ALEXIS ALEJO
Matapos ang napakaintense na pagpupulong na iyon ay dumiretso pa kami ng mga co-agents ko sa hospital para bisitahin ang mga kasamahan namin especially si Nico. Nasa ICU na ito at under observation pa rin dahil sa tama na kanyang tinamo. We hope na malagpasan nito ang kalagayan.
Nang gabing iyon ay dumiretso na ako ng uwi. Pabagsak kong inihiga ang katawan ko sa kama dahil sa pagod. Hindi na rin ako kumain dahil wala rin akong gana.
Napatitig ako sa kisame... Biglang pumasok sa isipan ko ang babaeng iyon na nakalaban ko. Ibang klase siya. Iyon ang unang pagkakataon na may nakalaban akong mahusa tapos babae pa bukod sa mga kasamahan ko. Sayang nga lang hindi ko nakita ang mukha nito. I would congratulate her for making me feel like a loser that time—when she pointed my own gun in my head!
Nakakaasar kaya!
Kung wala lang doon ang mga baliw kong co-agents baka wala na ako rito ngayon.
Itinakip ko ang aking braso sa aking mata. Kahit yata pilitin ko matulog ay hindi ko magagawa... Ang nangyari nitong buong araw ay paulit-ulit na nagfa-flashback sa utak ko! Punyemas naman!
*KRRRIIINNNGGG*
Napapitlag ako sa biglang tunog ng phone. Napalingon ako sa cellphone na nakapatong sa may side-table.
*KRRIIINNNGGGG*
Tila ba tamad na tamad ako bumangon saka kinuha ang cellphone bago muling humiga at tinignan kung sino ang tumawag.
Nang mabasa ko kung kaninong pangalan ang nakarehistro sa screen, wala sa sariling napangiti ako. Yup, it's my idiot babe.
"He—"
[Babe! Sa wakas, sinagot mo rin! Kanina pa ako tumatawag hindi mo sinasagot! Nasabi sa akin ni dad ang nangyari! Ano?! Nasaktan ka ba?! Nasugatan ka ba?! May masakit ba sa 'yo? Bakit hindi mo na lang hinayaan ang mga kasama mo sa paghuli sa kriminal! Nasa tabi ka lang dapat ni dad at least hindi mo kailangan —]
*TOOT...TOOT... TOOT*
Putek! Ang sakit sa tenga ng sigaw niya, buti na lang nasa kabilang linya siya kung hindi sabog na naman ang tutule ko sa taong 'to! Though naiintindihan ko naman ang pag-alala niya.
*KRRI—*
[Bakit mo ko binabaan?!] asik nito mula sa kabilang linya.
Napailing ako, naimagine ko kasi ang itsura niya.
"Tsk. Bakit hindi mo tanungin sarili mo? Pwede ka naman magsalita nang hindi sumisigaw 'di ba!" asik ko rin sa kanya!
[Psh! Sobrang nag-aalala ako sa 'yo kanina pa. Nang makausap ko si dad tungkol sa nangyari hindi na ako mapakali sa pag-aalala sa 'yo. Aish! I don't care about this seminar, I'm going home tomorrow!]
Napabangon ako ng upo. "Hoy Terrence Altamonte, huwag mong maiwan-iwan 'yang importanteng seminar na 'yan kung gusto mo makatap—"
[Importante? Babe, wala nang ibang mas importante sa akin kundi ikaw! Ano pa ang magiging silbi ng seminar na 'to kapag may nangyari sa 'yo?]
Natahimik ako sa sinabi niya pero pagkaraan ay napatawa ako.
"Oi idiot, sige nga, ano naman ang maitutulong mo kung sakali ha?"
[Tinatanong pa ba 'yon? Eh, 'di moral support at magchecheer! Saka I will heal you with my love!]
Hindi ko napigilan ang humagalpak ng tawa. Punyemas! Napacorny ng taong 'to!
[Tss! Pagtawanan ba daw ako. Kidding aside. Kung ayaw mo iwan ko ang seminar na 'to, ikaw na lang ang pumunta rito, Babe. Saka weekend naman bukas, after what happened, baka iconsider nila na magvacation ka kahit ilang araw lang.]
Muli akong humiga at nagpakawala ng buntong-hininga.
"Sorry, pero hindi ako pwede humingi ng vacation ngayon. Nagkakagulo sa ahensiya namin ngayon dahil sa nangyari buong araw kaya hindi ako pwedeng umalis. Saka Terrence, sinabi ko naman hindi ba, trabaho ko ito, hindi na bago ang mga ganitong pangyayari at... hindi ako mapapahamak dahil may dahilan ako para mabuhay. So please, trust me with that."
