman ko ang labi nya sa noo ko.
"Okay, how about when you had kids? What name you do you want?" sabi ko. Hinawakan nya naman ang kamay ki at pinaglaruan.
"Girl or boy?" He said.
I shrugged.
"Both" sagot ko naman sa kanya. Nilingon nya ako.
"I want Adamian for boy, and Adamila for girl" napatango tango ako sa sagot nya.
"How about you?" dagdag nya.
"I want Vien for boy, and Venus for girl" hinalikan nya ako ulit sa noo.
"Ihahatid na kita mamaya" napanguso aki sa sinabi nya.
"Can't I live here?" naiinis kong tanong.
"Ofcourse you can. But your mom. She needs you okay?" tumango nalang aki sa sinabi nya.
My mom still need me. I love her more than myself.
Inihatid nya na ako sa bahay matapos naming mag kwentuhan ng kung ano ano.
"See you tomorrow honey" paalam nya. I leaned closer and kiss him on the lips. It just last for five seconds.
"Okay Adam. I love you" sabi ko and caressed his hair.
"God knows how much I love you" bumaba na ako sa sasakyan nya.
Binuksan ko na ang pintuan ng bahay namin.
"Hoy bruha!! Kanina pa ako dito bat ngayon ka lang ha?!" bulyaw sa akin ni Alex.
Inis ko syang tinignan.
"Bakit ba?? Sinabi ko bang maghintay ka ha?? Hindi naman diba?" ganti ko sa kanya.
Lumapit sya sa akin at nakahawak pa sa magkabilang bewang.
"Aba't kailan ka pa naging masungit?" taas kilay nyang tanong.
"Hindi ako masungit Alexandra!!" nangigil ako sa kanya.
Bat nya ba ako iniinis?
"Oh talaga Cyhyara? Pákyu" she raised her middle finger at me.
Nagdadabog naman akong pumasok sa kwarto ko.
How dare her? Sya na nga lang nagpupunta dito. At sa akin pa sya galit ha?
Habang naka higa sa kama ay bigla akong nag day dream sa apple.
Bumaba na ako sa kama at pumunta sa kusina.
I saw Alex watching tv. Pero di nya ako pinansin.
Kumuha nalang ako sa fridge ng apple. I love apples.
Pero parang hindi masarap. Naghanap ako ng pwedeng sawsawan.
And the vinegar caught my attention.
Naglagay ako non sa platito at isinawsaw ang apple sa suka.
"What the f**k, Cyhyara? Anong bet mo ngayon? Apple cider vinegar?" nandidiri akong pinapanood ni Alex.
"Wala kang pakialam. Don ka na nga!!" pagtataboy ko sa kanya kahit na may laman pa ang bibig ko.
Umarte sya na parang naduduwal kaya inirapan ko sya.
"Samuel!!" tawag ko kay Samuel ng makapasok ako sa classroom.
Pati tuloy mga kaklase ko ay napatingin sa akin. Di ko sila pinansin at lumapit kay Samuel.
Nang makaupo ako I suddenly grabbed his hair and play with it.
Its so soft!!
"Morning class" tinignan namin ang bagong dating. Si prof Adam pala.
Bigla nalang ako ngumiti sa kanya na hanggang tenga. Abot pa sa mata ko.
Napatingin sya sa akin at kumunot ang noo saka umiling iling. But I suddenly saw his lips curved a bit.
'Cute' I read what he mouthed.
"Aww" Samuel groaned. Tinanggal ko na ang kamay ko sa buhok nya. It looks so messy now.
Kinuha ko ang suklay ko sa bag.
"Here" humarap naman sya sa akin. Sinuklayan ko ang buhok nya. At pagkatapos ay nakinig na kay prof Adam.
"What's wrong with you? You're actung weird, Yara" taka nitong sabi at inayos ang buhok nya.
"Walang mali sa akin. Napansin ko lang malambit ang buhok mo and hindi ako nagkamali" pagpapaliwanag ko. Kumunot naman ang noo nya sa paliwanag ko.
Nang matapos ang morning class ay pumunta na ako sa office ni prof. Wala syang sinabi na pumunta ako. Pero gusto kong pumunta.
Pagbukas ay nakita ko ang naka upo na si prof Adam at si Miss Zwen na nakatayo, nag uusap sila.
"Tell me the truth Adam. Anong ginawa dito kahapon ni Cyhyara? Why is she even here? I thought wala na kayong relationship?" frustrated nyang kausap kay Adam.
"Ako po ba ang punag uusapan nyo?" patay malisya kong sabi.
"Yes. You're with Adam right?" napataas ang kilay nya sa pagkausap sa akin.
"Yes po. Pero pinaliwanag ko na po kahapon diba? I came here po dito kahapon kasi inabot ko po ang mga share namin sa booth noong intrams" tinignan ko si Adam sa likod nya.
"That's what I told her earlier." Sabi ni prof Adam habang nakatingin sa akin.
"Are you two telling the truth? Because once I know that you're lying, say bye bye to your job Adam" seryoso nitong sabi kay Adam.
"Im telling you the truth Zwenna. Ikaw na ang bahala kung maniwala ka o hindi" pinal nitong sabi bago lumabas ng office nya.
Probably naasar kay Miss Zwenna.
Nilingon ko si Miss Zwenna, nginitian ki sya ng tipid bago lumabas rin ng opisina.