ALEXIS ALEJO Bigla akong nailang ng sumulyap sa gawi ko ang blangkong ekspresyon na iyon ni Mrs. Altamonte. Galit pa rin siya, alam ko, hindi naman kasi basta-basta nawawala 'yon, eh, lalo pa nadamay ang mga anak niya... Naramdaman ko ang pag-akbay ni Terrence sa akin na ikinatingala ko sa kanya. Nakatitig siya saka ngumiti. "Huwag kang mag-alala, babe, lalamig din ang ulo ni mommy. Dala lang ng sitwasyon kaya hindi niya napigilan ang kanyang emosyon," he smiled as if he were giving me the assurance that everything would be fine. I just release a deep sigh. Hindi na ako nagsalita pa. Hindi na ako komontra pa. Hahayaan ko na lamang ang sandali. May tamang panahon para sa lahat... "Ahem." Pareho kami ni Terrence na napaigtad sabay lingon sa taong katabi ni Terrence. Si Boss Kevin. Sh*

