-Sienna- Tyler was right when he told me that the water was warm, and it felt amazing against my skin. Binitawan na niya ang kamay ko at nagsimula siyang lumangoy paikot sa akin. “Tara, punta tayo sa malalim.” sabi niya pag-angat niya, pero umiling ako. “Oh, come on. We’re here to enjoy your birthday.” “Ayoko nga eh. Dito na lang ako.” hanggang dibd!b lang ang lalim ng tubig sa pwesto ko. Kapag nagpunta pa ako sa malalim baka malunod na ako. Hindi pa naman ako marunong lumangoy. “Ikaw na lang ang pumunta sa malalim.” Sabi ko, at hindi sinasadyang nasabuyan ko siya ng tubig. “Did you just splash me?” tanong niya, at natawa lang ako, sabay saboy ko ulit sa kanya ng tubig. “Ah, ganyan pala ang gusto mo ha.” nanlaki ang mga mata ko nang bigla niyang ikawit ang kanyang braso sa bewang ko

