"Ma'am Irene, nasa kusina po ang mga bata," imporma ni Ibyang tanungin ko kung nasaan ang mga anak ko. Maghapon ako nasa bukid dahil nga sa inani ang mga lansones at rambutan na aming mga pananim. Sinisiguro ko talaga na maayos ang lahat ng mga transaksyon na nagaganap sa loob ng farm na pinapatakbo ko. Kinakamusta ko ang kondisyon nga lahat para walang mga aberya. "Bakit nasa kusina? Doon sila kumakain?" usisa ko pa habang patungo na sa kusina kung nasaan ang mga anak kong miss na miss ko na. Buong maghapon ay hindi ko sila nakasama dahil umaga pa lang ay nasa bukid na ako at nang tanghalian naman ay doon na ako nagpaluto ng mga pinagdasaluhan namin pagkain. "Hindi po sila kumain, Ma'am. Parang hinahandaan po nila ng pagkain si Sir Jeoff. Narinig ko na hihingi raw po sila ng sorry s

