ALEXIS ALEJO
Humugot ako ng malalim na buntong-hininga. Hindi ko iniisip na ito na ang huli kong paghinga dahil alam kong hindi Niya ako papabayaan. Ngunit... kung ito man ang huli—
Sumingit sa isipan ko ang mga mukha nina mama, papa at mga kapatid ko. Lalo na si Terrence...
"Yeah r-right," kalmado lang na sabi ko. Pagkaraa'y tumawa ako ng pagak na marahil ay ipinagtaka ng mga ito. "Tsk! Tsk! Hay—ang babagal niyo..." ang puno ng sarcasm na bulong ko, hindi ko alam kung narinig ng dalawa iyon pero sa tingin ko ay hindi naman since mahina lamang ang pagkakasabi ko saka maingay din ang nililikhang ingay ng speedboat! Kahit papaano ay naibabalik ko na ang normal kong paghinga.
In a mere seconds, kung saan handa ng kalabitin ng babae ang gatilyo...
A gunfire came without warning! Kasabay nang pagbagsak ng driver sa harap ng manibela na wala nang buhay, ngunit hindi pa rin humihinto ang speedboat! Napalingon sila kung saan nagmula ang balang iyon, and they saw two speedboats with my co-agents on them!
"Hoy Alex!"
"ALEX! ARE YOU DEAD?!"
"HOY ALEX, BUHAY KA PA?!"
"Buhay pa siya, ibang klase!"
"Lex, tirhan mo naman kami! Ikaw na lang lagi e!"
"ALEX, PAGNAMATAY KA, MAGDIDIWANG TALAGA KAMI!"
Rinig ko ang pag-aalala sa tinig ng nasa kabilang linya! Nag-aalala nga ba? Parang gusto na nila ako mamatay, e! Pambihira! But thanks to them dahil ngayon ay wala na sa akin ang focus ng dalawa at ibinaba rin nila ang kanilang depensa laban sa akin kahit ilang segundo lang, marahil sa inaakala nilang tinamo ko. But I am Agent Alexis Alejo and I won't die because of this!
And I just realize something. Nagagawa ko namang tamaan sila ngunit tila ba balewala iyon sa kanila, ni hindi man lamang nila ininda ang kanilang mga tinamo. Nakadrugs ba ang mga 'to?! Ni hindi ko man lang nagawang maalis ang suot na takip sa bibig ng babae!
Hah! Does it mean mas mahusay nga talaga sila keysa sa amin? Tsk! I want to see the face of my killer...
Mabilis na hinugot ng babae ang isa pang baril sa kanyang likuran at iniumang iyon sa papalapit na mga speedboat saka pinaulanan ng bala ang mga kasamahan ko! Maging ang lalaki ay kinuha rin ang sariling baril at nagpaputok! Kanya-kanya namang ilag ang dalawang speedboat. Bago pa man may malubhang mangyari sa mga kasamahan ko, huminga ako ng malalim saka mabilis na yumuko at yumapos sa beywang ng babae sabay igkas patalikod ng paa ko patungo sa kanyang mukha na hindi agad nakailag sa bilis ng pangyayari. Nagulat namang napasulyap ang lalaki sa kinaroroonan namin dahil sa ginawa ko subalit muli ring ibinalik ang atensyon sa pagbaril sa mga agents marahil ay tiwala siya sa babae.
"Ny*ta! Baka tamaan si Alex!"
"Eh, di kasalanan niya, hindi siya umi—WHOOAA! PAKSH*T! MUNTIK NA KO DO'N!!"
"Kung hindi tayo gagan—oaaff! Kung hindi tayo gaganti nang putok malamang tayo ang mapapatay! Gag*!"
"Si Alex pinag-uusapan natin, uy! Do you really think na hahayaan niyang tamaan siya ng ligaw na bala? Isip isip din pag may time oy!"
"Oo nga! Puro kayo dada! Tawa ko na lang kapag kayo ang tinamaan!"
"Ul*l!"
"Hear that Lex?" ani ng boses sa may earpiece ko.
PUNYEMAS! Nagagawa pa nilang magkwentuhan sa kinalalagyan nilang sitwasyon? Talaga naman!
Tulad rin ng inasahan ko, hindi nga ininda ng babae ang sipa ko! Lumaklak nga ng drugs ang mga taong 'to! Agad rin nitong inigkas ang tuhod patungo sa sikmura ko, hindi ko ininda ang pagtama niyon bagkus ay tumayo ako upang gumanti nang suntok!
Makailang beses din pumutok malapit sa mukha at katawan ko ang baril. Kung hindi ko lang agad nalilihis ang kamay nito na may hawak na baril malamang bulagta na ako at naliligo sa sarili kong dugo! But heck! Those bullets were just millimeters away from my body!
