Chapter 17

1419 Words
ALEXIS ALEJO Matapos ang nangyari ay agad kaming pinagreport ni Boss sa HQ, agad ring bumalik sa Manila ang Presidente at Bise-Presidente ng hapon na iyon. Ngunit mas lalong pinaigting ang kanilang seguridad lalo na ng Bise-Presidente. Ang tunay na target ng mga taong iyon ay ang Bise-Presidente matapos makuha ang litrato nito sa hotel room na tinuluyan ng dalawang suspek! Alam naman ng lahat na maraming nakakaaway si Vice-President kaya hindi nakapagtataka na makatanggap ito ng mga death threats. Ngunit ang umabot sa ganito ay hindi na maaaring ipagwalang bahala. "Sa ngayon, wala pa tayong lead kung sino ang mga taong iyon at kung may tao sa likod nila," ang pormal na wika ni Boss na nasa harapan naming lahat. Nasa conference room kaming lahat na involve sa pangyayaring ito, mula sa escort hanggang sa amin na nakalaban ang dalawang suspek. Naroon din ang mga matataas na opisyal ng kapulisan and that includes my father. Napakaseryoso ng issue na ito para ipatawag sa pagpupulong na ito ang lahat ng kapulisan na nainvolove rito. "But thanks to our SS Agents, one of them was in our custody. Kahit pa nakaratay ito ngayon sa hospital." Dugtong pa na wika ni Boss. Ang tinutukoy ni Boss ay ang lalaking kasama ng babae na hindi namin sinasadyang tamaan ng bala. "What's the current status of that man? We heard that he was critical?" ani naman ng isa. "As of this time, inoobserbahan pa rin ang kalagayan niya after his surgery. And pinaigting na rin namin ng husto ang kanyang seguridad kung sakali man." "Ano naman ang balita sa kasama nito?" tanong ni Ninong Hans. Sandaling sumulyap sa akin si Boss saka muling binalingan ang lalaking nagtanong. "Ayon sa Agent na huling nakalaban ng babae, ilang segundo bago umano sumabog ang speedboat na nilulan nila nagawa pa nitong makatalon ngunit sa bilis at lakas ng pagsabog ay imposible na makaligtas it—" "And yet they didn't look for the body?" that man who has a four-star on his chest asked in a sharp voice. Naikuyom ko ang aking kamao. Hindi sa hindi namin hinanap ang bangkay nito, of course hinanap din naman ng team ang katawan nito pero hindi namin iyon nakita. Maybe lumubog na ito sa ilalim ng dagat besides hindi lang naman ito ang namatay ng sandaling iyon dahil may ilang tripulante at pasahero ng barko na nasawi dahil sa malakas na pagsabog. Bukod pa roon, kailangan rin namin mailigtas ang mga taong nangangailangan ng tulong ng mga sandaling iyon... Yet... Bakas sa tono ng boses nito na tila nagpabaya kami sa aming tungkulin. "They looked for the body, but—" "Pero agad silang naging kampante na patay nga ito? Kaya hinayaan na lamang nila ganoon ba?" pasarkastikong tanong muli nito. "Your agents should put to their minds the importance of having those people in our custody no matter what... DEAD OR... ALIVE." Pinagdiinan pa talaga nito ang mga salitang iyon. "Especially when they threaten the lives of our President and Vice-President!" Though kalmado naman ang pagkakasabi nito pero naroon ang tila paninisi. "Ang dame dame nila pero wala sa kanila ang nakahuli ng buhay sa mga suspek. I thought your Agents are the best here in Cebu, pero wala naman pala silang nagawa laban sa tatlong tao lamang?" "What the?! Hindi porke Director General siya ay pwede niya na tayong maliitin!" halos pabulong ngunit nanggigigil na sabi ni Abet. "Siya kaya ang sa lugar natin! Gag* ba siya! For sure kung siya nakipaglaban doon, una pa siyang napatay! Puro bunganga lang naman ang isang 'yan!" pabulong na reklamo naman ni JP na nakacross-arm at nakasimangot. "Tsk! Ang yabang niya! As if may alam siya sa nangyari!" Rinig ko namang sabi ni Gavin na katabi ko kahit pa pabulong lang iyon. Kahit na inis na inis na ang mga ito ay hindi pa rin sila sumasabat sa usapan ng mga nakatataas. Kawalan kasi iyon ng respeto kahit pa may mali silang masabi laban sa amin. Saka sino ba naman kasi ang matutuwa sa amin kapag narinig ang ganoon! Ginagawa namin ang lahat tapos magkokomento siya ng ganoon! Aba matinde! Hampasin ko ng speedboat 'tong pangit na 'to! Naku! Napatingin ako kay Boss. Kalmado pa rin ito. "Pinapabayaan mo lang yata ang mga