Chapter 5

800 Words
Chapter 5 It's been a week since that throw-the-ring-in-the-garbage thing. Hindi pa kami nakakapag-usap ni Fivo pero I'll try to be casual sa pakikitungo sa kaniya. Lagi namang ganun eh. Pinark ko na yung kotse ko sa harap ng bahay nina Angela. Pagkapasok ko, nagvivideo oke na sila. "Gosh! Am I late?" "Sakto lang Aleah." "Nagtatanong ka pa kung late ka eh alam mo naman kung anong oras na ah. You were a watch in your past life, right?" Napairap na lang ako. Iniinis na naman ako ng Cipriano na ito. "Bakit ba ang hilig mong sumabat? Ikaw ba ang tinatanong ko?" "Ayan na naman kayong dalawa. Pwede ba! Birthday ni Angela ngayon. Party! Party!" Tinaas namin ang drinks namin at nagtoast. Iced tea lang ang drinks namin, ayaw namin sa lasenggero. Inaabot ko yung donuts sa lamesa pero malayo siya sa upuan ko. Hindi ko maabot. Napansin yata ni Fivo yun kaya inabot niya yung pinggan na may mga donuts at binigay sa akin. Hindi niya ako tinitignan. "Salamat." Kinuha ko yung pinggan at saglit na nahawakan ko yung kamay niya. Nagkatitigan kami pero nag-iwas agad ako. Kumuha na lang agad ako ng donut at sinubo ito agad. Nagvibrate ang cellphone ko at binasa ko yung text ni Sir Loki. Nagvibrate ang cellphone ko at binasa ko yung text ni Sir Loki I'm giving you one day to convince Fivo. Kung hindi, ibibigay ko na sa iba ang project na to. Mark my words. Napasabunot ako ng buhok. Maiiyak na yata ako sa mga pinapagawa ni Sir Loki. Try niya kayang kulitin yung ex niya para maintindihan niya. "Hoy! Nababaliw ka na naman diyan Aleah. Nagpabili nga ako ng donuts para sa'yo." Napangiti ako kay Angela. Buti na lang talaga may donuts dito, pampagaan ng loob. My goal is to eat donuts for the rest of my life. If people need oxygen to survive, then I need donuts. "Thanks Angela. Paano mo nalaman yung favorite ko?" "Sinabi sa akin ni Fivo." Natigilan ako at napatingin kay Fivo. "I don't know that Fivo talks about me a lot." Nakatingin pa rin ako sa kaniya habang sinasabi ko yun pero umiiwas siya ng tingin. "Excuse me." Sabi ni Fivo sa mga kasama namin at lumabas ng pinto. Sinundan ko siya agad. Nung nasiguro ko na malayo na kami sa mga kaibigan namin, tsaka ko siya kinausap. "Fivo, about the deal." "I said I'm not involving myself in that deal, Science." I've been waiting all this time for someone to call me in my real name again. I'm expecting it to be sweet. Pero hindi ko inakala na sa ganitong paraan ko maririnig ang pangalan ko. "Fivo, please consider this. Alam mo naman kung bakit ko talaga gustong sirain ang academy. Alam mo naman yung rason ko diba?" Tinignan niya ako na may awa sa mga mata niya. Ang pinakaayoko sa lahat yung kinakaawaan ako. "Fivo, please. I need you." Diretso akong tumingin sa mga mata niya. His eyes are so black to the point that I can't determine his pupil from his iris. "You need me just for the project?" Sinusubukan na naman niya ako. Stop this act, Fivo. "Yeah just for the project." Lumambot ang ekspresyon ng mukha niya pero pinalitan agad niya yun ng matigas na ekspresyon. "OK." "Ok like? Payag ka na?" Hindi makapaniwalang tanong ko sa kaniya. "Yes. But I have my conditions." "Conditions for what?" "I am doing this as a favor for you. But you should also do me, three favors." "Sandali.. madaya naman yata yun. Tatlong favors ang gagawin ko para sa'yo? Tapos ikaw isa lang." "Take it or leave it." Blanko na naman yung ekspresyon niya. Hindi ko mabasa kung anong iniisip niya ngayon. Nakakainis, wala akong choice kung hindi ang pumayag. "Fine. I'll take it. So what's your first favor?" "Tell your real identity to the gang." Nalaglag ang panga ko sa sinabi niya. Seryoso ba siya? Pinaglololoko niya ba ko? Pero wala akong makitang biro sa mukha niya. Seryoso siyang nakatingin sa akin. "Fivo, you know I can't do that. You were once a part of the agency. Alam mong nandito lang ako para sa misyon. Pagkatapos nito, babalik na ako sa West. Hindi pwedeng malaman ng iba kung sino talaga ako." "You fight noong napahamak si Cyker. Rake considers you as his bestfriend. Hindi ba deserve ng mga taong iyon ang katotohanang galing sa'yo Science? You are not Aleah Diaz. You are Scidea Lance Pearson. When will you end this lie?" "As long as possible. As long as I can be Aleah Diaz." "You are never Aleah Diaz. You are Scidea Lance Pearson." "Scidea Lance Pearson?" Nanigas ang katawan ko nang marinig ang boses ni Tery. Unti-unti akong lumingon sa kanila at lahat sila nasa gilid na namin ni Fivo.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD