AGENT JOANNA
"Sa tingin niyo magkakaayos 'yung dalawang 'yun?" ang kunot-noong tanong ko. "And thanks to the suggestion of this three stupidients here!" pinukulan ko ng matatalim na tingin ang tatlo na nakatayo lang sa gilid. Parusa ko 'yan sa kanila.
Napaatras naman ang tatlo. "Hindi naman namin akalain na mangyayari ang ganito," sabi no'ng isa na ang pangalan ay Jason.
"Gusto lang naman namin makatulong kay Terrence para sa 2nd monthsary nila ni Ms. Bodyguard eh." sabat naman ng isa pa ang pangalan ay Kenneth.
"Naiintindihan ko na gusto niyo makatulong sa kanilang dalawa. Pero..." malakas kong itinarak ang hawak kong tinidor sa lamesa buti na lang kahoy iyon at hindi babasagin. Tapos ay hinagkisan ko sila ng matalim na tingin sabay tutok sa kanila ng tinidor na hawak ko na ikinanlaki ng mata nila! "Ang hindi ko matanggap ay kung bakit ganoong klase pa ng suhestyon ang ibinigay niyo kay Terrence?! Kinumbinse niyo pa! Ang galing niyo! Napakagaling!" kunwa'y napalakpak ako. "Nakakapanggigil kayo ha! Gusto ko kayong ibitin patiwarik dito sa may rooftop buong magdamag!" inis na inis kong saad!
Nagkatinginan sa isa't isa ang tatlo.
"Kalma, Joanna." Kaswal na saad ni Ian.
"Then do what you want with those three, Joanna. Count me in." Sabad naman ni Mike.
Well, may nasabi rin na mabuti ang nilalang na ito. Napangisi ako.
"Wow, kakampi pala kita ha!" pasarkastiko kong tugon.
Nginisihan niya lang ako. "Oo naman, basta kapag tungkol sa dalawang 'yon!" sabay subo ng kanyang kinakain habang nakatingin sa akin.
"Ah... P-paano niyo pala nalaman na nandito kami?" tanong ng isa na ang pangalan ay Mark.
Kinunutan ko siya ng noo. "We are SS Agents. May problema?" mataray kong tanong.
Tila naalarma naman ito sa taray ng boses ko kaya umiling na lang ang kawawang bata.
Pagkaraan ay malakas kong inihampas sa lamesa ang tinidor na ikinaigtad ng lahat maliban sa isa.
"Isa pa na hindi ko maintindihan ay kung bakit kumakain lang tayo dito?! Sino ba may sabi na pwede natin kainin ang mga pagkain dito?!"
Nagkatinginan lahat sila pagkatapos ay sabay turo sa isang nilalang na walang pakialam sa nangyayari basta makakain lang siya! Muli na namang nag-init ang ulo ko.
"HOY KYLE---"
"Ang bhaho mho Jhwoanna. Humhahalo sha hangin ang hinhinga mho. Nhakhakhadhire thuloy." salubong ang kilay na saad ni kyle kahit halos puno na ang bibig nito. "Khumhain kha dhen nhamwan eh! Ithorbho kha!" pagkasabi no'n ay muli nitong inatupag ang pagkain.
"Pfft! Ano ba 'yan, barado ka na naman Joanna!" tatawa-tawang sabi ni Mike. Sa inis ko ay kumuha ako ng isang hitang manok at isinuksok sa pagbubunganga niya! Kainis!
"Hay, yaan niyo nga ang dalawang iyon. Hindi naman nagtatagal ang pag-aaway no'n. Saka kahit gaano pa katindi ang pag-aaway nila, magkakaayos din ang dalawang 'yon. Alam niyo na." si James naman ang nagsalita sabay subo na rin ng pagkain.
"Tama si James. Masyado tayong nag-aalala sa dalawang 'yon. Parang hindi natin sila kilala. Saka for sure, hindi naman siya matitiis ni Alex. Matalino si Alex at alam niya ang ginagawa niya." sang-ayon naman ni Myka.
Nagpatango-tango na lamang ako. Eh sa may mga punto sila eh. Saka tama si Myka... dapat na ring matuto si Terrence, masyado na siyang nagiging komportable at hindi niya namamalayang ginagawa niya na lang laro ang lahat.
At ganon din ang isa dito na halos hindi na humihinga sa kakasubo! Napapakain ba 'tong si Kyle?! Parang patay gutom eh!
THIRD PERSON POV
2 days later...
