Gang
Chapter 1
Kanina pa preoccupied ang utak ko habang naghahanda ng pagkain. My gang of friends will be here in just a few minutes. If there's the gang, then there's Fivo. Napahinga na lang ako nang malalim. I will not be affected by his presence. I should not be.
Biglang tumunog yung cellphone ko, tumatawag si Kuya Math.
(Hi L--)
"Kuya, nakaloud speaker ako. Please call me Aleah. Baka may makarinig sa'yo."
(Ooww.. alright. Hi Aleah! I miss calling you in your real name.)
"Ako rin noh. Kamusta ang misyon mo diyan Kuya Math?" My Kuya is an agent. Lahat kaming magkakapatid ay ganito ang trabaho. Maybe because it's for our father.
"Tapos na. Gusto ka na nga naming bisitahin dyan eh ----"
Hindi ko na narinig yung sasabihin ni Kuya Math nang sunud sunod na pagdodoorbell ang narinig ko.
"Hoy Aleah! Gutom na kami, pakainin mo na kami!"
"Aleah, nandito na si Fivo mo! Miss ka na raw niya baby!"
"Hoy Aleah! Naglaslas ka na ba? Sumagot ka naman!"
I knew it. The gang is here. Pinatay ko na yung niluluto ko. Nagpaalam na kay Kuya Math at pinagbuksan na sila ng pinto. Parang takas talaga sa mental ang mga taong to. I've always been mean to them. To be honest, I've always been mean to anyone. I am a lie. I don't want anyone to be close to me because my life is a lie. I am not Aleah Diaz. But these people taught me that.. I am worthy of friendship. Even if I'm a liar.
"Hi Aleah!" Sabay sabay nilang sigaw at pumasok na sa loob. Unang pumasok ang magkaakbay na sina Tery at Firey. Kasunod si Angela, Cyker at Rake. Huling pumasok si Atum. Hinintay ko pa na may lalaking papasok sa likuran ni Atum pero wala. Luminga-linga pa ako baka nahuli lang si Fivo.
"Mamaya pa siya dadating. Wag mo na siyang hanapin." Bulong ni Cyker sa likuran ko.
"Hindi ko hinahanap si Fivo."
"Si Fivo ba? Akala ko si Victor. Sorry." Nagtawanan silang lahat. I rolled my eyes at them. I'm sure that Cyker is talking about Fivo. Pumasok na sila sa loob ng bahay at naiwan kami ni Rake sa labas.
"Kamusta na yung mission mo?" He knows about the Fier Academy mission thing. Lahat kasi nang nakakapasok sa academy na yun ay hindi na nakakalabas at nandito ako para imbestigahan iyon. Doon kami nagkasundo, dahil gusto niyang tumulong. He even tried to investigate, pero resulta, muntikan na siyang hindi makalabas. Akala niya kasi makikita niya doon ang mga magulang niya.
Nagthumbs up ako sa kaniya.
"What do you mean by that?" Nagtataka niyang tanong at napangiti ako.
"Approve." Binalita sa'kin ni Sir Loki kanina na magkakaroon na nga ng operation. Kailangan lang magtraining at uumpisahan na agad. Nagets naman ni Rake ang gusto kong sabihin at agad niya kong niyakap.
"I'm so proud of you, Aleah. Finally." Niyakap ko rin siya pabalik. He has been my bestfriend. And I feel guilty that I keep on lying to him.
"Ehem." Napabitaw kami ni Rake sa pagkakayakap nung tumikhim ang kararating na si Fivo.
"Someone's jealous." Bulong ni Rake na narinig naman namin ni Fivo. Jealous? Come on! Why will he be jealous?
Nauna na si Rake sa loob, susunod na rin sana ako pero hinila ni Fivo yung braso ko dahilan para mapaharap ako sa kaniya.
"My girlfriend na si Rake, alam mo yan." Nagalit ako sa pagbibintang niya. Cyker is Rake's girlfriend. I know it! And why will he think that I'm flirting with Rake? I'll never snatch other girl's man.
"Bitawan mo ko Fivo."
"You enjoy hugging him, huh?"
"So? Ano naman sa'yo?" Tinaasan ko siya ng kilay. Biglang humigpit yung kapit niya sa braso ko.
