"Dani!" Hinahabol ko si Dani na lumabas ng bahay ngunit hindi ko naabutan kong siya direksyon na tumakbo. "Dani!" Sobrang nasaktan ang anak ko sa narinig kaya siya tumakbo palayo kay Jeofferson. "Jeofferson, mapapatay kita sa oras na may nangyaring masama sa anak ko!" bulong ko sa aking sarili habang tumatakbo at palinga-linga sa paligid para makita kung nasaan ang anak ko. Mali ako ng akala. Akala ko alam niya na ang tungkol kay Dabi ngunit hindi naman pala. At ngayon na napilitan na akong aminin ang nagsusumigaw na katotohanan ay sinaktan niya naman ang damdamin ko bilang isang babae at bilang isang nanay. At ang anak ko. Si Dani na napakabata pa para maranasan ang ganitong kapaitan sa buhay. Ang anak ko na wala namang alam sa lahat. Si Dani na inosente pero siyang nagdurusa n

