Cyhyara's PoV
"Maldives? Are you sure Freda?" well nakapag out of town na rin kami ni mama.
And that's once a year.
"Oo naman ano ka ba. Tara na nga" Pumunta na kami sa may pool kanina. And mula dito sa kinatatayuan namin ay nakikita namin ang mga pinsan naming lalaki.
And yup mga pinsan. Kadarating lang ng iba.
"Sino yan Freda?" tanong nila sa katabi mo.
"Our cousin duh?" masungit nitong sabi sa nagsalita. Hindi ko sila nakikita dahil tumitingin tingin ako sa paligid.
"Oh really? What's her name and surname then?" nakita ko naman ang pag irap ni Freda.
"Jace manahimik ka na nga lang!!" sigaw ni Freda kaya nilingon ko ang sinasabi nyang Jace.
And there I saw Jace, yung makulit sa stall namin noong intrams!!
"Cyhyara?!" gulat nitong tanong.
"Lah Gago don't tell me sya yung kinekwento mo lagi samin na trip mo?" rinig ko pang sabi ng isa.
"f**k you Alejandro!!" sabi ni Jace kaya nagsitawanan ang mga nasa pool.
Kami naman ni Freda ay pumunta sa may bandang dulo. At may nakita akong dalawang babae.
"Jen, Ven" tawag sa kanila ni Freda.
"Oh tara dito tayo dali. Magmall daw tayo mamaya. Bibili tayo ng swim wear for tomorrow" sabi ni Jen.
"Cyhyara bakit ang ganda mo?" biglang tanong ni Ven.
"Huh? Hindi ko rin alam. Baka kasi siguro nasa lahi natin" tumawa naman sila sa sagot ko. Nang dumating ang lunch ay nagsubihis na kami. Pinahiram ako ni Freda ng isang light yellow off shoulder na dress. No choice naman ako dahil nangheheram lang ako.
Pagdating namin sa dinning area ay nakita ko si dad.
"Dad!!" tawag ko dito at nilapitan sya. Hinalikan aki nito sa noo bago ako ngitian.
"How's my princess? Did you enjoy your cousins company?" tumango naman ako sa kanya.
"Uncle Greg, pwede namang dito matulog si Yara diba?" biglang singit ni Freda.
"Oo naman. Hindi ko lang alam sa kanya" pagsabi ni dad.
Tinignan ako ni Freda na nanghihingi ng sagot ko.
"Its fine. Wala naman si mama ng one week" paliwanag ko bago kumain.
"One week?! Dito ka nalang for one week!!" sabi ni Ven na syang katabi ko ngayon.
"Venice ang ingay mo!! Nasa harap ng pagkain eh!!" singhal ni Jace kaya sinamaan sya ng tingin ni Ven.
"Wala kang pakielam ásshóle!!" sabi nito.
"Your words Venice" sabi ni Tito Allen kaya napatahimik na ito at sinimulang kumain.
Matapos kumain ay nagsiyayaan na silang mag mall.
"G na! Kanino sasakyan gagamitin? Oy Alejandro pahiram ng kotse mo ha?" paalam ni Jen kaya ihinagis ni Alejandro ang susi kay Jen.
Palabas na kami ng biglang sumulpot si Dad.
"Here princess, take this. Buy whatever you want" inabot niti sa akin ang isang card.
"Its fine dad. Wala naman ako bibilhin and I have my card right here with me" sabi ko dito pero pilit pa ring inilalagay ni ada ang card nya sa kamay ko.
"Please princess? Kulang pa to para makabawi si daddy sayo. Please take this" kinuha ko nalang ang card dahik sa sinabi ni dad. He said take care before we left.
Si Jen ang nagmamaneho katabi si Ven. At nasa likod kami ni Freda.
Bigla nalang nag traffic kaya napadabog nalang sa inis si Jen.
"Hey bitches, kilala nyo si prof Adam diba?" napatingin naman kami kay Ven ng magsalita sya sa harap. Tumango naman kami sa sinabi nya.
"He's my prof actually" sabi ko sa kanila.
Nilingon nila ako ng may nanlalaking mga mata.
"OMG!! You're so lucky!! He's my crush when I first saw him!! But he already had a girlfriend" bumusangot naman ang mukha ni Freda.
"Oh si Miss Zwen ba?" tanong ni Ven. Habang nakikinig lang kami ni Jen sa kanila.
"Maliban don tsk!! Nakita ko kasi na may ka kiss si prof Adam non sa office nya, and naka uniform ito ng Morgan!! But I didn't see her face" bigla naman akong kinabahan sa sinabi ni Freda.
"But I can't blame her tho. Ang handsome kaya ni prof Adam. Pero paano nya naman napagtaksilan si Miss Zwen?" takang tanong ni Ven.