"Reina, are you ready? We need to leave now, or else we might be late for the flight to Cebu." Tawag pansin ni Arnold sa kasintahan na noon ay kakatapos lang din ayusin ang gamit sa isang bag.
Bukas ang dating ng Presidente at Bise-Presidente sa Cebu, kaya ngayong araw na nila pinabook ang flight dahil may kailangan pa silang i-meet na tao pagdating nila roon. Not part of the Organization but one of the underlings of their client.
"Yeah, I'm done." Sagot ni Reina saka tango sa kanya sabay sukbit ng bagpack sa likuran.
"Then let's go." Masayang ngumiti si Arnold saka binitbit ang dalang traveling bag. Magkahawak kamay pa silang lumabas ng silid patungo sa elevator.
-------------
ALEXIS ALEJO
*BZZZTTT*
*BZZZTTT*
Napatingin ako sa cp ko na nagba-vibrate. Napabuntong-hininga na lamang ako ng makita ang pangalan ni Terrence sa screen.
Tumatawag na naman siya. Sa loob loob ko.
Ngayong araw ay nakakailang missed call ito. Naisip ko, pumasok ba kaya ang baliw na 'to? Napangalumbaba na lang ako habang nakatitig sa nagba-vibrate ko pa ring cellphone.
Matapos ng nangyari sa amin ni Terrence noong nakaraang araw, until now ay hindi ko pa rin siya kinakausap. Though ilang beses na siyang nangulit upang kausapin ako still nagmatigas pa rin ako. Kung mabilis akong bibigay sa mga pangungulit niya matapos ang nangyari for sure ay hindi pa rin niya marerealize ang ginawa niya. Para na rin ito sa kanya, kailangan niyang maging mature.
Oo nga't sobrang namimiss ko na siya pero kailangan ko siyang tikisin. Hindi naman kasi habambuhay ay kailangan ko siyang intindihin. Na kailangang ako lagi ang nagmumukhang talo bandang huli.
"O, tititigan mo lang ba 'yan?"
Napaigtad ako sa nagsalita. Si Joanna ang nalingunan ko na nakataas ang isang kilay. Isinandal niya ang pwetan sa may gilid ng mesa ko at itinukod ang dalawang palad sa mesa.
"Aba, eh, kanina ko pa naririnig ang pagba-vibrate niyan, ah. Saka hello, kausapin mo na ang isang 'yan, tama na 'yong pinaparusahan mo ang mga sarili niyo," tila ba stress na stress na sabi niya sabay hilot sa kanyang sentido. "Alam mo ba na kahapon pa kami kinukulit niyan na tulungan siyang makausap ka at naririndi na ako—kami pala sa kakulitan niyan."
Napalatak ako. So hindi lang pala ako ang kinukulit niya.
"Tsk. Hayaan niyo nga siya. Pinaparealize ko lang sa kanya ang mga kamalian niya. Minsan ay nakakairita na rin ang pagiging immature niya," ang kaswal kong sabi saka nagbuklat ng folder.
She rolled her eyes. "Kuu, iyon nga diba ang isa sa mga nagustuhan mo sa kanya. Besides, kahit opposite kayo when it comes to maturity, nandyan kayo para sa isa't isa—"
Inis kong binitawan ang folder. "Yon na nga eh, ako na lang ba ang laging iintindi sa kanya? Sa mga bagay na ginagawa niya?" may halong pait sa aking tinig kahit na pilit kong itago ang nararamdaman ko sa harap ni Joanna. Pigil din ang boses ko na lumakas dahil ayoko na may makarinig.
Napacross-arms na lang si Joanna sabay iling at nagpapalatak. "Bakit, ikaw lang ba talaga ang laging umiintindi sa relationship niyo?"
Napatingin ako kay Joanna na ngumiti lang sa akin. May nais ipahiwatig ang ngiting iyon at ng sinabi niya.
"Alam mo, kung minsan naiisip ko, sino ba ang immature sa inyong dalawa ni Terrence?"
Natahimik ako at napatingin muli sa cp ko na hindi na nag-vibrate. Napakamot siya ng noo niya at muling tumingin sa akin na para bang nangangailangan ako ng tulong.
"Hay naku, Alex. Realizing complex matters becomes much simpler when you have someone to assist in expanding your understanding. At ang patagalin ang isang bagay na nagmula sa hindi pagkakaunawaan at hindi pag-uusap, well the realization of regrets will be on its way," nakangiti niyang payo. "Saka sa tingin ko naman ay natuto na rin si Terrence kaya mabuti pang maawa ka na sa kanya at ganoon na rin sa amin, ha. Saka normal lang naman sa isang tao ang pagiging immature."