"Hoy! Pumasok na nga kayong dalawa sa loob. Baka magkabalikan pa kayo diyan!" Sigaw sa'min ni Tery na nakapagpainit ng pisngi ko. Napasulyap ako kay Fivo na nakatingin din sa akin at sabay kaming umiwas ng tingin. Marahas kong binawi yung braso ko at padabog akong pumasok sa bahay. Wala talagang matinong sinasabi ang mga kaibigan ko.
"Napicturan mo ba sila Tery?" Yun agad ang tanong ni Angela pagkapasok namin sa loob. Wait.. picture? What?
"Anong picture yan huh?" Pilit kong inagaw yung camera kay Tery pero pilit niya tong nilalayo sa akin. Sa huli ay sumuko na rin ako.
"Guys! Spin the bottle tayo!" Tsaka winagayway ni Firey yung bote na hawak hawak niya.
"Game! Tara!"
"Ayoko." Pagtanggi ko.
"KJ mo naman. Sige na Aleah!"
"Ayoko talaga." Kukulitin lang naman nila ako tungkol kay Fivo. Kaya hanggat maaari, wag na lang. Gustoko na talagang makalimot.
"Huwag niyo na siyang pilitin. Kung ayaw niyang makisama sa atin, edi wag." Fivo has his way to get into my skin.
"Hindi naman sa ayaw kong makisama, ayoko lang talaga—"
"Yeah. Whatever."
"Fine! I'll join!" Padabog akong umupo sa tabi ni Angela. Nakabilog na sila sa bote sa floor. Ang sarap talagang manapak ngayon. I really want to stay away from that arrogant man. But staying away from that man means staying away from the gang. I can't afford that.
Inikot ni Atum yung bote at naturo kay Tery.
"Truth or Dare?"
"Dare."
"Inumin mo yung tubig SA TOILET." Natatawang sabi ni Angela.
"WWOOII!! Walang ganyanan." Sa bandang huli, nilinisan na lang ni Tery yung toilet. Ayos, bawas sa trabaho ko.
Nagstart na ulit yung game at si Fivo ang mag-iikot. Parang pinag-aaralan niya pa yung anggulo bago ito iikot. He was a calculator in his past life. He is good at angles at hindi maganda ang kutob ko na siya ang nag-ikot ng bote.
Tama nga ako. Wala talaga siyang gagawing matino.
Ako yung naturo. Kaasar.
"Truth or dare?"
"Dare." Tapang ko talaga.
"Kiss a boy in this house. Sa cheeks lang." I just rolled my eyes at what Atum said, ang dali naman. Magkakaibigan naman kami dito. Tinignan ko si Rake pero binigyan ako ni Cyker ng warning look. Tinignan ko rin si Tery pero binabantayan na siya ni Firey. Isa na lang ang natitirang lalaki na nandito sa bahay.... Si Fivo. Nag-init ang pisngi ko.
No way. There's no way I will kiss that man.
Napatingin ako kay Fivo na nakatingin na sa'kin.
"Truth na lang pala." Biglang tumawa yung mga kasama ko sa sinabi ko.
"Don't want to kiss your ex, huh?" Tsaka tinaas baba ni Angela yung kilay niya sa'kin.
"Magtanong na lang kayo sa'kin para matapos na." Pagtataray ko sa kanila.
"Fine. Why you and Fivo broke up?" Napapikit ako. Ayoko ng maalala yung break up namin. Ayoko nang maalala lahat ng tungkol sa kaniya, period.
"Why is't always about Fivo?" Tinignan ko sila isa-isa pero umiiwas ako ng tingin sa taong tinutukoy ko.
"Kung ayaw mong sagutin ang tanong namin, then do the dare." Paghahamon na naman ni Tery. Ang chismoso talaga nila.
"Wala. Busy kasi kami nun. Nawalan kami ng time sa isat isa." Pagsisinungaling ko at napasulyap ako kay Fivo na padabog na tumayo.
"Guys, I have to go." Naglakad na siya palabas ng pinto. Lahat kami natahimik. Yung mga nanloloko kanina hindi na nakapagsalita. Why is he acting like that? What is it to him if I lie about the cause of our break up? Like it's a big deal for him but actually it's not.
Nawala na kami sa mood dahil sa pagwo-walk out ng aroganteng lalaking yun. Pagkatapos kumain, umuwi na rin sila.
"Bye Aleah! Next time ulit!" Hinintay ko sila hanggang sa makauwi sila. Napabuntong hininga ako at napasandal sa pader.
"Hanggang kailan ka magsisinungaling sa kanila, ALEAH?" Bulong ko sa sarili ko.