Chapter 2
"You suck." Yan lang ang laging sinasabi sa'kin ni Sir Loki sa buong ensayo namin.
"Kumbinsihin mo si Fivo na sumama sa atin sa misyong ito." Tila ba nabingi ang tainga ko sa sinabi ni Sir Loki.
"Excuse me sir. Come again?" Baka nagkamali lang ako ng dinig.
"I told you Aleah. Kailangan mo si Fivo." Namuo na naman ang galit ko nang marinig ang pangalan ng taong iyon. Why do people always say that I need him? When in fact, I don't.
"I can do this without him!"
"Look, you are good in time. Alam mo kung kailan aasinta ang kalaban mo. Alam mo ang oras kung kailan dadating ang mga kaaway. Pero hindi ka magaling sa Math. Hindi mo alam ikalkula. Kailangan mo si Fivo para doon." Here in Torniquo, we have abilities that came from our past lives. Isa akong relo sa past life ko, agad kong nalalaman ang oras ng mga bagay. Si Fivo ay isang calculator sa past life niya, sisiw lang sa kaniya ang pagcocompute. You will discover your past life through signs. At the age of 13, those signs will start to show off.
"Try me." Paghahamon ko sa kaniya.
"Fine. I will throw these two apples sa banda dun. Ipapahanap ko ito kay Bigman." Sabay turo niya sa aso niya. "Gusto kong malaman kung ilang segundo niya maibabalik lahat ng apples." Tumango ako. I'll prove him I don't need anyone to help me. I can do this by myself. Tinapon na ni Sir Loki yung dalawang mansanas.
When I concentrate on something, I exactly know WHEN that thing will happen. Perks of being a watch in your past life. Bigman will get the first apple in 15.3 seconds. Ibabalik niya yun kay Sir Loki in 10.2 seconds. Makukuha niya yung second apple in 6.7 seconds at maibabalik niya ito kay Sir Loki in 5.4 seconds. Napangiti ako. Nalaman ko na agad ang oras kahit papatakbo palang ngayon si Bigman para kunin ang first apple.
15.3+10.2+6.7+5.4= ?
Doon nawala ang ngiti ko. Hindi ako magaling sa Math. Ano nga ba ang sagot? 36.6 ba? Kaasar.
"36.6" Sagot ko kay Sir Loki na may pag-aalinlangan. Sana tama ang pagcocompute ko. Bad trip naman na Math yan, oo. Nakatingin siya sa timer niya habang hinihintay si Bigman na ibalik sa kaniya yung pangalawang mansanas. Pagkabalik ni Bigman, hininto niya yung timer at humarap sa akin.
"Tama ba ako?" Tanong ko sa kaniya, kinakabahan. Pero napangiti ako nung ngumiti siya sa akin.
"Alright." Tila ba nabunutan ako ng tinik sa lalamunan.
"Really? Thank—"
"Oopps. I'm not yet done. Alright, no." Bumagsak yung balikat ko sa sinabi niya.
"The correct answer is 37.6 seconds."
"Pero one second lang naman ang pagitan."
"You were a watch Aleah. Alam mong kahit isang segundo ay importante sa detalye. You really need Fivo."
"Edi magbabaon na lang ako ng calculator." Napangiti ako sa ideya ko.
"Kapag may mamamatay-tao na humahabol sa'yo, sa tingin mo ba may oras ka pa para magcalculator? Kapag pinahabol kita ngayon kay Bigman, makukuha mo pa bang magpipipindot sa calculator mo?" Umiling ako sa kaniya bilang pagsuko. "Aleah, I'll be honest with you. Dati nung kasama mo pa si Fivo sa mga tasks natin ay laging kayo ang magpartner. At hindi niyo kami binibigo, lagi niyong nahuhuli ang mga kriminal at nakakakalap ng mga ebidensya. Pero nung nag.. nung naghiwalay kayo, umalis si Fivo sa agency. Umalis din siya sa West Torniquo. At simula nun, ang pangit na ng mga performances mo. Sorry for the word, pero naging palpak ka na. Alam nating dalawa na pagganitong mission, kayo ni Fivo ang frontliners namin. Pero kapag wala ang isa sainyo, hindi nagfa-function ang isa. You were partners before Aleah. I'm not saying that you should be inlove again. Hindi ko rin sinasabi na balikan mo siya. Ang akin lang, ang solid ng mga ideas niyo kapag nagsama kayo. You need his help." Napabuntong hininga ako. If I will consider working with Fivo again, it'll be my suicide. It took me a year to forget him, and I'm afraid that the feeling will slowly turn back if I let him be on my way again.