"Obvious naman a nasasakal na si Prof Adam kay Miss Zwen. Kahit nga sa meeting nandoon si Miss Zwen kahit di naman sya kailangan. Naiinis na rin ang ibang kasama sa meeting sa kanya." paliwanag naman ni Jen na nagmamaneho na uli.
"Pero bilib ako don sa student ha? I think may gusto si prof Adam don. I even saw them hugging each other" nanlalamig na ano rito sa kinauupuan ko dahil sa pinag uusapan nila.
"Sino sa tingin nyo yun?" tanong ulit ni Jen.
"I have no idea" nagkibit balikat si Ven.
"I thinks its one of his students" sabi naman ni Freda at tumingin sa akin.
"Sino sa tingin mo Yara?" baling sa akin ni Jen.
"I dont know either." sagot ko nalang. Napahinga ako ng maluwag ng madating namin ang mall.
Nag park muna kami bago pumasok sa mall.
Bumili lang kami ng kung ano anong gagamitin. Pero ako?
Wala masyado, lalo na at kay dad itong gamit kong card.
"Tara dun tayo!! Fav boutique ko yon!!" sabi ni Freda at pumunta na sa harap ng isang store.
"Malamang sa nanay ng kaibigan nya yan eh" iling iling na sabi ni Ven at sinundan na namin si Freda.
Pagpasok ay agad kaming sinalubong ng mga staff.
"Good afternoon Ma'am!" bati nila sa amin.
Naghanap na sila ng mga matitipuhan nilang mga swim wear at iba pang damit.
My eyes darted to a light blue beach dress. Mahaba ito, hanggang baba ito ng tuhod. And hanggang braso ang manipis nitong tela.
"Nako ma'am panigurado bagay ito sa iyo" pagsasalita ng nasa likod ko.
Tinignan ko ang presyo. Two thousand five hundred fifty nine.
Napalunok nalang ako sa nabasa ko.
"May iba pa bang stock nito?" pagtatanong ko.
She smiled at me.
"Actually ma'am limited lang yan. Ka isa isang piece lang yan." nakangiti nitong sabi.
Kinuha ko na ang dress at binayaran ko na agad sa counter. Hayaan mo na babayaraan ko nalang kay dad kung sakaling singilin nya ako.
Agad kong hinanap yung tatlo. Nakita ko naman sila sa bandang may mga two piece.
"Eto kaya, bagay naman sayo to Ven" sabi ni Freda at kinuha ang isang one piece red bikini.
"Ano ka ba naman Freda. Masyadong daring ang red, tsaka tignan mo nga yang design!! Deep V neck yan!!" nakita ko naman kung paano umirap si Freda sa sinabi ni Ven.
"Apaka arte mo!! Ang ganda ng katawan tapos ano?! Magra-rush guard ka nanaman ha?! Eighteen ka na Ven!!" napapraning pang sabi ni Freda.
Nilapitan ko muna si Jen na naghahanap pa ng magugustuhan nya.
"May nahanap ka na?" tanong ko dito.
Umiling naman sya.
"Ikaw?" bigla nito tanong sa akin.
"Wala pa, hindi kasi ako sanay" nahihiya kong sabi.
Napatawa naman ito at tumingin na sa akin.
"Parehas pala kayo ni Ven" sabi nya.
"Yes!!" lumapit sa amin ang tuwang tuwa na si Freda.
"Napano ka?" naguguluhang tanong ni Jen.
"Napapayag ko si Ven!! Magsi swimsuit na sya, kyah!!" tumatalo talon nitong sabi.
"Tara na bayaran na natin, bago magbago isip nun" pagkabayad nila ay pumunta na kami sa parking lot.
"Alejandro!!" tawag ng isa sa amin.
"Oh andyan na pala kayo. Punta raw rito sila Ate mamaya, sasama daw sila satin bukas. With her boyfriend" sabi naman ni Alejandro.
Para namang nainis itong tatlo kong kasama.
"Lagi naman panira talaga. Argh!!" tumayo na si Freda at umakyat ng hagdan hawak ang mga paper bag.
"Whatever" sumunod si Ven.
Umiling iling naman si Jen saka umakyat na rin. Naiwan naman ako sa baba na nagtataka.
Tinignan ko si Alejandro.
"Alejandro" nagdadalawang isip kong tawag sa kanya. Masyado kasing mahaba ang pangalan nya.
Tumawa naman ito sa akin bago mag salita.
"You can calk me A, couz." tumango naman ako sa sinabi nya.
"Okay. A. Bakit naging ganon sila kanina? Anong meron sa ate mo? Well, its fine naman kung di mo sagutin. I understand" sabi ko dito.
"Judgemental kasi ang ate ko. As in wala syang pakialam sa nararamdama ng iba. Inshort she's selfish. Very selfish." paliwananng nito.
