Chapter 14

1818 Words
ALEXIS ALEJO What the hell?! Hindi ko tuloy maiwasang mapamura ng marinig namin ang fire alarm pagkaraan ay ang mga natatarantang mga tao ang sumalubong sa amin papasok sana ng hotel na iyon! Iisa lang ang mga nasaisip naming mga agents, 'yon ay maaaring humalo sa mga tao ang mga suspek! s**t! Ilang sandali pa ay napakaraming tao na nga ang sumalubong sa amin kaya hindi na kami nagpumilit pumasok dahil baka mabugbog lang kami. "Maging alerto kayong lahat!" sigaw ng isang agent. "Tandaan niyo ang nakita niyong suot nila." Kahit hindi nito sabihin iyon ay kusa na naming ginawa! Tsk! Though nasa utak ko pa rin ang itsura ng babaeng iyon subalit kung inalis niya ang takip sa kanyang mukha at humalo sa mga tao, for sure maliit lang ang tyansa na mahuhuli namin sila! Damn! Who are those people?! This—it was part of their plan! Naikuyom ko ang aking kamao habang sinusuri ko ang mga mukha ng mga lumalabas! It's hard to find a needle in haystack! -------------- REINA (ASSASSIN) Matapos naming humalo ni Arnold sa mga natatarantang mga tao, sa wakas ay narating na rin namin ang labasan. Ang problema nga lang ay ang mga nakita naming mga nakablack suit na lalaki, iyon ang mga escort ng Presidente at marahil ay inaabangan nila ang paglabas namin. At sigurado ako na nakita nila ako sa may bintana matapos ang nangyari. "Magkita tayo sa sasakyan," ang bulong ni Arnold. Kinuha niya sa akin ang rifle suitcase saka ibinigay ang bagpack na naglalaman ng mga passport at iba pang gamit. Tinanguan ko na lang siya. Ang sasakyan na sinasabi nito ay nakapark sa di kalayuan. Then nauna siyang naglakad pagkatapos ay kumanan. Nagsimula na rin akong humakbang at dumikit sa mga tao. Aalisin ko na sana ang takip sa mukha ko para mas lalong hindi nila ako mapansin... Ngunit pagtaaas ko ng mukha ay ang pagtatama ng mga mata namin ng isang lalaki. Nakita ko ang pagkagulat sa kanyang reaksyon ngunit sandali lang iyon dahil agad na may hinugot ito sa kanyang tagiliran. Hindi maaari! Sa isang iglap ay mabilis akong nakalapit sa kanya na hindi na nito nagawang makakilos sa bilis ng nangyari. Sa ilang segundo lamang na iyon ay nagawa kong isaksak ang nakatago kong punyal sa kanyang sikmura. Apologies! It isn't personal but... you have to die. Saka muli ko ng itinago ang punyal at kalmadong umalis sa kinaroroonan nito. ------------- ALEXIS ALEJO Mahigpit ang pagkakahawak ko sa pulsuhan ng aking baril na nakatago na sa tagiliran ko. Kung kinakailangan ay mabilis ko iyong mahuhugot. Ilang sandali lang ay may narinig akong nagkakagulo. Ang ilan ay sumisigaw. Ano ang nangyayari roon? "May tama si Agent Nico!" ang malakas na bulalas na narinig ko mula sa aking earpiece. Sa narinig bigla akong napatakbo sa kinaroroonan ng nagkakagulo! Did they make a move? Nang hawiin ko ang mga nagtutumpukang mga tao, ganoon na lang ang pagkahindik ko ng nakita ko si Nico na nakabulagta sa sahig habang nasa tabi nito ang isa pang agent na inilagay ang kanyang coat sa duguang sikmura ni Nico upang sa gayon ay mapigilan ang pagdugo. Ang isa naman ay tumawag na ng ambulansiya. Nanginig ang kalamnan ko sa sobrang galit sa aking nakitang kalunos-lunos na sinapit ni Nico! Pero hindi ito ang tamang panahon para mag-emote! "Th---that---- wa---way." Nagulat kami dahil kahit hirap at tila kapos na sa hininga ay nagawa pa ring magsalita ni Nico sabay itinuro nito ang daan na marahil ay tinakbuhan ng suspek! Sa kanyang ginawa ay halos liparin namin ang daang itinuro ni Nico. Yet still, there's so many people. Naisipan ko ang sumampa