Patuloy kami sa pagpapalitan ng atake at depensa. Pilit ko ring inaagaw ang hawak nitong baril.
Hanggang sa...
*BANG*
"S-sh*t..."
Sabay kaming nag-angat ng mukha at tumambad sa amin ang nakatayong lalaki sa tapat namin na papalakas ang pag-agos ng dugo mula sa tagiliran nito! Maging ito ay napatitig sa tagiliran niyang duguan!
"A-arnold!" nanlalaki ang matang bulalas ng babae habang nakatitig sa kasama na napapahakbang paatras hanggang sa masukol ito sa gilid ng speedboat!
"Re...rein—ahk" iyon lamang ang tangi nitong nasambit nang isa pa uling tama sa kabilang tagiliran ang nagpaubo ng dugo rito at patihayang nahulog sa speedboat!
"Arnold!" gulantang na sigaw ng babae habang nakasunod ang tingin sa lumulutang nitong katawan!
Dahil sa pagkatulalang iyon ng kalaban agad kong inigkas patalikod ang aking siko at tumama iyon sa kanyang mukha. Napalayo ako nang muli itong bumaling sa akin na hawak pa rin nito ang baril, nakita ko ang matinding galit na nakabadha sa kislap ng kanyang mga mata! Nagalit ba siya sa ginawa ko? Hindi ko naman kasalanan na nabaril ang lalaking iyon! Kung ibinigay lang sana niya ng mahinahon ang baril at sumuko sila baka sakaling buhay pa ang isang iyon! Saka tanga rin 'yong lalaki, hindi siya umilag! Ano kasalanan ko pa rin?!
"Mabuti pang sumuko ka na. Wala na ang mga kasama mo, wala ka na ring ibang malulusutan. We will keep you alive if you tell me who is behind the assassination." ang saad ko sa babae. "Who gave the order?" Mariing tanong ko rito.
Hindi ako maaaring magbasakali at maging kampante dahil sa nababanaag kong galit na nakabadha sa kanyang mukha. Hindi ko alam kung ano ang iniisip nito ng mga sandaling iyon.
"Too bad..." she said in a sarcastic tone. Though the sparks in her eyes show pain and anger. "I wasn't trained to give away confidential information, and that..." she paused. "...that includes surrendering myself to someone I know full well is an enemy."
Pagkasabi no'n ay napaalerto ako nang bigla nitong iangat at itinutok sa akin ang baril. Naisip ko na ang bagay na iyon at napaghandaan ko na rin. Kahit na alam kong nariyan ang iba para unahan ang babae sa pagbaril. I'm ready to duck to dodge the bullet.
Subalit nanlaki ang mata ko dahil bigla nitong pinaulanan ng bala ang makina ng speedboat!
What the heck!
Bigla akong kinabahan sa ginawang iyon ng kaharap ko!
Sh*t!
Walang lingon likod na tumalon ako mula sa speedboat!
Punyiemas! Idadamay pa niya ako sa pagsu-suicide niya! Aba akalain ko ba na suicidal pala ang mga taong 'yon! Naka—
Wait!— Nanlaki ang mata ko ng marinig ko ang ingay na iyon at nang malingunan ko! Isang ferry boat na pasalubong sa speedboat na malapit nang sumabog! At huli na para umiwas ang ferry boat dahil sa bilis ng takbo ng speedboat!
Then....
*BBOOOMMM*
Malakas na pagsabog ang nilikha ng pagbangga, nasundan pa iyon ng isa pang pagsabog! Malakas na hiyawan ang maririnig mula sa ferry boat, ang iba naman ay kanya-kanyang talon sa dagat!
Oh my God! Tanging hiyaw ng utak ko matapos ko masaksihan ang nakagigimbal na pangyayaring iyon!
"Alex!" malakas na tawag ng mga kasamahan ko. Tumigil sa tapat ko ang isang speedboat, dumiretso naman patungo sa papalubog na ferry ang isa pang speedboat!
"Here, grab my hand!" inilahad naman ni Abet ang kamay niya na agad ko namang tinanggap at tinulungan niya akong makasampa sa speedboat.
"Tulungan natin ang mga tao sa ferry boat!" ang nag-aalala kong sabi.
Mabilis namang tumango ang mga ito at agad na pinaandar ang speedboat patungo sa papalubog na ferry.
Nakaramdam ako ng habag sa nakita kong mga tao na lumalangoy na palayo sa palubog na ferry boat! At may iba na...
Bigla ko tuloy nalimutan ang tungkol sa babae dahil sa pangyayaring ito na hindi naman dapat na nadamay ang mga tao kung mabilis ko lamang na naagapan na mangyari! Kung agad ko lamang napasuko ang mga iyon!
Pero sa bandang huli. Wala rin pala kaming napala sa paghabol sa mga ito dahil napatay rin sila and worst—may nadamay pa...