Chapter 19

1192 Words
ALEXIS ALEJO Kinabukasan... "Morning Alex!" masayang bati sa akin nina Joanna pagkarating ko ng office. Agad ko rin naman silang tinanguan saka pumwesto sa harap ng mesa ko. "Hey Alex, totoo ba na napakagaling ng babaeng nakalaban niyo kahapon?" bungad na tanong naman ni Joseph. Napatingala ako at nangunot ang noo ko nang makita ko silang lahat na nakapalibot sa akin. Bakas sa mga ito ang curiosity. "Tss. Kanino niyo naman nabalitaan 'yan?" pormal kong tanong. "Kina Abet! Kalat na nga sa buong agency ang ginawa niyong pagtugis sa mga kriminal. Sayang lang wala kami sa bakbakan!" tila disappointed naman nitong wika. Napabuntong-hininga ako ng maalala ko ang nangyari kahapon at ng itsura ng babae though hindi ang buong mukha nito subalit ang mga matang iyon na walang halong takot— takot na mamatay... "Kung nagawa nilang makalusot at makipagsabayan sa'yo at kay Abet ibig lamang no'n sabihin ay walang dudang magagaling nga sila!" si Joanna naman na nakapatong ang daliri sa baba at nagpatango-tango. Mukhang kumbinsido nga itong mahusay ang kalaban namin. "Tss. Ano naman kung mahusay sila? At least hindi sila nagtagumpay." kalmado ko namang sabi. "Oo nga tama ka." sang-ayon naman ni Joseph na nagpatango-tango pa. "Sayang nga lang at wala kayong nakuhang lead kung sino sila at kung may nag-utos sa kanila na patayin si Vice." si James naman ang nagsalita. "Pero may isa pa naman na nasa pangangalaga ng agency, 'yon nga lang hindi pa raw nagigising ang lalaki. Kung sakali man, sa kanya natin iyon malalaman." sabad naman ni Joanna. Napailing ako. Hindi ako kumbinsido na magsasalita nga ang lalaking iyon sa amin gayong ang babae nga lang na kasama nito ay mas ninais pa na mamatay. "Sa tingin ko, imposible 'yon." Nagtataka silang napatingin sa akin. Hindi ko naman maiaalis sa kanila ang pagtataka. "Alam niyo, kung 'yong babae nga mas pinili ang magsuicide huwag lang siya mahuli, 'yong lalaki pa kaya? May naalala pa akong sinabi ng babae bago ito mamatay—She said she wasn't trained to give confidential information. Ibig sabihin kahit ano ang gawin sa kanila, kahit pahirapan sila, hindi sila magsasalita." Nagkatinginan ang mga ito. "Talaga? So, ibig sabihin, tinrain talaga sila para sa agendang ganito?" nanlalaki namang mata ni James. "Yes, iyon din ang iniisip ko at kaya nga nagkaroon ako ng interes na may malaman pa tungkol sa kanila." "Pero parang nakapagtataka hindi ba?" si Mike na puno ng pagtataka ang mukha. "Kung gusto talaga nilang patayin si Vice President dapat simula pa lamang ay magkahiwalay na silang nagtrabaho, saka bukod pa roon, bakit tatlo lang silang kumilos? Vice Pres. 'yong gusto nilang iassassinate pero tatlong tao lang silang nagplano? Nakakapagduda hindi ba?" Napatingin kami lahat kay Mike na tila seryoso sa pag-iisip, mayamaya ay umiling. "If they were prepared for their death, they should have done everything to kill the Vice President instead of running away." Nagkatinginan kami at halos iisa ang mga nasa isip namin. "May punto rin si Mike. Posible rin na ganoon lang kalaki talaga ang tiwala nila sa kakayahan nila kaya tatlo lang sila kumilos," seryoso namang sabi ni James na seryoso ang mukha. "Nugnit maaari ay naisip din ng mga 'yon na dehado sila sa dame nang nakapalibot kay Vice President. At nang mabulilyaso ang plano nila na mapatay ito nang hindi tumagos ang bala sa sasakyan?" dagdag pa ni James. Muling sumabat si Mike na nagpatango-tango. "Tama ka rin James. Pero paano kung hindi lang naman din pala doon nagtatapos ang plano nila?" "What if may iba pa silang kasama?" dugtong naman ni James. "Hindi naman