Chapter 42

1745 Words
ALEXIS ALEJO Kinabukasan... Katulad kahapon ay nasa labas lamang kami ng opisina ni Vice. Wala pa naman kasing inaannounce si Boss Kevin kung ipupull-out ako nito upang maging bodyguard ni Terrence. Magkagayunman, hindi nawawaglit sa isipan ko ang pag-aalala para kay Terrence. Samut-saring isipin ang pumapasok sa utak ko ngayon! Ngunit lahat ng iyon ay lumipad nang magulat kaming lima maging ang natutulog na si Kyle ay halos mapatayo nang malakas na bumukas ang pinto ng hallway. Agad kaming nagtaka nang pumasok roon ang isang lalaki at halos liparin nito ang distansiya patungo sa silid ni Vice Pres. sa pagmamadali at tila may nakakagimbal itong balita dahil sa reaksyon ng kanyang mukha! Agad itong pumasok sa loob ng silid na hindi na nagawang isara pa ang pinto kaya naman kami ay mabilis na lumapit sa pintuan. "Mr. Vice Pres., masamang balita, si Mr. President—" ang natataranta nitong sabi na humihingal na! Sa layo ba naman ata ng tinakbo niro eh sinong hindi lalawit ang dila? "Si President po, he was been shot!" Nanlalaki naman ang mga mata ni Vice-Pres sa sinabi ng lalaki pagkatapos ay napatayo ito. Nawalan naman kami ng kibo sa narinig naming balita! Nagkatinginan kaming limang nakanganga. "Nasaan siya ngayon? Paano nangyari? Nahuli na ba ang gumawa?" sunod-sunod na tanong ni Bise. "Kasalukuyan po siyang inooperahan ngayon. Kaso mukhang delikado raw po ang lagay niya dahil tinamaan po siya sa dibdib. Tungkol naman po sa bumaril, hindi pa po nahuhuli. Kasalukuyan pa rin po na nag-iimbestiga ang buong kapulisan sa nangyari," ang paliwanag naman nito. Agad na nag-ayos si Vice Pres. Marahil ay pupuntahan nito sa ospital ang Presidente. President and Vice President are brother-in-laws. Kapatid ni Bise ang asawa ni President. Kaya ganoon na lang din marahil ang pag-aalala nito. Habang naglalakad kami patungong lobby, may mga tao itong kinausap sa phone. Ilang sandali pa nga ay nakarating na kami sa ospital. Naabutan na namin doon ang asawa at kapamilya ng Presidente. Agad na lumapit si Bise sa kanyang kapatid na asawa ni President. Inaalo ito dahil sa walang humpay sa pag-iyak. Kami naman ay nakakalat at nakabantay sa paligid. Hindi namin maiwasan ang maguluhan sa nangyayari. Sino ang may pakana para ipapatay si President? May taong galit ba sa parehong pamilya at tinatarget ng mga ito ang dalawang mataas na opisyal ng bansa?! O posible kayang ang tunay na target ay si President sa halip na si Vice President?! Kung ganoon lang naman nila kadaling iassassinate si President bakit kailangan pa nilang gawing decoy si Vice-President?! Ano ba naman ito! Bakit ba sunod-sunod ang mga gulo sa paligid ko?! Ilang oras pa ang hinintay namin bago tuluyang lumabas ng OR ang isang doktor! Mabilis na lumapit ang mga kamag-anak ni President. Ngunit tila binagsakan ang lahat ng langit ng umiling ang doktor at iisa lamang ang ibig niyong sabihin... "Oh my God!" natitilihang anas ni Joanna na nakatulalang nakatitig sa mag-anak. THREE days later... Buong bansa ay nagluluksa sa pagpanaw ng Presidente. Hindi iyon inasahan ng lahat ngunit sa buhay pulitika, hindi maaaring hindi ka magkaroon ng kaaway kahit pa wala kang ginagawang masama. Kaya naman ay isang malaking katanungan kung sino ang nasa likod ng pag-assassinate sa butihing Pangulo. Bukod roon, may pagdududa ring namuo sa isipan ng team tungkol sa pangyayari kay President. The body was cremated after? The funeral was held only for two days, no media, no reporters within 100 mtrs. Though, it was been requested by his family. And after that wala ng binanggit ang palasyo tungkol dito maliban sa paghuli sa may sala. Kanya-kanyang opinyon ang lahat, kanya-kanyang espekulasyon kung sino ang may gawa o kung sino ang may pakana... Usapan naman dito ng team ay marahil daw mga kakompetensiya sa posisyon dahil sa nalalapit na namang eleksyon. But killing the President a year before that? Isang malaking bakit. And after two days, biglang dinismissed sa trabaho ang lahat ng agents na nakatoka kay Vice-President, and that includes us. Ayon sa deputy director, si Vice-President mismo ang nagpaalis sa amin sa trabaho dahil tila isang pagkakamali lamang daw ang nangyari sa Cebu. Opinyon nito, it looks like he was just a decoy upang matuon ang atensyon ng kapulisan sa kanyang seguridad leaving the President open target kahit pa may mga PSG ito. Matapos noon ay nagstay kaming sampu sa isang hotel, sa utos na rin ni Boss Kevin na kasalukuyang bumibiyahe patungong Manila. Though we were all dismissed, may bago naman daw itong ibibigay na misyon sa amin. BANDANG hapon... kasalukuyan kaming nasa loob ng hotel room upang hintayin si Boss Kevin. Maliban pala sa dalawa, sina Mike at Kyle na bumili ng