Chapter 15

1444 Words
ALEXIS ALEJO Kasalukuyan naming tinatahak ang kahabaan ng Sergio Osmeña Boulevard Road habang patuloy kaming nakikipagpalitan nang putok sa dalawang tumatakas na iyon! Animo may nagaganap na karera sa gitna ng highway. Nakakabinging mga busina ang naririg namin tuwing nag-o-overtake kami sa ibang sasakyan. May ilang sasakyan ng pulis ang napatigil sa gitna ng kalsada matapos tamaan ng bala mula sa kalaban, may iba pa nga ay tumaob. Pero minsan ay hindi maiwasan ang madamay sa putukan ang mga inosenteng sasakyan katulad na lang nitong palapit na 22-wheeler na hindi na makontrol ng driver dahil sa pagputok ng hulihang gulong niyon! Nahigit ko ang aking hininga nang mapagmasdan ko ang tila slow motion na pagtagilid at pagsadsad ng 22-wheeler na iyon sa sementadong kalsada! Kanya-kanyang iwas at hinto ang mga kasama ko at mga rumespondeng pulis upang hindi sila bumangga sa tumaob na sasakyan. Nang may makita akong maliit na daan ay mabilis kong pinatakbo ang motor at dirediretso roon bago ito tuluyang masara sanhi nang pagsadsad ng truck. Though may dalawang sasakyan ng SS ang nakalusot bago pa man tumagilid ang truck at kasalukuyang hinahabol ng mga ito ang puting sasakyang lulan ang dalawang kriminal! "Sundan mo sila, Alex!" Narinig kong tinig mula sa suot ko na earpiece. "Oy, Alex, ibalato mo sa akin 'yong babae hah!" Natawa tuloy ako ng pagak sa sinabing iyon ni JP. Utang na loob! Ano ba ang pinaglalaban ng kumag na 'yon?! Anyway, back to work! Mabilis din akong nakahabol sa tatlong sasakyan and then I saw the white car turned left going to—the pier?! Kung ganoon ay may naghihintay na rin pala sa kanila roon! Sa naisip ay mabilis kong ikinabig papuntang pier ang motor. Ilang sandali pa ay nakita ko na ang paghinto at pagbaba ng dalawa sa sasakyan. Sumunod rin na huminto ang dalawang sasakyan na kasunod nila. Agad na nakipagpalitan nang putok ang magkabilang panig habang tila nakikipagpatentero ang dalawa sa mga nagliliparang bala patungo doon sa isang speedboat na nag-aabang sa kanila! There's another man on that boat! Mabilis na nakalulan ang dalawa roon sa speedboat pagkaraan ay umaandar na ito papalayo habang patuloy sa pagbaril ang mga co-agents ko. Bigla ko kinabig ang aking motor sa kanan sa direksyon na tinatahak ng speedboat. Wala akong ideya kung saan lulusot ang mga ito upang makatakas subalit hindi ako makakapayag! Bukod sa nais ko silang mahuli para mapagbayaran nila ang ginawa nila, naiintriga rin ako sa kanilang pagkatao especially that woman! She's too much for an ordinary. Hindi ko maintindihan kung bakit sobra akong naintriga sa kanya, is it because kaya niya ang makipagsabayan sa amin? Siguro... Kinabig ko pakaliwa ang motor patungo sa mahabang daungan na iyon ng mga Cargo Ship! At kung didiretsuhin ko ang pagtumbok sa daungan na iyon siguradong masasalubong ko ang paparaan na speedboat! Though medyo malayo na ang distansiya ng mga ito ngunit hindi iyon balakid! I saw a slanted wood beside some unknown covered materials at the least end of the port bridge! Nice timing, eh? A playful smirk curled my lips. A crazy idea that I haven't tried in my entire life! "Alex, huwag na huwag mo silang patatakasin! Uupakan ko pa ang mga bwisit na 'yan!" Narinig kong tinig mula sa earpiece ko. No worries, guys, 'coz I wouldn't let them! Ilang sandali lang ay pinaraan ko ang motor sa nakaslant na kahoy na iyon kasabay ng tila ibon akong lumipad sakay ng motor! Agad akong napansin ng mga nakasakay sa speedboat na kakaraan lang din. Siguro ay kalahati pa ang pagitan ko sa kanila nang mapansin ko ang agarang pagliko nito upang iwasan ako! Iniumang naman ng babae ang hawak na baril sa kinaroroonan ko saka nagpaulan ng bala. Sh*t! No choice! I'll try or I'll die! Mabilis akong kumalas sa motor at buong lakas na tumalon! 1... 2... 3... 4... *BOOOMM!!!