sa katamtamang taas ng sementong iyon na nakapalibot sa isang puno. Biglang nahagip ng tingin ko ang isang papalayo at nakatalikod na babaeng nakasuot na kulay itim at tila ba wala itong pakialam sa nangyayari sa paligid. Siya na kaya iyon?! Well, we need to confirm it right? Agad ko iyong ipinagbigay-alam sa ibang agents through our audio device. Pagkatapos ay kanya-kanya kaming paraan para makaalis sa maraming tao na iyon. Sumunod naman ang ilang pulis. Ilang metro na lang ang layo namin sa kanya kapagkuwan ay inihanda namin ang aming mga baril. "Tigil!" sigaw ng isang agent sabay tutok ng kanyang baril sa nakatalikod na babae. Kusa namang huminto ito sa paglalakad subalit hindi nag-abalang lingunin kami. Ang mga taong nasa paligid ay kanya-kanang takbo palayo roon. It looks like they've already sensed the danger. "Itaas mo ang mga kamay mo at humarap ka sa amin!" sigaw naman ng isa pang agent. Lahat kami ay nakatutok ang baril sa babae. Wala kaming ideya kung gaano siya kadelikado ngunit sa ginawa niyang pagtatangka sa buhay ng dalawang mataas na opisyal at sa ginawa niya kay Nico. Sapat na iyon upang makumbinse kaming hindi dapat kami maging kumpiyansa kahit na isa siyang babae. Napukaw ang atensiyon ko ng itaas nito ang dalawang kamay at humarap sa amin. Siya nga iyon! Ang ayos nito ng makita ko sa aking teleskopyo at sa suot nitong mouth masked. Alerto namang lumapit ang tatlong agent na nakatutok ang baril at may dalawang sumunod, ako at ang iba pa ay nakastand-by pa rin. Ang ipinagtataka ko ay wari ba kalmado pa rin ito sa kabila ng pagkahuli niya? Nang tuluyan nang makalapit ang tatlo, tila ba nag-usap pa ang mga ito. Kinapkapan ng isa ang katawan nito na may nakuha namang baril sa may likuran nito at nang poposasan na ng isa ang babae at akmang tatanggalin sana ng isa pa ang leather masked nito, ngunit nabigla kami sa bilis ng pangyayari! Mabilis pa sa alas kwatro ang kilos ng babae na agad nitong nabalian ng braso ang dalawa sabay igkas ng isang paa nito sa panga ng kumakapkap sa kanya. Mabilis din nitong nakuha ang baril na hawak nito saka nagpaputok sa amin habang ginawa nitong pananggalang ang agent na magpoposas sana rito, sa bilis ng kilos nito ay wala kaming nagawa kundi ang matulala at magtago mula sa mga lumilipad na bala! May ilan sa mga agents ang dinaplisan sa balikat at hita. Napuruhan naman ang ilang pulis. "Whoa! Muntik na akong tamaan! Lintik na babaeng 'yan!" si Edgar. "Swerte mo, malas no'ng iba!" tatawa-tawang sabi ni Rommel kay Edgar! "Ang malas kamo ni Abet, ginawa siyang hostage!" natatawa ring ani ni Bryan. "Who the hell is that crazy b***h anyway!" si Clyde naman ang nagsalita. "The f**ck! She's so fast!" si Edgar. "She's interesting though!" si JP naman ang sumabat. "Sira talaga 'yang tuktok mo, JP. Mapapatay ka na nga ng babaeng 'yon, nagkaroon ka pa ng interest sa kanya!" irita namang reklamo ni Neil. "Can't help it. Ang galing niya eh." "Baliw! Mas maraming mahuhusay sa Agency natin!" Narinig kong usapan ng mga ito. Nagpapalatak naman ang mga nasa tabi ko sa kanilang narinig. "Ibang klase talaga mga utak ng mga agents natin! Lakas ng amats!" turan naman ni Gavin. "Sus! Hindi ka na nasanay! Puro mga may sayad kaya ang nasa Agency. Diba Lex?" Nginiwian ko si Jomar! Aba! "Tsk! Utang na loob, huwag niyo nga ako igaya sa inyo! Saka magfocus kayo, sakit niyo sa tenga!" Ngumisi ito. "O diba, kitams!" nagtawanan ang mga ito. 