"Consider my advice Aleah. Kung hindi, baka ibigay ko sa iba ang proyektong ito. Babalik na ko sa West. Dadalawin ulit kita next week para sa training. Sige una na ako. God bless!" Tinapik ako ni Sir Loki sa balikat at lumabas na siya ng gate kasama si Bigman.
Hirap na nga ako na iisa lang kami ng grupo ng mga kaibigan, pati ba naman sa trabaho? Give me a break.
~~
Naningkit ang mga mata ko kay Rake na pinaglalaruan yata ako. Nandito kami sa backyard ko at nakaupo sa upuan na magkatapat.
"Seriously Rake? Akala ko ba nandito ka para sabihin sa'kin yung nadiskubre mo tungkol sa Fier Academy? Bakit ako naman ang binobomba mo ng mga tanong?"
"Curious lang naman ako sa nangyari sa inyo ni Fivo." Simula nang mapasama ako sa grupo nila, lagi na nila akong pinagtritripan tungkol kay Fivo. Lalo lang bumabalik yung pangungulila at—
Whatever. I really hate that dude.
"Ask me anything except that one. Whatever happened between us, was long gone." I hope the bitterness in my voice is not visible.
"Tinutulungan kita sa mission mo, eh ano naman makukuha ko? Hindi ko ba deserve malaman man lang yan?"
"It's too personal Rake."
"Personal din naman itong sasabihin ko ngayon." May point si Rake. He's been helping me all this time, but I'm not sharing anything to him, even my real identity.
Biglang tumunog yung cellphone ni Rake at sinagot niya ito agad.
(Pocketbook, asan ka?) Tanong ni Cyker sa kabilang linya. I forgot to say, Rake was a pocketbook in his past life. Kung kailangan mo ng advice, sa kaniya ka humingi.
"Ah.. Cyker. Nasa ano ako. Nasa.. bahay ng isang kaibigan." Tsaka niya ko tinapunan ng tingin na nag-aalala. Cyker is Rake's girlfriend at minsan kasi pinagseselosan pa rin ako ni Cyker.
(Sinong kaibigan? Babae ba?)
"Ahh.. ano .. ahmm.." Tinapunan ako ng tingin ni Rake na humihingi ng tulong. Inirapan ko siya. Lagi nila akong pinagtritripan, ako ngayon ang mantritrip sa kanila.
"Sino bang kausap mo dyan baby!? Halika nga dito! Kiss me! Kiss me! Mwah! Baby.. come here! Babjbchdbcjkdbak" Hindi ko na natuloy yung sasabihin ko dahil tinakpan ni Rake yung bibig ko.
(Rake!? Bakit may boses ng babae akong naririnig!? Nasaan ka!?) Napangiti ako nung nagagalit na si Cyker. Kinagat ko yung kamay ni Rake kaya inalis niya agad yung palad niya na nakatakip sa bibig ko.
"Baby! Kiss me! Kiss me! Mwahh! Come near baby!" Pinatay na ni Rake yung tawag at tinignan ako nang masama.
"What are you doing Aleah!? Magagalit si Cyker niyan."
"Ako na ang bahalang kumausap kay Cyker kung sasabihin mo sa'kin kung ano yung nadiskubre mo sa Fier Academy."
"Hindi ko sasabihin kung ano ang nalaman ko tungkol sa Fier Academy kung hindi mo sasabihin sa'kin kung bakit kayo nagbreak ni Fivo."
"Fine. Edi hindi ko rin kakausapin si Cyker. Tapos sasabihin ko sa kaniya na may relasyon tayong dalawa." Tinaasan ko siya ng kilay. Napabuga na lang siya ng hangin.
"Okay. Talo ako." Napangiti ako. Panalo ako. Kwinento niya na sa akin ang nalaman niya.