* "Omf!" Sa lakas ng pwersang dulot ng pagsabog para akong bola nang volleyball na hinampas sa lakas nang pagkahagis ko! "ALEX!" rinig kong mga hiyaw sa earpiece ko! PUNYEMAS! SAKIT SA TENGA! Ramdam din ng balat ko ang napakainit na hanging dulot ng pagsabog na buong akala ko nga ay masusunog ang aking balat kung hindi lamang ako nakasuot ng suit at nakatakip ang braso ko sa aking mukha at tumilapon sa 'di ko alam kung saang direksyon! Pasaway ka talaga Alexis!!! Tanging nabulalas na lang ng aking isipan! Pagkaraan... "Argghh!" impit kong daing nang maramdaman ko ang pagtama ng aking katawan sa kung anong bagay! Sabay lingon at ganoon na lang ang pagkagulat ko! "Wh— Nice catch!" nasabi ko at agad na lumayo sa lalaking nakasalo sa akin! Bakas din sa mukha ng mga ito ang pagkagulat, lalo na ng lalaki. Hindi marahil nito inakala na ang kalaban na humahabol sa kanila ay mahuhulog sa kanyang bi—yuck! Ang baho ng sentence na 'yon! "Tch!" pumalatak lang ito saka binigwasan ako ng malupit na suntok! Hindi man lang nagpaalam! Buti na lang mabilis ang reflexes ko kaya agad akong napayuko ngunit hindi pala iyon nagtatapos doon dahil sumalubong naman sa pagyuko ko ang isang malakas na sipa na nagmula sa babae patungo sa aking mukha na agad kong nasangga ng aking braso! Kung hindi, baka dumanak na ang dugo! "Alex! Thanks God!" rinig ko sa aking earpiece. "Pasunod na kami, Alex!" Marahil ay napansin na nila ako na nakasakay rito sa speedboat at pinagtutulungan ng dalawang ito na walang sawang umaatake sa akin. "Are you an IDIOT?!" Sabi naman ng isa. "Muntik ka nang mamatay!" "Shu—sh*t! Shut up!" bwisit naman 'tong mga 'to! Napakaingay! Hindi tuloy ako makapag-concentrate sa pakikipaglaban! "Asar!" Napailag ako ng iniumang ng babae ang kanyang baril sa mukha ko at pumutok iyon ilang pulgada lang ang layo sa aking tenga! Nabingi ata ako roon, ang sakit ng tenga ko! Isang segundo lang ang pag-ilag ko— muntik na akong tamaan! "That's not nice!" hinagkisan ko ito ng nakamamatay-look! Muli silang umatake nang sabay at ako naman ay depensa at atake rin ang ginagawa ko. Nakakainis, bukod sa dalawa silang magagaling na umaatake sa akin ng sabay, limitado rin ang space namin kaya sobrang hirap gumalaw ng bongga! HUH??!! Napakunot ang noo ko nang makita ko na dalawa na ang baril na hawak ng babae sabay hagilap ng kanang kamay ko sa may holster! Sh*t! Wala roon! Paano niya nakuha ng ganoon kabilis ang baril ko nang hindi ko namamalayan?!! Tsk! What the heck! Ibinalik ng babae ang sariling baril sa likuran nito. Ngayong one vs two, lalo ko napagtanto na bihasa nga silang makipaglaban! Dahil halos pantay lang ang mga lakas at kilos namin... ah except sa guy. Malakas na siya since lalaki siya, subalit nagagawa ko namang makipagsabayan. Ngunit may kakaiba sa paraan ng kanilang pakikipaglaban, napansin ko lang. All of their moves... have that kind of intention... to kill...... Or is it just my wild imagination? But if I base it on every stroke made by their hands when they attack—they're mostly, well, ninety-nine percent sure that they're targeting the most vital spots of a human's body! At kung magiging kampante ako, I'll be dead meat! They sure are professional killers! At sigurado na nasa mataas na antas ng lipunan nabibilang ang taong nag-utos sa mga ito! Kaya nga— "Ahk!" Napapiksi ako ng tamaan ako sa sikmura ng sipang iyon ng babae. Hindi agad ako nakapagreact nang mabilis itong umikot pagkatapos ay binigwasan ako ng suntok gamit ang likod ng kanyang kamao at tumama iyon sa kanang tagiliran ng mukha ko. Sa lakas niyon nakaramdam ako ng kaunting hilo! Argh! Napa-out of balance pa ako kaya napakapit ako sa upuan ng speedboat, bahagya akong napayuko dahil sa naramdaman kong hilo. Ngunit sa nangyari ay lalo itong sinamantala ng dalawa! "Fwuahh!" Napaubo ako ng dugo matapos akong bigwasan nang malakas na suntok ng lalaki na dumako sa aking sikmura, not exactly sikmura dahil ang tinarget nito ay ang isa sa mga vital spot, ang solar plexus which is just located in the abdomen. This spot is the center of nerves that control the cardiorespiratory system na naging dahilan para kapusin ako ng hininga kaya napaluhod ako, tila nanghina rin ang aking mga tuhod! Nagsisimula na ring manlabo ang paningin ko! Sh*t! Pilit kong pinakalma ang aking sarili at nagfocus sa aking paghinga... "You're tough, but... your time is up." Naulingan ko pang sabi ng babae sa malamig na tono saka may naramdaman din akong matigas na bagay na dumikit sa tagiliran ng ulo ko. Hindi ko na kailangan pang hulaan kung ano iyon! It's definitely a gun—my own gun—and ready to fire!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD