"Nabalitaan ko nga ang nangyari na umalis na ang dati mong asawa kasama na naman ang panganay mong anak. Kamusta naman si Dani? Hindi raw siya masyadong lumalabas?" Si Lander na mabuti naman at hindi naman nagalit ng umabot sila sa sakitan ni Jeofferson. Bakas pa rin ang mga sugat sa kanyang mukha dala ng mga inabot na suntok kay Jeofferson pero okay na siya. "Nagdarmadam pa rin si Dani pero nagpunta naman ako ng school niya para magtanong tungkol sa mga ginagawa niya sa loob ng classroom. Okay naman daw sabi ng teacher niya. Masigla namam daw siya at active sa pakikipag participate sa lahat." Nag-alala ako na baka kasi sa school ay ganun si Dani kay lihim akong nagpunta ng kanyang paaralan para magtanong tungkol sa kanya. Wala naman daw napapansin ang teacher niya na kakaiba sa anak

