Nagpupuyos ang dibdib ko sa galit na nararamdaman ko para kay Jeofferson. Ano bang klase ng utak meron siya at ganito siya mag-isip? Sinasabi ko na ang katotohanan sa kanya ay hindi pa rin siya naniniwala. Baka talagang natapyasan ang utak niya at hindi na naibalik pa ng maaksidente siya at operahan ang utak. Sumasakit na ang ulo ko sa kakaisip ng paraan kung paano ko mapapatuyan sa kanya na anak niya si Dani. Hindi niya rin daw paniniwalaan ang DNA dahil nadadaya raw. Wala akong mapaglagayan sa kanya dahil lahat ay may nakahanda siyang pangontra. Isang katok sa pinto ang umagaw ng atensyon ko. Buong akala ko ay si Dani ngunit ng pagbuksan ko ay si Uno pala ang nasa labas at kumatok sa sslid ko. "Anak, may kailangan ka ba? Pasok ka," tanong at pagyaya ko na pumasok sa loob ng sili

