ALEXIS ALEJO KINAGABIHAN.... Napansin ng lahat ang pananahimik ni Terrence. Kahit sa harap ng pagkain kasama ang pamilya ay hindi ito nagsasalita. "Ate Alex, ano bang ikinaseselos ni Kuya? Kanina pa siya hindi nagsasalita matapos niyong bumalik dito galing sa ospital?" nag-aalalang tanong ni Althea. After dinner, we sat on the bench near the pool area. Si Terrence, ayon nagmumukmok sa kwarto niya. Galit pa rin yata siya sa nangyari kanina. Kasi naman bakit niya ba pinagseselosan si Kyle alam niyang malakas ang saltik ng isang 'yon. Saka 'di ko rin naman kasi maintindihan itong si Kyle kung bakit iyon pa ang ginawa nitong biro. I sighed. "They're both idiots," tila wala sa sariling sambit ko. "Sino ate?" untag ni Rhianne na nagtatanong ang mga matang iminwestra ang mukha sa harapan

