Chapter 40 Blood of the roots. Blood of the fruit. Nakatitig ako ngayon sa puno ng mangga. I sighed. I gotta try. Kumuha ako ng bunga ng mangga at nilagay ko doon sa ugat ng puno. Inilapat ko ang talim ng kutsilyo sa aking braso hanggang sa tumulo ang aking dugo. Napangiwi ako sa hapdi. Nakita kong napatakan ng aking dugo ang ugat at ang prutas. I gasped. I waited for something. Something. But then again, I waited for nothing. Blood of the roots. Blood of the fruit. Bakit ba ang hilig ng mga prophecies sa mga riddles? Ikamamatay ba nila kung sasabihin na lang nila direkta ang sagot? Naghintay pa ako ng ilang mga minuto, pero wala talagang nangyari. Babalik na sana ako sa room namin ni Ate AP nang makita ko si Fivo na nakatayo sa harapan ko, may dalang first aid kit. Nakatingin siya

