TERRENCE ALTAMONTE Matapos umalis ng Boss nina Alex, naiwan kaming dalawa ni Kyle sa silid. Sina Joanna at Mike kasi ay hinatid ang Boss nila sa labas, pagkatapos ay kakain daw muna sila ng tanghalian. Buti na lang pala ay sumama ako kay Alex dito dahil kung hindi, maiiwan silang dalawa ni Kyle! Hindi ako makakapayag na masolo ni Kyle ang babe ko lalo pa't mukhang may gusto ito kay Alex! Tsk! Magkakamatayan muna kaming dalawa! *TOK TOK Bumukas ang pinto, pumasok roon ang isang staff ng hospital na may dalang rasyon ng pagkain. Matapos kunin iyon ni Alex ay lumabas na muli ang staff. "O, Kyle, andito na pagkain mo, kumain ka na kung nagugutom ka na dahil kung hihintayin mo pa 'yong dalawa baka butasin ng mga alaga mo 'yang tiyan mo sa gutom," ang pormal na sabi ni Alex saka nito nilagay

