ALEXIS ALEJO *TOK *TOK Ilang sandali ako naghintay sa labas ng pinto nang bumukas iyon. Nakita ko ang biglang pagsimangot ni Terrence nang mapagbuksan ako. Why? Ano bang ginawa kong mali? Kung makasimangot siya, eh, akala mo ang laki ng kasalanan ko. "So, wala kang balak na kausapin ako ganoon?" sarkastikong tanong ko sa kanya na nakataas ang isang kilay. Ngunit napangiwi ako ng talikuran niya ako kaya sumunod ako sa kanya sa loob, sumandal siya sa gilid ng pinto ng balkonahe na saka ipinagkrus ang mga braso sa harap ng dibdib. Matapos ng nangyari kaninang madaling araw, ngayon ko lang nabigyang pansin ang silid na iyon ni Terrence. The room is neat and tidy, with the simplicity of Black and white. A modern, contemporary design that is very masculine. A customized king size bed with a