"Fier Academy was a spell academy. Kwinento sa akin to ng lolo ko. Sinubukan na pala nila dati na sunugin yun pero walang nangyari. Sinubukan nilang gibain pero wala ring nangyari. Sabi ni Lolo, dati raw ay doon nag-aaral lahat ng residents na enchanters. Those whose past lives are magic wand, potions and anything about magic. Namatay ang president nito at kailangang mag-elect ng bagong president. Nagkaroon ng dalawang nominees. Ang dalawang nominees na iyon ay mag-asawa. Nadivide ang buong Fier school sa dalawa. Yung iba ay kumampi kay Mr. Jake, yung iba kumampi sa asawa niyang si Mrs. Rita. Ayos lang naman iyon sa kanila. No big deal. Pero habang papalapit na yung eleksyon, naging desperado si Mr. Jake na maging president ng academy. Alam niya na masmalakas ang hatak ng asawa niya. He tried to kill his wife." I gasped. How can a man choose his desperate dream over the woman he loves? Parang yung kakilala ko lang. "Pero prinotektahan ng academy ang asawa niya. May mga iba na kumampi kay Mr. Jake. Nagkaroon ng war sa loob ng academy sa pagitan ng dalawang grupo. Naghalo-halo lahat ng spell at enchantment nila. Sa sobrang lakas ng mga pinaghalo-halong spell, hindi na nakayanan ng lugar at sumabog ang lahat ng spells. Resulta, hindi na naging ordinaryong paaralan ang academy. Namatay din lahat ng mga enchanters na nandoon. Kapag pumasok ka doon, malaki ang posibilidad na hindi ka na makalabas." If the place became dangerous because of enchantment.. then it can also be healed by an enchantment.
"Paano ito nalaman ng lolo mo Rake?"
"Mrs. Rita and Mr. Jake are my parents." Rita.. Jake.. Rake. Napatakip ako ng bibig. Kaya ba ulila na si Rake ngayon? This thing is too sensitive.. I don't deserve to know this.
"I'm sorry Rake." Yun lang ang nasabi ko. I hate being in this situation. Wanting to comfort someone but don't know how to.
"It's okay. You deserve to know my secret. I trust you Aleah." Don't trust me Rake. Please. I am not Aleah. I am a lie.
"Tatawagan ko na nga si Cyker, akin na yang cellphone mo." Tinawagan ko na si Cyker para maputol na ang pag-uusap namin ni Rake. Nagui-guilty na ko. Nilalamon na ko ng konsensya ko.
(Buti naman tumawag ka na Pocketbook! Ang lakas ng loob mong babaan ako! Break na tayo, gusto mo?)
"Cyker, calm down—"
(Aba't! Ikaw ba yung babae ni—Wait. Aleah?)
"Yeah. This is me. Ako lang yung kanina. Wag kang magalit kay Pocketbook mo, inaasar ko lang siya. Magbati na kayo, kawawa naman baka umiyak na siya."
"Hoy hindi ako umiiyak noh!" Depensa ni Rake. By the way Cyker was a human in her past life.
(Hhmm.. sige na nga. Pasalamat siya mabait akong girlfriend.)
I ended the call at binigay na kay Rake yung cellphone. "Oh, baka umiyak ka pa diyan."
Hinatid ko si Rake sa labas ng gate at hinintay siyang makaalis. Pagkaalis niya, papasok na sana ako pero bigla namang sumulpot si Billy sa labas ng bahay ko. Long time suitor ko na lagi ko namang tinatanggihan.
"Ahm.. Aleah. Para sa'yo." Tsaka niya inabot sa'kin yung boquet ng roses. I hate roses. Sana kung tulips yung binigay niya matutuwa pa ako. Natigilan ako. Tulips. They just remind me of that person. That person that I want to forget.
"Billy. Di ba sinabi ko naman sa'yo. Ayoko. Ibigay mo na lang yang bulaklak sa ibang ---"
"IS HE THE MAN!?" Hindi ko namalayan na nasa harap na namin si Fivo. Anong ginagawa ng taong to dito? Basa pa yung buhok niya at halatang bagong ligo.
"Man what?"
"I heard you awhile ago! You're asking a man to kiss you!" Naguluhan ako sa tanong niya pero naalala ko yung panloloko ko kay Rake kanina.
"Yes, he is the man." Tsaka ko nilagay yung kamay ko sa braso ni Billy. Halatang naguguluhan si Billy, tsaka na lang ako mag-eexplain.
"Aleah, sino siya?" Tanong sa'kin ni Billy habang hinahaplos niya yung kamay ko na nasa braso niya. Pipilayin ko na sana yung kamay niya pero nasa harap ko si Fivo. Paninindigan ko na tong acting ko. Nakachansing pa ang mokong. Nakakainis.
"Ah siya yung janitor ng –"
"Hello. I'm Fivo Cipriano. Her ex." Napanganga ako sa sinabi niya. Aba't ang kapal ng mukha. Lakas ng loob.
"Totoo ba, Aleah?" Tanong ng monggoloid kong manliligaw pero nakatingin lang yung mga mata ko sa mga mata ng ex ko na nakatingin din sa akin.
"Yes. He's my past and he has nothing to do with my present." Sagot ko na nakatingin pa rin sa kaniya.