TERRENCE ALTAMONTE
I'm dead! I'm totally dead!!!
But still, andito na 'to.
"Ah... Happy 2nd monthsary, b-babe!" pilit kong pinapakalma ang sarili ko at nginitian siya. Sa tingin ko naman kapag nag-explain ako ay patatawarin niya ako. I just need to—
Ngunit ganoon na lang ang sunod-sunod kong paglunok ng laway nang makita ko ang unti-unting paghakbang ni Alex palapit sa kinatatayuan ko at lalong tumindi ang madilim niyang aura! Seryosong-seryoso ang mukha niya na animo hindi talaga matitinag! Pakiramdam ko ng mga sandaling iyon na palapit siya ay para akong dartboard na anumang oras ay may lilipad na bagay sa pagmumukha ko! Hell! Not my handsome face babe!
Pero kahit anong sabihin ko sa kanya hindi na niya ako pagbibigyan, mukhang galit na galit na siya, for sure, bukas nito may eyeshadow at eyeliner with matching violet lipstick pa.
"H-hey babe... I-I'm sorry," ang apologetic kong sabi, ngunit tila hindi pa rin nababawasan ang tensyon sa paligid.
Sa tingin ko nga mas lalo pa iyong tumindi at ni hindi man lang din natitinag ang seryosong mukha ni Alex!! Aish!
"Look, I know it is my fault dahil pumayag ako sa suhestyon na ito nina Mark. Damn! I am an idiot to surprise you for our second monthsary with these lies."
Habang nagsasalita ako ay patuloy pa rin sa paglapit si Alex. Halos kandahaba naman ang leeg ng tatlo kakasilip siguro sa itsura ko! Bwisit talaga ang tatlong 'to! Terrence naman kasi, bakit ka ba kasi pumayag!?
*FLASHBACK*
Dalawang araw bago ang araw ng monthsary namin ni Alex.
"Baliw ba kayo!" angil ko sa tatlo, nasa rooftop kami ng hapon na iyon. "Magagalit si Alex kapag nalaman niyang kasinungalingan lang 'yung papalabas natin! Baka imbes na siya ang masurprise ay ako ang masorpresa ng bugbog! Hindi niyo alam kung gaano kasakit ang kamao ng babe ko!"
Umiling si Kenneth sabay akbay sa akin. "Naku pre, hindi mangyayari 'yon! Love na love ka kaya ni Ms. Bodyguard kaya di ka no'n kayang bubugbugin!" tinapik-tapik niya pa ako sa balikat.
"Saka Terrence, kapag nakita naman niya ang pinagpaguran mo for sure maiiyak siya sa tuwa at malilimutan niya ang kasinungalingan na gagawin natin," ang sabad naman ni Jason na noon ay nakatutok ang paningin sa nilalaro niya sa kanyang cp.
"Totoo 'yan!" bigla-bigla namang sabad ni Mark na ang laki-laki pa ng ngiti na nakapaskil sa labi nito. "Alam mo bang ilang beses ko na nagawa 'yan sa mga naging syota ko. At halos matunaw ang mga puso nila sa ginawa kong arrangement sa mga date namin! Naku pre, mas lalong maiinlove niyan sayo si Ms. Bodyguard!" tila ba kumpiyansang-kumpiyansa ang isang ito sa suhestyon niya!
"Oh see pre, diba gusto mo ng intense at may thrill ang 2nd monthsary niyo? At mamomove si Ms. Bodyguard, well grab this suggestion na, oh," gatong pa ni Kenneth na nakathumbs-up pa.
I release a deep sigh...
*END OF FLASHBACK*
Yeah... An intense and thrilling date, huh? Tignan niyo kung anong napala ko ngayon, you morons!
Nanggagalaiti kong bulong ng maalala ko iyon. Pero wala na, hindi ko na mababago pa ang mga nangyari na. Kailangan ko na lang harapin ngayon si Alex.
"A-alex-" nagulat ako ng bigla niya akong kwelyuhan subalit mas nagulat ako ng makita ko ang pangingilid ng mga luha sa mata niya.
