"Anak, pwede ba akong magtanong?" Gusto ko sanang tanungin si Jeofferson ng direts tungkol sa mga taong nag-imbestiga sa akin at kay Senyora Juana. Para ano pa at kailangan kong maghintay kung kailan ang susunod niyang hakbang kung pwede ko na rin naman siyang komprontahin na. Dapat noong narito pa siya ay kinausap ko na siya ng diretso para hindi na kami umabot sa punto na magkakasamaam na naman kami ng loob, mag batuhan ng mga masasakit salita at ungkatin na naman ang mga pangit na nakaraan. Gusto kong tapatin niya na ako kung ano ba talaga ang nais niya sa farm at sa villa. Kung okay naman ang plano niya at hindi maapektuhan ang mga mamamayan na na nabubuhay dito ay bakit hindi ko siya babahaginan? Pagod na akong makipag-away. Total naman ay may sapat na akong ipon para sa mga

