Chapter 36 Naglalakad kami ni Fivo habang hawak-hawak ko yung mapa. Binigay na sa amin ito ni Ate AP dahil hindi na nila to kailangan, kasama naman nila si Kuya Math. Habang naglalakad ako, iniislide ko ang sapatos ko sa daan. Nadaanan din kaya ni Papa ang daan na to nung nandito pa siya? Hinahawakan ko ang bawat puno na madaanan namin. Nahawakan din kaya niya ang mga puno na ito nung nandito pa siya? The thought of walking on the same road as my father did, the thought of touching the same trees as he did, make me satisfied. Bakit hindi mo ako nahintay Papa? I push the memory aside. Hindi ko pwedeng isipin yun ngayon. Kung hahayaan ko ang utak ko na isipin si Papa, paniguradong iiyak ako. Magwawala ako ngayong oras na to at susuntukin ko ang kahit na anong bagay na madaanan ko. Marami