So that explains why.
Pero bakit sobra naman ata ang inis sa kanya nung tatlo?
Magtatanong pa sana ako nang may humigit na sa akin.
"Bat di ka sumama sa amin kanina?!" tanong sa akin ni Freda habang hila hila ako.
"Huh? Dapat ba sumama rin ako?" maguguluhan kong tanong.
"Oo naman. Tara na nga!!" pumasok kami sa kwarto nya. Yung pinasukan namin kanina.
Nakita ko naman sila sa loob. Si Ven na nasa harap ng computer at may subong lollipop at si Jen na nagbabasa ng libro sa couch na katabi ay isang nachos.
Nakabihis na rin sila ng pambahay.
"Oh eto. Maghilamos ka na" inabutan ano ni Freda ng cotton shorts at isang plain t-shirt and undergarments.
"Di pa gamit yang mga yan. Yung shorts at t-shirt lang" paalala nya.
Tumango nalang ako at tumungo sa c.r. ng kwarto nya.
Naghilamos lang ako bago lumabas.
"Oh tanga tangang b***h patay!!" sigaw ni Ven.
"Ingay mo naman!! Isusumbong talaga kita sa tatay mo Venice!!" naiinis na sabi ni Jen dito.
"Sorry okay?" sabi naman uli ni Ven.
Tinignan ko naman si Freda na nagppalit ng iba't ibang damit.
Ayan siguro yung mga pinamili namin kanina.
Naka underwear lang ito at nagsusukat sukat ng mga damit.
"Victory!!" nagulat naman ako ng biglang lumakas ang volume dahil don.
"Sa wakas!!" sambit no Ven.
"Sus, if I know Angela lang alam mo!!" sigaw naman ni Freda sa kanya.
"Excuse me pero tank ako kanina!!" ganti naman ni Ven.
"Anong tank?" singit ko naman sa usapan nila.
Tumingin naman sila sakin.
"Sa ML lang yon. Lika dito dali!!" sinunod ko nalang ang sinabi ni Freda at lumapit sa kan.
"Asan yung nabili mo?" tanong nito. Kinuha ko naman ang isang paper bag sa isang sulok.
"Sukat mo na!!" tila excited nitong sabi.
Sinukat ko nga ito gaya ng sinabi nya.
"Wow!! You look like a goddess, Goddess Cyhyara!!" patalon talon nya pang sabi.
"Tingin!!" biglang sabi ng dalawa kaya humarap ako sa kanila.
"Woah. Tapakan mo ko Cyhyara ako mismo magso sorry!!" giit ni Ven.
Binatukan naman sya ni Jen. Di nya napansin na katabi nya na si Jen.
"Abnormal. Pano ba kita naging pinsan?" iling iling na sabi ni Jen at bumalik ulit sa pagbabasa.
Habang nagsusukat sukat kami ni Freda ng mga damit nya. I mean ako lang, para nya kasi akong ginawang barbie doll nya.
Biglang may kumatok sa pinto.
"Hoy mga mahal na prinsesa, kakain na!!" nabosesan ko naman si Jace.
Bumaba na kami sa dining area.
"Dad!!" bati ko kay dad nang makita ko sya.
"Is this your daughter Gregorio?" hindi makapaniwalang sabi ng isang babae.
Sinamaan naman sya ng tingin ni dad.
"Ate Suzzy!! Im Gregor not Gregorio!!" asik ni dad. Napatawa naman ang babae.
Who is she? Ngayon ko lang sya nakita. Kaninang umaga kasi wala naman sya.
"Chill baby brother, im just teasing you. So this your daughter?" bigla nitong at tumingin uli sa akin.
"Yes, anak namin sya ni Anne" lumapit naman sa akin si-- hindi ko pa sya kilala.
"Such a beautiful young lady. Kamukhang kamukha sya ni Anne!!" sabi niti habang nakatingin sa akin.
"Auntie!!" sigaw nila Freda sa kabilang side ng lamesa ng dining table.
"Dad punta na po ako don" paalam ko at tumango naman sya at ngumiti.
"Yes dear?" tanong nung babae kay Freda.
"Pupunta ba dito yung anak mo?" tanong nito.
Nangunot naman ang noo ni-- di ko sya kilala.
"Anak?" naguguluhan naman nitong tanong.
"Oo yung masungit! Si fake!" rinig ki namang sabi ni Ven ng tahimik.
"You mean Zwenna? Yes she's coming over with her boyfriend. How sweet isn't it? Mami-meet nyo na boyfriend ng ate nyo!!" excited nitong sabi sa mga pamangkin nya.
So tita ko rin sya? My dad calls him ate and my cousins calls him auntie.
Pero what?!
Zwenna is her daughter?!
No, no!! Baka coincidence lang?!