Chapter 29 Pumunta agad ako sa tabi ni Filipino at ginamot ang sugat niya. "Science, si Angela?" Napaangat ako ng tingin kay Tery. "Ading, punta ka muna kay Ate AP." "Opo Ate." Umalis na si Filipino at doon ko hinarap si Tery. "Lubayan mo muna siya Tery. She needs space." "Huh? Hindi ko alam ang sinasabi mo, Science." "Mahal mo ba si Firey?" Umiwas siya ng tingin at hindi pa rin sinasagot ang tanong ko. "Tery. Sagutin mo ang tanong ko. Mahal mo ba ang girlfriend mo?" After a few seconds of hesitation, sinagot niya ako. "Oo." "Eh si Angela, mahal mo ba siya?" Namula ang buong mukha ni Fivo. "Science, a-ano bang tinatanong m-mo?" "You're a good man Tery. Pero please, wag mo silang paglaruan. Wag kang maging two-timer. Man up. Kung mahal mo si Firey, wag ka nang maghanap ng iba."