Natigilan ako sa mga sinabi niya. May... punto naman ang mga sinabi niya. Tinapik niya ako sa balikat saka hahakbang na sana siya paalis sa station ko ng muli ako'ng magsalita.
"Then how about realizing your own feelings?" ang makahulugan kong tanong sa kanya na ikinagulat niya. Napatitig siya sa akin ng ilang segundo. "Kahit hindi mo sabihin alam ko na---"
"Change of topic itey?" natatawa niyang reklamo sabay flip hair at muling balik sa pagsandal sa mesa ko. "Hehe! Alex, matagal ko na narealize 'yon. Hindi naman ako ganoon kamanhid para hindi ko maunawaan ang sarili kong nararamdaman."
Kinunutan ko siya ng noo pero maya-maya ay tumango na lang ako sabay ngiti. It is hard to believe nga naman kasi na magkakagusto siya kay—
"Ahm, but you know, it's different naman sa situation mo. When it comes to confessing your love for someone, it takes courage. Hindi 'yon ganoon kadali because you need to face the negative and positive. And it is hard to predict kung 'yong positive response ba ang makukuha mo or the other. At para sa akin, masaya ako sa ganito, ayokong masira ang ganitong samahan dahil lang sa nararamdaman ko. " Mahabang pahayag niya na kahit itago niya ng ngiti, katulad ko ay ramdam ko rin ang pait sa tinig niya.
Matatag na babae si Joanna pero mabilis siyang masaktan... And everytime na gumagawa siya ng desisyon para sa sarili niya she always weighed the positive and negative of her actions. Kaya mas pinili niya ang pagkakaibigan kaysa sa pansarili niyang kaligayahan.
Napailing ako, tama ba iyon? Para sa akin tila isang parusa iyon sa sarili mo.
"At least you tried." nagkibit balikat ako. Tila hindi niya inasahan ang sinabi ko. "Hindi mo masasabi at malalaman ang sagot niya kung hindi ka rin magsasalita. Kung negative man... it takes time, pero sa tingin ko if you both accept, the friendship will still go on."
Nakatitig lang siya sa akin at ako rin sa kanya. Kapwa kami nawalan ng imik ng ilang segundo. Maya-maya ay pareho kaming natawa sa mga sarili namin. Napatingin na lang sa amin ang mga kasama namin sa silid sa lakas ng tawa namin.
"Nagpapaka-cool ka na naman d'yan," kantiyaw niya sa akin habang pilit na pinipigilan ang pagtawa.
"And now I know what you mean." ang nasabi ko na lang. Ang ibig kong sabihin ay tungkol sa sinabi niya kanina na realizing things. Hindi mo mauunawaan ang isang bagay kung ikaw lang mismo ang magpaparealize no'n sa sarili mo. You need someone na magsasabi sayo ng mga bagay-bagay upang mabuksan ang iyong isipan.
Siguro nga dapat ko nang kausapin si Terrence. Masyado din akong naging malupit sa kanya. Anyway, tatawagan ko na lang siya mamaya after work nang makapag-usap na kami ng maayos.
Nang sumapit ang hapon, ang dapat na pag-uusap sana namin ni Terrence ay hindi nangyari. Paano ba naman kasi, cannot be reached ang cellphone niya!
Ano kaya ang pinaggagawa ng taong 'yun? Nakakailang try ako pero cannot be reached talaga.
Napagdesisyunan kong umuwi na lang muna at susubukan ko na lang uli siyang tawagan mamaya. Baka lowbat lang ang phone, pero since kaninang umaga ay hindi na ito nagmissed call!
Napailing ako. Hindi naman ganoon ka immature ang isang iyon para gumawa ng mga bagay na ikapapahamak niya. Napaisip ako. Ah, nangyari na pala iyon dati. Pero hindi na naman niya inulit 'yon.
Ilang sandali pa ay nakarating na ako sa bahay. Ipinark ko na ang motor ko sa garahe. Napansin kong wala pa roon ang sasakyan ni papa? Ah, marahil ay naghahanda na rin ang mga ito para sa okasyon bukas. Maalala ko nga pala, bukas ng umaga rin nga pala ang alis ng buong klase ni Terrence. Tapos aalis siya ng hindi kami nagkakaayos...