Chapter 32 "SERYOSO?" "Oo nga. Doppelganger yung nakasama natin these past few days. Hindi talaga siya si Fivo. Yung kasama natin ngayon ang totoong Fivo." Paliwanag ko at hanggang ngayon natatakot pa rin ako sa pangyayari na yun. Nakaupo kami ngayon sa buhanginan at nakabilog. "Oh My Gosh. Kaya pala.. kaya pala parang nag-iba si Fivo." Tugon ni Angge. "Ang inaalala ko ngayon si From The Tribe Fivo." Natahimik ang mga kasama ko sa sinabi ko at kita kong naguilty din sina Kuya Math at Ate AP. "Matthew, pwede mo bang alamin kung nasaan ngayon si Fivo na galing sa tribo?" Pumikit si Kuya Math at nagdilat din agad ng mga mata. "Malayo na siya sa atin." Bumagsak ang mga balikat naming lahat. "Scidea Lance, ilang oras ang gugugulin natin para makarating sa kaniya?" Halata nga na guilting

