Chapter 27 "Aray! Mahapdi yung alcohol! Dahan-dahan naman Lance." "Wag ka ngang tumili Kuya Math! Para kang babae." Buti at may first aid kit pala na kinuha si Ate AP mula sa beach house. Sugatan kaming lahat ngayon. "Really? Baka maturn off sa'kin si Barbie." Masdiniinan ko yung bulak sa sugat ni Kuya. "Aray! Lance!" "Ganyan naman kayong mga lalaki. Bastat maganda, crush niyo na agad!" "Makapagsalita ka naman. Bakit kayong mga babae? Porket gwapo, crush niyo na agad!" "Hoy! Hindi ko crush si Billy noh!" "Edi inamin mo na gwapo siya." Natigilan ako sa sinabi ni Kuya Math. Pero tinaasan ko lang siya ng kilay. "Fine. Naging gwapo siya nung kinulam siya pero hindi ko pa rin naman siya crush noh." "Syempre si Fivo Cipriano, crush mo eh." And this time, isang bote na ng alcohol ang bi

