Pinahatid ko na si Lander sa farm bahay niya dahil hindi makalakad dahil sa dami ng sakit ng suntok, sipa, tadyak na inabot kay Jeofferson. Kaya pa niya raw na umuwi mag-isa pero pinasundan ko pa rin sa mga tumulong na maawat silang dalawa kanina. Mabuti na lang at wala ang mga bata sa bahay. May birthday sa isa sa mga kaibigan ni Dani kaya nagpaalam na isasama niya raw ang Kuya Uno niya para maranasan daw ng kuya niya ang makisaya sa mga ganun na masayang okasyon na agad ko na pinayagan dahil dito lang naman sa malapit at kilala ko ang lahat ng mga tao dito kahit ang bahay na kanilang bahay na pinuntahan ay kilalang-kilala ko. Nangako naman ang may bahay na ihahatid ng ligtas ang mga anak ko dahil baka abutin sila ng gabi. Narito ako ngayon sa silid ni Jefferson at dito ko siya pinaala

