-Sienna- “One hour?” malalaki ang mga matang tanong ko. “Don’t tell me we’re going outside Manila?” Hindi siya umimik. Nakangiti lang siya habang nagda-drive at may pasipol-sipol pa. Mukhang masaya siya ngayong araw, and I would only guess the reason why. Because he was alone with me. No distractions, no noise. No one to get in the way of us. And most especially, no Clyde to bother us. Masaya din naman ako. Masaya ako na napapasaya ko siya. Kahit papaano, nakakabawi ako sa lahat ng mga ginagawa niya para sa akin. Ewan ko, basta masaya ako na kasama ko siya ngayong birthday ko. Thirty minutes later, binabagtas na namin ang kahabaan ng expressway. Parang may idea na ako kung saan niya ako dadalhin. At hindi nga ako nagkamali. Nang maramdaman ko ang hindi pangkaraniwang lamig na nanun

