Hindi pa ako tinatawag ni Uno bilang Mama. Hindi ko alam kung ayaw niya ba o nahihiya lamang siya dahil ngayon pa lang kami nagkasama. Ngunit sapat na sa akin ang marinig ang kwento ng panganay kong anak. Sa pagsasalita niya kasi habang nagkukuwento kay Dani ay wala naman akong nadama na lihim na galit bagkus lungkot. Matinding lungkot kahit pa sinabi niyang hindi naman siya pinabayaan ng Papa niya. Iba pa rin kasi na naroon ako sa tabi niya. Iba pa rin iyong nararamdaman niya pa rin ang pagmamahal ko bilang nanay niya. Baka nga kung kasama namin siya ay naging masigla at masayahing bata siya gaya ng kanyang bunsong kapatid at maging ng mga bata dito sa villan na parating nagtatawanan. Nawala man ng bahagya ang agam-agam ko kay Uno ay kay Dani naman ako nag-alala. Galit daw siya

