-Sienna- “Oh, I’m sorry.” naningkit ang mga mata ko nang makita si Ethan na bigla na lamang pumasok sa silid. Ni hindi man lang kumatok. “I was looking for Karla. Sabi niya kasi dinala na ang nanay niya sa operating room. I thought mag-isa na lang siya dito. May nakalimutan lang akong ibigay.” “Bro, it’s okay. Nasa chapel sila.” tumayo si Tyler at nilapitan ito. Lumapit na din ako. “Ethan Ocampo, anong relasyon mo sa pinsan ko?” nakataas ang kilay na tanong ko. Alam kong namumula pa rin ang mukha ko dahil sa pagkahuli niya sa amin ni Tyler na halos magkadikit na ang mukha, pero hindi ko palalampasin ang pagkakataong ito para malaman kung ano ba talaga ang pakay niya kay Karla. “Alam mo bang 18 lang siya? Alam mo bang nasa senior high school pa lang ang pinsan ko?” maingat na hinila n