'Yong totoo! Paano ako nasama sa mga nilalang na ito? Pero kita ko sa mga labi nila ang ngiti sa sobrang excitement. At tila hindi inaalala ang mangyayari sa kanila kapag nakasagupa namin ang babaeng iyon! Mga sira talaga! O see, puro mga baliw namumugad sa SS Agency! Nangingiting napapailing din ako, damn, ibang klase talaga kapag nagsimulang mabuhay ang mga dugo namin sa mga ganitong aksyon. Magkagayonman, hindi kami maaaring magpadalos-dalos ng kilos, ngayon pa na may pananggalang siya. But she's an idiot for looking down on our SS agents! Especially Albert 'Abet' Corpuz, he's one of the best in the male division for close-battle combat. We're not trained just to be a shield for someone who is not worthy of our lives! Napalabas kami sa mga pinagtataguan namin ng matigil ang pagpapaputok ng baril at ng makarinig kami ng ingay mula sa dalawang tao na naglalaban. What the!? Ganoon na lang ang aming pagkagulantang ng makita namin na halos pantay lang sa close-combat ang babae at si Abet! "Wow!" tila mangha namang puna ni JP! Ang ikinalamang lang ng babae ay masyado itong flexible kumilos dahilan para madagdagan ang bilis nito! Hindi na nagpatumpik-tumpik pa ang iba, sumugod na rin ang mga ito at hindi na ininda kung babae ang kanilang kalaban! She's more dangerous than we thought para makipagsabayan ng ganyan kay Abet! Tulala lang na nakanuod sa amin ang mga pulis. Nang tila maramdaman ng babae na magiging dehado siya sa dami naming agents, gumawa ito ng paraan para makawala sa amin! Hindi ko naman maiwasang magulat dito. Nagagawa nitong makipagsabayan sa amin! Aba matinde! Napakahusay niya sa close-combat, animo ba sanay na itong makipaglaban! She throw a powerful punches and kicks toward us, at nang magkaroon siya ng pagkakataon she exit and run through a small alley. Agad din naman namin siyang hinabol at kung minsan ay nakikipag-palitan ng putok! Hah! Mukhang wala itong balak magpahuli ng buhay! Kung may pagkakataon siyang lumaban ay talagang gagawin niya. Nang makita namin na palabas na siya sa eskinitang iyon ay ang pagsulpot naman ng isang puting sasakyan, huminto ito sa tapat ng eskinita. Damn! Oo nga pala! Dalawa sila! Nafocus kasi ang atensyon naming lahat sa babaeng 'to and we forgot her ally! Mabilis kong pinalitan ng magazine ang baril ko. Tila isang pusa namang lumusot sa bintana ng front seat ang babae pagkatapos ay muli kaming pinaulanan ng mga bala! Kanya-kanya naman kaming siksik sa makikipot na pader doon. Kawawa naman ang mga kasunod naming pulis na hindi agad nakailag. Pagkaraan ay narinig namin ang pagharurot ng sasakyan kaya ay napalabas kami agad sa lugar na iyon! "Asar!" inis na bulalas ni Edgar. "Kailangan natin silang mahabol, tayo na!" ani naman ni Gavin pa sabay para sa isang kotse na agad ring tumigil. Pinakita niya ang kanyang ID pagkatapos ay pinalabas ang may-ari niyon. Sumakay naman ang iba sa loob ng sasakyan. Ang iba ay kanya-kanya ring diskarte! Siyempre magpapatalo rin ba ako? No way! Matagal din akong nabakante sa aksyon na katulad nito kaya hindi ako maaaring magpahuli sa mga co-agents ko! Nahagip ng tingin ko ang isang lalaki naka-motor na paalis na sana ng lugar na iyon. Ibinalik ko sa holster ang aking baril. Agad ako lumapit rito at pinababa ito. "Hoy Miss—" "Sorry!" ang mabilis kong sabi matapos kong sumampa sa motor. "Emergency ng SS, ibabalik ko rin agad!" Hope so! ang nakangiti kong sabi sa utak ko saka pinaharurot ang motor! Sa tingin ko naman mababalik ko motor niya, 'yon nga lang I won't make a promise na hindi magagasgasan ito! At ngayon— ang kailangan na lamang naming gawin ay mahuli ang dalawang iyon.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD