Prologue
Prologue
"Fivo, I need you right now. Please come here."
(Where are you?)
"In the park."
(Give me ten seconds.) Pinatay niya na ang tawag. Ang init pa rin ng ulo ko dahil pinahiya ako ng prof ko.
"10.."
Tumingin ako sa entrance ng park.
"9.."
Dadating kaya siya?
"8..7..6..5..4..3..2..1"
"Kanina ka pa ba dito?" Nagulat ako sa boses na nasa likuran ko. It is him. Hindi niya ko binigo.
"Hindi kita nakitang pumasok sa entrance. Akala ko hindi ka na dadating."
"I'll never abandon my girl." He leaned down and kissed me on my forehead.
Umiling na lang ako. I have no time to reminisce. Ganun kami dati, pero hindi na ngayon. Marami nang nagbago. At hinding hindi na kami babalik sa dati.
I was standing in my yard, looking at his house. Magkatapat lang ang mga bahay namin. Kanina pa ko nakikipagtalo sa sarili ko kung pupuntahan ko ba siya o hindi. As if he will welcome me after what I did to him.
Biglang tumunog ang cellphone ko at sinagot ko ito agad nang makita ko na si Sir Loki ang tumatawag.
"Sir Loki."
(Nagawa mo na ba yung pinapagawa ko sa'yo?) Napapikit ako sa sinabi niya. Lagot.
"Sir, hindi ko pa siya nakakausap. Paniguradong galit siya sa akin ngayon. Hindi siya papayag sa-"
(I don't care. Kukumbinsihin mo si Fivo o mag-aassign ako ng ibang tao para sa misyon na to. Pili.) Napabuga ako ng hangin sa hamon niya. Nakakainis, wala akong choice. Ang tagal ko nang pinag-aaralan ang misyon na to. Lumipat pa nga ako sa village na ito dahil malapit dito ang Fier Academy.
(Huwag mong kalimutan ang lahat ng mga sakripisyo mo para dito.) At lahat ng mga ginawa ko para lang dito ay bumalik sa memorya ko.
"Aleah Diaz. Yun na ang magiging pangalan ko?" Tanong ko habang inaaral ang mga documents na binigay sa'kin ni Sir Loki.
"Yup. From now on, you will be Aleah Diaz. Masmagiging madali ang trabaho mo kung walang nakakakilala sa'yo. Ipapadala ka namin sa Central Torniquo." Napangiti ako sa sinabi ni Sir Loki. This is what I've been waiting for.
"Magpapadala ako ng mga reports sa inyo? Kukumbinsihin natin ang mga masnakakataas na kailangan ng mai-take down ang Fier Academy dahil sa panganib na dala nito. At kapag nakumbinsi natin sila.. you'll let me take the mission?"
"Yes, Aleah." Napangiwi ako nung tinawag niya ako sa bago kong pangalan. Ang weird. Masgusto ko pa rin yung tunay.
"Masanay ka na sa pangalan mo. Bakit nga pala gusto mong mainvolve diyan sa mission na yan? Why so desperate in taking down that academy?" Ngumiti lang ako bilang sagot.
"Fine! Kakausapin ko na si Fivo!" Pinatay ko na yung tawag at huminga ng malalim. Kinakabahan ako. I don't want to talk to Fivo right now. I don't to talk to him anytime, period. Lumabas na ako sa gate ng bahay ko at naglakad sa tapat ng gate nila. Nagdoorbell ako at binuksan ito ni Aling Maring.
"Good moring po Aling Maring. Kakausapin ko lang po sana si.. Fivo." I tried so hard to look okay infront of her. Pero ang totoo ay hindi ko na magawang ngumiti sa kaba. Lalapitan ko ngayon ang isang tao na ako mismo ang gumagawa ng paraan para mapalayo sa kaniya.
"Osige, puntahan mo na lang siya doon sa sala. Nanonood lang siya doon."
