Nag-imbestiga rin sa Jeofferson. Dahil kung hindi ay hindi niya malalaman ang tungkol sa hindi na nakapangalan sa akin ang buong lupain. Mas maaga ko na talagang ipinalipat na sa pangalan ng mga anak ko para anuman ang mangyari ay kanila na ang kung aning meron ako.. Si attorney Zaplala lang ang nakakaalam tungkol sa bagay na ito kaya malamang na nag-utos si Jeofferson sa ekspertong tao para malamang ang tungkol sa lupa. Kung ganun ay sino sa mga tao sa paligid ko ang lihim akong tinatraydor? Simula ng makausap ko tuloy si Jeofferson at linawin sa akin ang aking paghihinala sa kanya at ng kanya akong balaan na mag-ingat sa mga tao sa paligid ko ay para bang nabagabag ako. Hindi lang sa hindi ko alam kung ano ang plano ng taong yon. Bagkus ay nalulungkot ako na sa kabila ng pagpapakit

