Kahit nakahiga na ako kagabi ay hindi pa rin mapunit-punit ang ngiti ko dahil hindi ko talaga maitago ang labis na kasiyahan na ayos na si Dani at Jeofferson. Kahit nakakatawa pa ang nais na itawag ni Dani sa kanyang Papa. Kung anu-ano talaga ang naiisip ng anak ko. Hindi niya alam na sobra siyang nakakatawa kapag may hindi inaasahan na lumabas sa kanyang bibig. "Ma'am, mukha po yatang magandang-maganda ang gising niyo?" pansin ni Ibyang. "Paano mo naman nasabi gayong araw-araw naman na maganda ang gising ko," sabi ko pa habang hinahanda ko ang tasa na pagtitimplahan ko ng aking kape. "Iba kasi ngayon. Kumakanta-kanta ka pa kasi mula kanina pa lang ng pagbaba niyo ng hagdan. Akala ko nga po kung sinong humihiling ng bagyo sa sama ng boses." Inirapan ko ng pabiro si Ibyang sa kanyang

