AGENT MYKA
Nakanganga akong napatingin kay Ian na bakas ang pagtataka sa mukha.
"Ano ang nangyari kay Alex?" ang halos hindi na makunot-noo na tanong ko dahil hindi man lang kami pinansin ni Alex.
Nagkibit balikat lamang si Ian. As if naman may alam din ang isang ito sa nangyari. Pero sa nakita kong sobrang pag-aalala sa mukha ni Alex ay hindi ko maalis sa isipan ko. Ngayon ko lamang nakita si Alex ng ganoon. May masama kayang nangyari?
"Hoy Myka!"
Dagli kaming napalingon ni Ian sa tumawag na iyon. Si Joanna pala, kasama ang apat na hindi na yata mapaghihiwalay!
"Akala ko nakauwi na kayong dalawa." ani ni Mike ng makalapit na sila sa amin.
"Pasabay naman pauwi!" ang nakangising sabat naman ni Joanna.
"Sure ba." mabilis na tugon ni Ian.
Wala naman akong nasabi tungkol doon. "Siya nga pala, may nangyari ba kay Alex?" mayamaya ay sabat ko.
Nakita ko ang pagtataka sa mga mukha nila ng magkatinginan sa isa't isa pagkatapos ay tumingin sa akin. I bet wala ring alam ang mga ito.
"Bakit, ano ba ang nangyari?" Si Joanna ang nagbalik tanong.
"Ang alam namin, bago siya umuwi ay pinatawag siya ni Boss sa opisinam" kunot noo naman na sabat ni James. "Pero hindi namin alam kung ano."
"Ano nga kasi ang nangyari?" tila naiirita ng tanong muli ni Joanna dahil hindi nasagot ang kanyang tanong kanina.
Ikinuwento ko sa kanila ang nangyari ng masalubong namin ni Ian si Alex. Puno din ng pagtataka ang mga mukha ng lima.
Sinubukang kontakin ni Joanna ang cp ni Alex subalit hindi nito sinasagot ang telepono. Ilang sandali pa ay halos iisa ang nasaisip namin. We need to locate her!
--------------
ALEXIS ALEJO
Nang makarating ako sa harap ng gate ng university ni Terrence, basta-basta ko na lamang iniwan sa gilid ng kalsada ang motor ko.
"Good afternoo---" And since kilala ako ng guard doon ay hindi na ito humingi pa ng ID ko subalit bakas sa mukha nito ang pagtataka ng dire-diretso na lang ako pumasok na nagmamadali pa. Napasunod na lang ito ng tingin habang nakakamot sa batok.
Dahil nga hapon na iyon ay karamihan sa mga estudyante ay pauwi na.
"Ms. Bodyguard!!" ang salubong sa akin ng isa sa mga kaibigan ni Terrence na si Mark sa may harap ng building B. Agad akong napalapit sa kanya.
"Ano na ang nangyayari?!"
"Nasa rooftop si----"
Hindi ko na pinakinggan pa si Mark dahil halos liparin ko na ang pag-akyat sa hagdan patungong rooftop. I don't care kung hanggang fifth floor ang building na 'to. Ang mahalaga makarating ako kay Terrence.
Punyemas! Humanda sa akin ang taong iyon na gustong saktan ang idiot na 'yun! Naku! Hindi lang tigre ang makakaharap niya kundi isang dragon!!!
"Ms. Bodyguard!" ang hindi mawaring reaksyong salubong ng dalawang kaibigan pa ni Terrence na nasa harap ng nakasaradong pinto ng rooftop. "Nasa loob si Terrence. "
Tinanguan ko lamang sila. Nagulat at nanlaki pa nga ang mga mata nila ng makita nila ang pagbunot ko ng baril sa aking tagiliran sabay kasa niyon. Nagkatinginan ang dalawa saka lumipat sa bandang likuran ko.
"Ahm... Ms. Bodyguard sa tingin ko---"
"G-grabe nakakapagod umak---mmmm" sya namang pagdating ng hingal na hingal na si Mark ngunit agad nang tinakpan nina Kenneth ang bibig nito nang makita ang matatalim kong titig sa kanila.
Napabuntong-hininga na lamang ako saka muling itinuon ang aking pansin sa harap ng pinto ng rooftop. Though naririnig ko ang mga pagbubulungan at tila pagtatalo ng nasa likuran ko ay isinawalang-bahala ko na lamang iyon. I need to focus. I need to set my mind to one thing.
To save Terrence!
Hinawakan ko ang doorknob at inihanda ang aking baril kung sakali man. I took a deep breath and let it out slowly. And a mere second, I turned the doorknob at malakas kong itinulak ang pinto as I point my gun at the first person I see.
"DON'T MOVE!"
Subalit ganoon na nga lang ang panlalaki ng mata ko sa aking nadatnan! Pero mas nanlaki ang mata ng taong kaharap ko ngayon ng makita ang baril na nakatutok sa kanya!
"A-ano ba ang...?"
--------------
TERRENCE ALTAMONTE
"DON'T MOVE!"
Expected ko na papasok na si Alex dito sa rooftop pero the one that I didn't expect was that gun pointing at my handsome face! Oh sh*t! Nakita ko ang pagkagulat at pagtatakang bumadha sa magandang mukha ni Alex nang inilibot niya ang tingin sa rooftop! Marahil ay nalilito siya sa nangyari. Oh well, it was part of my plan, but not that thing.
"Ah b-babe—" subalit agad na akong natigilan ng biglang dumilim ang mukha niya ng muling dumako sa kinaroroonan ko ang tingin niya!
Parang bigla akong nakaramdaman ng panlalamig at panunuyo ng lalamunan!
Lagot kang Terrence ka! Nagising mo na naman ang isang tigre--no, the best term for what I see right now is... a DRAGON!!!
Damn it! Sabi ko na nga ba mali ang suhestyon na ito ni Mark! Speaking of the devil! Nakita ko ang tatlo na nakatayo roon malapit sa hagdanan at nakapeace sign!
Tignan mo 'tong mga 'to! Matapos akong ilagay sa ganitong sitwasyon ay hahayaan lang nila ako!
Pinukulan ko sila ng matatalas na tingin!
Humanda kayong tatlo sa akin! Mapapatay ko talaga kayo! You three are the reasons kung bakit may isang dragon ngayon sa harapan ko! Sisigura—
"Oi... idiot..."
Nahigit ko ang aking paghinga ng marinig ko ang walang kabuhay-buhay na boses na iyon ni Alex! Napahigpit tuloy ang hawak ko sa bouquet ng bulaklak. Though nakababa na ang hawak niyang baril pero hindi naman ako doon natatakot kundi doon sa may hawak niyon!
I'm dead! I'm totally dead!!!