Hey wait! Does it mean, tama sina Mark?! Is it tears of joy? Kung ganon, effective 'yung-
Ngunit isang malakas na suntok ang tumama sa may kanang mukha ko na nagpatigil sa pag-iisip ko sa sobrang pagkagulat. Nabitawan ko ang hawak kong bouquet ng bulaklak. Halos mabuwal pa ako sa suntok na iyon mabuti na lang naibalance ko kaagad ang isang paa ko. Nasalat ko ang tila kalawang na lasa sa bibig ko...blood... it's my blood. To think she only just used her left hand to punch me yet still... napakalakas pa rin niyon! Pero nayanig din ang pag-iisip ko ng mga sandaling iyon dahil ang akala kong tears of joy ay kabaligtaran pala. How foolish of me to think she will like this kind of setup!
"Al—" balak ko sanang humingi uli ng tawad ngunit nanlaki ang mga mata ko ng muli akong tumingin sa mukha niya.
"You are really an idiot!" pigil ang kanyang boses sa pagsigaw ngunit bakas sa kanyang tinig ang sobrang galit! And yet I see the pain painted in her face. The kind of face that I don't want to see from her—I hurt her—I hurt my Alex. Tila sinaksak ang puso ko sa aking nakita.
Then she turned her back on me. Agad siyang humakbang palapit sa pinto—palayo sa akin...
Biglang nagpanic ang utak ko ng tuluyan siyang nawala sa paningin ko!
"N-no—wait Alex!" malakas kong sigaw sabay takbo. Ang lakas-lakas ng kaba ko sa isiping iiwan ako ni Alex!
Paglabas ko ng pinto ay agad akong nakarinig ng mga boses. Nang pababa na ako ng hagdan ay nakita ko sina Kyle at ang iba na agad rin akong napansin kaya lumapit sa akin ang apat na lalaki.
"Terrence Altamonte, ano na naman ang ginawa mo at galit na galit si Alex?" agad na tanong ni Mike na nakakunot ang noo.
"Oo nga, mukhang walang balak mangibo si Alex." sabad naman ni Joseph.
"Psh!" palatak ko na lamang saka iniwan na ang mga 'to.
Narinig ko pa ang pagtawag nila. Pakialam ko ba, kelangan ko ba magpaliwag sa kanila?
Sunod ko namang nakasalubong ay ang magkasalubong na kilay ni Joanna at nakaarkong kilay ni Myka kasama ang bf nito na nakakamot lang ng ulo.
Naku naman! Bakit nandito ang mga 'to???
"Hoy Terrence Altamonte!" Joanna shouted as she pointed her index finger at me. "Ano---"
Ngunit hindi ko na siya pinansin at dali-daling nilagpasan na lamang sila. Ano ba naman! Kailangan ko pa mahabol si Alex, bakit ba nagsipagsulputan ang mga taong 'to!
"Aba't nilagpasan lang ako! Hoy—mmmfff!!!" sigaw ni Joanna subalit tinakpan na ni Myka ang bibig nito. "Ummff... Mmff---mmff!!!"
"Huminahon ka nga! Problema nilang dalawa 'yan! Kung makareact ka r'yan kala mo ikaw ang kabit na hiniwalayan! Hayaan na muna natin silang mag-usap!" reklamo ni Myka.
"Uy, akyat kayo rito sa rooftop. Maraming pagkain, para sa atin yata ang mga 'to!" nakangising dungaw ni Mike mula sa itaas ng hagdan.
Pambihira ang iingay talaga ng mga 'to! Tsk!
Pagbaba ko ng second floor ay naabutan ko rin sa wakas si Alex na noon ay pababa na rin sana papuntang first floor!
"Wait, Alex!" when I finally stepped in front of her, I tried to reach her hand, but she immediately dodged me with those piercing-looking eyes!
"What, Mr. Altamonte?" her voice is sharp. Na pwede na ngang ipansaksak sa akin!