tauhan mo sa training nila retired Director General?" tila ba may pang-uuyam sa tinig nito. "It is a shame na nagtayo ka pa ng isang ahensiya para sa mga untrained agents mo. Na 3 tao lang ay hindi pa nagawang hulihin? Tsk! Tsk! You should be ashamed because of them. Those kinds of skills are not fit to protect people. Tsk! Sinayang mo ang posisyon mo sa PNP. " Wala namang isa sa kahit sinong mga opisyal ng Cebu Police ang nakapagsalita o sumabat man lang. Naku! Konting konti na lang magwawala na ako! Punyemas na matanda ka! Kahit mataas na opisyal ka pa wala akong pake! Ang pangmamaliit mo kay Boss at sa agency namin hinding hindi ko mapapatawad! Kung hindi lang kasalanan tumapos ng buhay, siguro kanina pa bulagta ang taong 'yan sa dami naming nanggagalaiti sa galit! Lahat kaming agents ay nakatingin sa kanya at kulang na lang ay hagisan namin siya ng bomba! Ngunit napukaw ang atensyon naming lahat ng makarinig kami ng maikling pagtawa. Lahat kami ay sabay sabay na napatingin sa harap. "Although I may be a retired Director General, I have never regretted my decision to resign from my position and establish this agency. Isa pa, hindi ko ikahihiya ang mga taong nagtatrabaho sa ahensya, mula sa mababa hanggang sa mataas na posisyon. They were all part of this system. And I'm so proud of them. For being good people and having the dedication to work hard for the city to protect the people. Besides, who are you, by the way, para magkomento ng mga bagay na wala ka namang nalalaman?" sarkastikong litanya ni Boss! What the hell! Whoa! Nagsipagngitian ang mga kapwa ko agents sa sinabing iyon ni Boss! Nakita ko ang pangangasim ng mukha ng bagong Director General! "For your information, our agency was in charge of the safety of the President and Vice President. Aside from that, it was their request, not ours. Kaligtasan nila ang prioridad ng buong Team and yet without anyone who ordered them, ang paghuli ng kriminal ay kanilang ginawa since it was still part of their job. Sa mga ganoong sitwasyon ay hindi na nila kailangan pa ang pahintulot ko o mula kaninuman as long as those moves were necessary. That's how they were trained, to be reasonable in any situation or on a mission." He sighed, and he moved forward. Lahat naman kami na nasa likod ay nagsipagtanguan bilang pagsang-ayon kasabay ng pagguhit ng ngiti sa aming mga labi. "The former and current presidents, even the people here in Cebu, acknowledge us as the best agency here. Means we are the best. We have the best people and the best agents." Walang halong pagmamayabang sa tinig ni Boss sa halip ay tinig ng pagmamalaki sa kanyang mga tauhan ang narinig namin. "Yet we didn't consider ourselves the best. We strived to be better than the best." Huminto sandali si Boss nang magsipalakpakan ang mga co-agents ko. Iniangat ni Boss ang kanyang kamay para patigilin sila. Napangiti naman ako. Sumimangot namang lumingon sa amin ang matandang lalaki. "But yes, nabigo kami sa paghuli sa mga kriminal ng buhay subalit naisip mo ba ang pinagdaanan ng mga agents ko para lamang mahuli sila? And they're not ordinary killers, they're professional hired killers. Thirteen of my agents almost died just to catch them alive. Six of them were in the hospital. One is in critical condition. One almost died fighting them. Do you know how much difficulty they've faced trying to bring those three alive? And yet those people chose to die rather than surrender." He paused, and then he released a deep sigh. "But the most important part was that Mr. President and Vice-President are secured and safe. And one killer was in our custody. It was still an accomplishment for all of us." Nagsipagtanguan naman ang mga naroon. Hindi naman kumibo ang Four-star General. Hah! O, pahiya siya! Bumalik na lang siya ng Manila! Bwisit siya! Kala niya kung sino siyang magaling! Hindi na lang kumibo ang lalaki subalit bakas sa mukha nito ang pagkapahiya at pagkadisgusto sa mga narinig. Bago kasi siya tumulak patungo rito at magbitiw ng mga salita, dapat inaalam niya ang mga bagay-bagay! Ayan! Ano ka ngayon! NGANGA!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD