Chapter 19 "Sumama na kayo sa amin. Magagalit na si Direk." Sabi ni Katniss Everdeen. At napatingin ako kay Fivo na mukhang nagulat din. Gusto ko siyang sisihin at bulyawan, ang rami pa kasing satsat sinabi ko na ngang maabutan na kami. Yan tuloy. "Ahmm.. ehh.. Pwedeng mag-impake muna kami. Tsaka kami susunod sa inyo." Sabi ni Fivo tsaka niya ako binalingan ng tingin as if saying baka gusto mo kong tulungan dito. "Ah, tama. Hindi pa kasi kami nag-impake. Promise. Saglit lang." At sana hindi nila mahalata na suot suot na namin ni Fivo yung mga bag packs namin. "No." Maotoridad na sabi ni Peeta Mellark. "Ipapaayos na lang namin kay Haymitch ang mga gamit niyo. Sumama na kayo sa amin ngayon." Napatingin kami ni Fivo sa isa't isa. And by his look, alam ko na agad ang gusto niyang gawin.