"Alex, look, I'm very sorry for this set-up. I didn't-"
"Damn it, Terrence!" galit niyang bulalas na magkasalubong pa ang dalawang kilay. "Ganito ba kababaw ang tingin mo sa trabaho ko? Anong pumasok sa isip mo at ginawa mo pa ang ganitong set-up? What the heck are you thinking?! Kung alam mo lang kung gaano ako sobrang nag-alala sa 'yo ng malaman ko na may nagtatangka na naman sa buhay mo! Kung gaano ako kinabahan sa isiping baka mawala ka sa akin? Na halos paliparin ko na ang motor ko para lang makarating nang mabilis dito without even thinking my own safety?! And then pagdating ko— eto?! Eto ang sasalubong sa akin?! Isang kasinungalingan?" puno ng galit ang kanyang tinig ngunit mababakas doon ang pait.
Naitulak niya ako dahilan upang mapasandal ako sa pader. At hinayaan ko lamang siya na ilabas ang kanyang galit sa akin, upang mabawasan ang nararamdaman niyang poot. I deserved it...
"Do you really think I'll be happy? Alam mo kung gaano ako mag-aalala kapag may nangyari sa 'yo! When will you grow up, hah?! Kelan mo ba maiisip ang mararamdaman ng ibang tao—nang mararamdaman ko? Lagi na lamang bang ganito?! Can't you even try to think of something that won't bring trouble to the people around you?! When will you stop acting like a child and be mature?" parang lahat ng hinanakit niya ay ibinuhos na niya ng mga sandaling iyon at wala akong nagawa kundi ang mapatitig na lang sa disappointed niyang mukhang nakatingin sa akin.
Nang mga oras na iyon ay tila ba nakaramdam din ako ng pagkapahiya sa sarili ko. I feel disappointed for myself.
"Please don't break up with me, Alex." Iyon lang ang mga katagang namutawi sa aking bibig at hinawakan ang kamay niya na hindi naman niya binawi.
For the first time in my life, ngayon lang ako nakaramdam ng ganito sa harap ng isang babae. I felt heartbroken and hopeless. Subalit ganunpaman ayokong mawala si Alex. Kahit magmukha akong desperado, hindi ko siya susukuan.
I heard her drew a deep sighed. I looked at her...
"Babe—"
"Hayaan mo muna ako, Terrence." Marahan niyang binawi ang kanyang kamay habang ako ay tulalang nakatitig lamang sa kanyang mukha, hurt and anger were masked, but not completely, as if she were tired.
Then she stepped away from me as she headed down to the first floor.
This isn't a breakup, right? Wala naman siyang sinabing break na kami diba?
Pero kahit gaano ko kumbinsihin ang sarili ko, the pain won't go away na para bang may nakabaon na matalas na bagay doon. That was the first time I saw Alex mad at me like that and hurt at the same time.
Nanghihina akong napasandal sa may dingding at napaupo sa sahig. Napasabunot ako sa aking buhok.
"I am really an idiot..."
------------
ALEXIS ALEJO
Nang makalabas ako ng gate ng University nina Terrence, nagpakawala ako nang mabigat na buntong-hininga kasabay ng pagpigil ko sa aking mga luhang nais kumawala sa gilid ng aking mga mata.
Sinulyapan ko ang Uni ni Terrence kung saan ko siya iniwan. Ilang beses ko na siyang pinagpasensiyahan dahil sa pagiging immature niya but this time... is too much.
Hindi ako nagagalit... Hindi lang ako nagagalit... galit na galit! Magkahalong galit, pagkabwisit at pagdaramdam ang nararamdaman ko ng mga sandaling iyon. Lalong-lalo na ang natapakan kong pride bilang isang SS agent.
It is very hard to fathom what he's thinking! Alam niya naman kung gaano ko sineseryoso ang trabaho ko bilang agent at lalo na ang kaligtasan niya. Ngunit bakit parang balewala lang sa kanya! Sarili lamang niya ang iniisip niya! Hindi man lang niya inisip na halos mamamatay ako sa pag-aalala kapag may nangyari sa kanya!
I took a deep breath...
Wala naman akong sinabing nakikipagbreak ako, ang nais ko lang ay maunawaan niya ang hindi niya dapat ginagawa. Sa tingin ko tama lang ang ginawa ko. Para naman magising siya sa pagiging immature niya! Na hindi lahat ng bagay ay parang laro lalo na kung usaping buhay at kaligtasan!...
Muli akong napabuntong-hininga pagkatapos ay kinuha ko at pinaandar ang aking motor upang lisanin na ang lugar na iyon.