-Sienna- “Ayoko.” nagpakatanggi-tanggi pa rin ako. Nagkibit lang siya ng mga balikat at saka nagsimulang hvbarin ang kanyang pantalon. I looked away and pretended to see the water. “Bakit ba kasi hindi mo sinabi na maliligo pala tayo. Eh di sana nakapagdala ako ng ekstrang damit.” kunwari ay pangangatwiran ko, and I knew he couldn’t argue with that. “Pwede ka namang maligo nang naka-undies lang.” sabi niya nang nakangisi, at pinaikutan ko siya ng mga mata. “So, you thought I would come out here and take all my clothes off to swim with you? Talaga ba, Tyler? Ito ang sorpresa mo sa akin? Nakakatuwa ha.” Bigla akong nagsisi sa sinabi ko nang makita ang pagguhit ng sakit sa kanyang mga mata. Alam kong paborito niyang lugar ito, pero huwag siyang umasa na magugustuhan ko rin dito. This is

