Chapter 22 "Sandali!" "Leave her alone!" "Pakawalan niyo kami dito!" Pilit akong kumakawala pero ang higpit talaga nang pagkakatali sa paa ko. Namatay na dati yung kaibigan nilang si Eunice, hindi ko na hahayaang may mamatay ulit. Months ago, niligtas namin si Rake dahil nakidnap siya. And upon saving him, we failed to save Eunice. At ngayon, si Angela naman ang mawawala? As if I will let that happen. I pray silently. Nakita kong may inikot yung isang lalaki na nakabahag sa gilid ng puno. Unti-unting bumababa ang lubid ni Angela. Nagpanic kaming lahat pero agad ko ring kinalma ang sarili ko. Hindi maliligtas si Angela kung magsisisigaw ako dito na parang baliw. Hindi siya maliligtas kung magpapanic ako. If I meant to save these people, I should make a plan. Nakita kong hinawakan ng