Narinig ko ang kanyang pagbuntong-hininga na wari ba sumusuko na siya sa pangungumbinse sa akin na sumunod sa kanya. Though gustuhin ko man na makita siya subalit kailangan din ako sa trabaho, gusto ko rin naman mabigyang linaw kung sino ang mga taong iyon.
[Yeah, yeah, fine, alam ko naman na ako ang dahilan na 'yon. And I'm very proud of it.]
Natawa ako. Ibang klase din ang bilib nito sa kanyang sarili ah!
"Wow! Hanep din ang imagination mo, Mr. Altamonte. Hindi lang ikaw ang nag-iisang taong mahal ko."
[But I'm the most precious one.] bakas sa tinig nito ang pagmamalaki.
"O tapos? Gusto mo ipagsigawan ko?"
[No need. Buong mundo alam na 'yan at alam ko namang patay na patay ka sa akin.]
The heck! Nagsisimula na naman siya! Nagsisimula na naman siya sa mga kahibangan niya!
"Hoy—"
[Oh, don't worry babe, I won't tell anyone as long as you are mine.]
Damn idiot!! Bakit ba ang hilig niyang pakiligin ang puso ko!
[Alex?]
"A-ano?" nauutal kong tanong, kahit na ilang buwan ko na kasama ang lalaking 'to pero hindi pa rin nasasanay ang puso ko kapag nagsasalita ito ng mga ganoon. Parang noong una siyang nagparamdam na mahal niya ako, ganoon.
[I'm sorry for not being the perfect boyfriend.]
Kumunot ang noo ko sa sinabi niya. Bakit bigla na lang ito nagdrama.
[But babe, hindi man ako perpektong lalaki pero isa lang ang masisiguro ko sayo, I'm perfectly true in giving all the best of me to be always there for you.]
Tumawa ako ng pagak but deep inside I'm too happy to think of anything. He's too much for me to handle!
"Jeez. Idiot." I smiled. "Oo, hindi ka nga perpekto— pero alam mo ba, kahit may saltik ka minsan—" napatigil ako at natawa ng marinig kong umangil siya. "You make me laugh the way others can't. You always make an effort, and you do your best to understand me. Terrence, hindi ko kailangan na magpakaperpekto ka... because for me, you are already perfect," ang bawi ko naman bago pa siya tuluyang magwala.
Ilang segundong walang kibo si Terrence, ngunit may palagay na akong abot langit na naman ang ngiti nito.
[Salamat Alex, sabi na nga bang deads na deads ka talaga sa akin,] narinig kong tumawa ito, ang loko, ligayang ligaya. Pagkaraan ay tumikhim ito. [Anyway, Alex, I know we may fight over small things. I sometimes hurt you unintentionally, but you always understand everything about me. That is why I want to understand everything you went through in your life when I wasn't there.]
Napakurap ako sa sinabi niya kasabay ng pagtahip ng malakas ng puso ko.
Terrence...
[Alex, babe, are you happy being with me?] mayamaya ay tanong niya na muling ikinakunot ng noo ko.
Sa dalawang buwan naming magkasama bilang magkasintahan, ngayon lamang niya itinanong iyon...
Kailangan ko pa bang pag-isipan samantalang alam ko na naman ang kasagutan. Ngumiti ako...
"Bakit mo naman natanong 'yan? Tsk! Kahit naman madalas na nagtatalo tayo sa walang mga kwentang bagay, kahit na kung minsan ay immature ka, sa kabilang banda being with you is one of my greatest joys. Even though you're an idiot, you manage to steal my heart. Kung wala ka, hindi makokompleto ang puso ko," ang sinsero kong sabi.
Na kahit malayo kami sa isa't isa at least naiparating ko sa kanya ang nararamdaman ko.
[The same with me too, babe. My heart and soul belong to you. Ikaw lang wala nang iba. I will always love you, and I know that this love will last forever. Just you and me... So, Ms. Agent Alexis Alejo, better prepare your heart for being just mine, because I won't hand you over to anyone!]
Napamaang ako sa kanyang sinabi pagkaraan ay napangiti kasabay nang kasiyahang bumalot sa puso ko. Paano ko hindi mamahalin ang ganitong klaseng tao? Kahit na kausap ko lang siya masaya na ako, kompleto na ang araw ko.
And even I was so sure that he would be my forever...