"Salamat po." Huminga ako ng malalim at tinahak ang daan papunta sa sala nila. Naninigas ang buong katawan ko. Hindi ko alam kung saan ko nakuha yung lakas na maglakad. Nakita ko siya na nakaupo sa sofa. Bumilis na naman ang t***k ng puso ko. He's wearing a white shirt and jersey shorts. Messy hair. His black eyes were fixed on the television. Tumikhim ako para maagaw ang atensyon niya pero hindi niya ako pinansin. Tumikhim pa ako nang masmalakas pero parang wala siyang narinig. Nawalan ako ng pasensya kaya tinawag ko na ang pangalan niya.
"Fivo." Nilingon niya ako at tinaasan ng kilay. Pagkatapos ay ibinalik na rin niya ang tingin sa TV. Ang kapal ng pagmumukha niya. Akala niya ba gusto ko talaga siyang puntahan dito? Akala niya ba susuyuin ko siya? Aalis na sana ako pero naalala ko kung ano talaga ang sadya ko dito. Hindi ako pwedeng umalis dito na hindi ko siya nakukumbinsi. Umupo ako sa sofa na nasa gilid niya kahit hindi naman niya ako pinapaupo.
"Fivo, kausapin mo nga ako. Hindi ka na nakakatuwa." Pero parang wala siyang narinig at tinuon pa rin niya ang pansin sa TV. Nauubos na ang pasensya ko. Tumayo ako at pinatay ang TV tsaka ko siya hinarap. There, nakuha ko rin ang atensyon niya.
"Ano bang problema mong babae ka hah? Bored ka ba sa bahay niyo kaya ka pumunta dito?" Pasigaw niyang tanong sa'kin pero hindi ko siya pinansin at naupo ulit ako sa tabi niya.
"I have a deal for you."
"I thought you don't want any deal involving me?" Hindi ko na lang pinansin ang sinabi niya. Iba ang pakay ko sa pagpunta dito.
"The agency wants to take down Fier Academy. Gusto ni Sir Loki na bumalik ka sa agency. Mas effective ang team kapag kasama ka."
"So.. pinuntahan mo ko kasi may kailangan ka sa akin? Hindi dahil gusto mo akong makita?" Nanunuyo ang lalamunan ko. His jaw tightens. His fist clenched. Alam kong nagagalit siya ngayon pero muli, hindi ko na lang iyon pinansin.
"Ilang residents na sa Torniquo ang pumasok doon at hindi na nakalabas. People say na haunted iyon pero alam nating dalawa na hindi. Kailangan nating imbestigahan ang lugar na yun. Tayo mismo ang papasok doon at aalamin kung-"
"Sagutin mo ang tanong ko. Pumunta ka lang dito dahil may kailangan ka sa'kin?" Nakakatakot yung tono niya. Kinakabahan ako sa aura niya ngayon pero hindi ako magpapatinag. Hindi ko na lang ulit ito pinansin.
"Sir Loki wants you back. Sweswelduhan naman niya tayo ng malaki if ever na maging successful ang misyon-"
"JUST ANSWER MY QUESTION! MAHIRAP BA YUN? Nandito ka lang ba dahil may kailangan ka sa'kin? Sagutin mo ko." Galit na galit ang mga mata niya. If stare could kill, I will be dead by now. Lumunok ako bago siya sinagot. Kinakabahan na ako. Pero kahit hindi na ako makapagsalita dahil sa kaba, I answer his question with honesty.
"Oo. Nandito lang ako dahil may kailangan ako sa'yo." Pagkatapos kong sabihin yun, napapikit siya. Hindi ko alam kung ano ang tumatakbo sa isip niya, it shouldn't be my business. Ipinagpatuloy ko na lang ang sinasabi ko kanina.
"You see, Fivo. Delikado ang misyon na to pero sweswelduhan naman tayo ni Sir Loki ng malaking halaga. Makaka-"
"Get out." Halata sa boses niya na nagtitimpi siya.
"No Fivo."
"Get out." Mariin niyang sabi.
"I said no-"
"GET OUT! Mahirap bang intindihin yun o hindi ka lang nakakaintindi?" Padabog siyang umakyat ng hagdanan at padabog na pumasok sa kwarto niya.
Napapikit na lang ako, napasandal sa sofa at napasabunot ng buhok.
You're making this hard for me, huh? Fivo.