posible 'yon, kaso kung may kasama pa sila diba dapat ay tinapos ng mga 'yon ang nasimulan ng tatlo?" apila naman ni Joseph. Napakunot ang noo ko, sandali nga lang, bakit napunta na sa ganito ang usapan? Ang dame nilang hinala, pero iyon ang utak ng isang SS Agent, hindi na mawawala sa kanila ang pagbuo ng mga conclusion o teorya nila hanggang hindi pa natatapos ang kaso. "Yon lang." si Mike. "Ang tanong lang kung mayroon ngang nag-utos sa kanila?" si Joanna naman. "Isa iyan sa malaking katanungan. Dahil hanggang hindi nabibigyang linaw ang lahat, nasa panganib pa rin ang buhay ni Vice-Pres." I said as I crossed my arms and leaned my back in my chair. "Whoa. Seryoso tayong lahat ngayon ah?" Sabay-sabay kaming napalingon sa nagsalita. Si Ian kasama si Myka na kakarating lang din. Nakangiti ang mga ito sa amin. "Morning guys. Hmmm... 20 minutes late. Why's that?" nakakalokong tanong ni Joanna sabay makahulugang ngumisi. "Haha! Sira!" natatawang tugon naman ni Myka na tila alam na ang makahulugang tanong na iyon ni Joana. "Ang traffic kaya. Nagkaroon kasi ng banggaan sa daan kaya ayun. Anyway, bakit ba seryoso kayong lahat? May nangyari na naman ba? Kaninang pumasok kami ni Ian puro usapan tungkol sa nangyari kahapon ang naririnig namin." "Hay naku! 'Yon nga rin pinag-uusapan namin." tugon naman ni Joanna na pinaikot pa ang mata. "Nakakaloka, hindi ba!" "Actually nakakagulat naman talaga ang nangyari. Imagine, ang dameng agent at pulis ang humabol sa mga kriminal pero grabe, nahirapan silang lahat." Nagcross arms si Ian habang umiiling mayamaya ay napakurap nang mapatingin sa akin. "Oh no Alex, hindi ko naman—" Napangiwi ako. "Jeez, ayos lang 'yon. Kahit naman kami nina Abet ay 'yon din ang iniisip. Lalo na ako! Nakakapikon kaya ang tutukan sa ulo ng sarili mong baril! Parang ang loser ko ng time na 'yon!" yamot kong reklamo! Natawa naman ang mga ito! Sinimangutan ko sila, pagtawanan ba daw kasi ako! "Nakakatawa ba 'yong sinabi ko?!" asik ko sa kanila. "Para ka kasing ewan!" tatawa-tawang sabi ni Joanna! "Alex, ano ka ba, masyado mo naman dino-down sarili mo dahil do'n. Nangyayari naman talaga ang mga ganoong bagay." alo naman ni Myka na nakangiti. "Tss! Sinong nagdo-down ng sarili? Hindi kaya, iba 'yon keysa sa feeling asar!" Tawanan lang uli sila. Nakakabwisit naman kausap 'tong mga 'to! Napatingin ako sa aking relo. "Sya magsipaglayas na nga kayo sa harap ko! Hindi kayo nakakatulong!" irita kong taboy sa kanila! "Tsupe!" "Grabe siya! Makataboy para talaga kaming aso eh 'no!" nakangusong reklamo ni Joanna. "Hindi ba obvious?" nginisihan ko siya ng nakakaloko. Nanlaki ang mata nito. Nagtawanan naman sina Mike. "Haha! Mukha ka na ngang hippo pati ba naman aso! Saklap niyan Jo! Suicide na lang!" natatawang asar ni Mike! Loko talaga! Nanggatong pa! Hinagkisan niya ng matatalim na tingin si Mike! Punyemas! Magsisimula na naman sila sa pagtatalo! Ang aga-aga! Nagulat kami ng biglang sipain ni Joanna sa binti si Mike! "Arayyy!" hiyaw ni Mike sabay nagtatalon sa sakit ng binti niya. "Masakit ha! Sadista ka talagang hippo ka!" "Sadista pala ha!" asik ni Joanna akmang kukuha na sana ito ng upuan nang may biglang tumikhim kaya napatigil ito at sabay-sabay kaming napalingon. Si Cheri iyon, isa sa mga agents ng SS. "Buti naman kumpleto kayo. Kakatawag lang ni Boss Kevin, pinapatawag niya kayong anim sa conference room, Mike, Joseph, James, Kyle, Joanna at Alex." pormal nitong sabi. "Huh? Bakit daw?" taka namang tanong ni James. Hindi ito sumagot bagkus ay tinalikuran lamang kami nito na may ngiti sa labi...
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD