Chapter 11 "Fivo!!" Parang naging slow motion ang lahat. Wala akong magawa habang pinapanood ko siyang mahulog pababa sa dagat na punong puno ng mga pating. Pero bago pa tumama ang katawan niya sa tubig, may yarn na na pumulupot sa paa niya at unti-unti siyang itinataas. "That was close." "Thank you Ate. Muntikan na kong atakihin." Bulong ko kay Ate AP habang binabawi ko yung paghinga ko. "Still caring for your ex, huh?" Inirapan ko na lang siya sa sinabi niya pero muli akong sumigaw nang may naramdaman akong claws na humawak sa magkabilaang balikat ko at nilipad ako palayo sa banig. Pagkatingala ko ay nililipad ako ng isang ibon. "Science!!!!" Tinatawag ako ng mga kapatid ko pero halos hindi ko na sila marinig dahil sa sobrang layo ko. Nakita ko pa na tinangka ni Ate AP na ipahabol