meryenda dahil gutom na raw ang huli. "Sa tingin niyo, decoy nga lang ba talaga si Vice?" untag ni Arnel sa namuong katahimikan sa amin sa loob ng silid na iyon. "Paano pala kung target din siya ng pumatay kay President?" Malalim ang hinugot na buntong-hininga nina Joseph at Gavin na nanunuod sa tahimik namang naglalaro ng baraha na sina Red, Abet, James at Arnel. Samantalang kami naman ni Joanna ay naglalaro ng Chess. "Kahit naman kontrahin natin ang desisyon, wala rin naman tayong magagawa. Mismong si Vice -Pres. na ang nagpaalis sa atin," si Gavin naman ang sumagot. "Maging ang team nga ni Travis hindi ba ay wala rin namang nagawa. Bukod roon, sa tingin niyo ba maiisip nila ang mga duda natin?" tanong naman ni James na makahulugang ngumiti. "Tsk! Naku, huwag niyo na asahan ang mga iyon dahil walang isip ang mga kateam niya," nakasimangot namang angal ni Joanna. "Ano naman kaya ang bagong ibibigay na misyon sa atin ni Boss? Exciting kasi magkakasama pa rin tayo!" si Gavin. Lihim akong natigilan. Maaari rin kayang ibigay niya sa aming misyon ay ang request ni Gov? "Kaya nga! Mukhang bigating kaso ito, ah!" nangingiting ani naman ni Joseph. "Maybe, he want us to handle the investigation of President's assassination?" sumabat naman ang tahimik na si Red na nakatuon ang tingin sa hawak na card. "Kunsabagay may punto ka naman d'yan Red. Lalo pa't hirap sa pagkuha ng ebidensiya ang mga imbestigador," tugon ni Abet na inihagis ang isang card sa gitna nila. "If you would think about it, planadong-planao ang lahat. Mula sa simula hanggang sa pagbubura ng mga ebidensiya. Kita mo nga naman, burado ang cctv recording that time ng building na pinagtaguan nila to shoot the President in the middle of his speech. And then pinasabog pa nila ang room na 'yon para maging sigurado." "Isa lamang ang ibig sabihin no'n. They're professionals. Katulad no'ng nakalaban natin sa Cebu," sagot ni Gavin na ikinalinga ko rito. "Anyway, buhay pa ba kaya talaga ang babaeng 'yon?" "Balita ko, ang Team ni Ian ang may hawak sa bagong kaso ng pinaghihinalaang sangkot ang babaeng nakalaban nila Abet," sabat naman ni Joseph. Natawa naman ng pagak si Gavin. "Kung involve nga siya roon, wow talaga, ang tibay niya! Kung nasaan man siya ngayon, baka nagpaplano na iyon makaganti sa atin! Mukhang jowa niya 'yong nahuli nating lalaki. But, sad to say, he died. Not our fault though." Napailing na lang ako sa mga narinig. Oo, pwede, siguradong nagpaplano na nga iyon para makaganti sa amin. Pero imposible naman niya kami matunton dito, bukod roon hindi naman niya kami kilala. Ngunit sigurado, ang mababalikan ng ganti niya ay ang SSA na nasa Cebu. Though hindi ko naman dapat iyon alalahanin dahil alam kong kaya ng mga agents doon ang masukol siya kung sakali. "Alex, ikaw na," ang untag ni Joanna sa akin mula sa malalim na pag-iisip. "Ano ba kasing iniisip mo? Si Terrence na naman? Tsk!" Akmang gagalawin ko na sana ang horse piece ng biglang tumunog ang msg tone ng cp ko kaya iyon na muna ang hinagilap ko. Nagpapalatak naman si Joanna. Napakunot pa ang noo ko ng unknown sender ang nakarehistro. Sino naman kaya ito? Napagdesisyunan kong basahin ang nilalaman ng text! Ngunit ganoon na lang ang pagkunot lalo ng noo ko nang mabasa ang nilalaman niyon! From unknown sender: Hey, are your two boy friends important to you? I'm in the elevator with them. Come and join us. If not, then I'll kill them both. Is this a kind of prank?! Sino naman kaya ang magsesend niyon? Sinong two boy friends? Biglang pumasok sa isip ko sina Mike at Kyle! Sila lang kasi ang wala rito. Tsk! Saka ang mga 'yon, mapapatay lang ng ganoon kadali? Haizt! Bakit ba may mga taong walang magawa sa mga buhay nila?! "Sino ba 'yan?" kunot noong tanong ni Joanna. Nagkibit-balikat ako. "Tsk! Mga taong walang magawa sa buhay nila." Joanna rolled her eyes. "Hay, uso 'yan ngayon! Dame manloloko! Balak ka pang isahan, hindi niya alam mas matalino ka keysa sa kanya." Then muli akong nagfocus sa laro. But seconds later, muling tumunog ang cp ko. Nang mabasa ko uli ang nilalaman ng text na galing sa sender na 'yon sa pagkakataong iyon, umahon na ang kaba sa dibdib ko at nanlalaki ang mata kong napatayo sabay takbo palabas ng pinto! "Alex?!" gulat at pagtataka naman ang bumadha sa mukha ni Joanna na mabilis ding sumunod sa akin. Nagtataka namang nagkatinginan ang iba... Ang mensahe na mula sa unknown sender na iyon ay... Have you already forgotten? I once died, but I came back alive to avenge the man your team killed. An eye for an eye, a tooth for a tooth, and a death with my own hands! I'll kill all of you, and I will be happy to start with these two. She's here?! How?! How did she know our location?! Natitilihan kong hiyaw sa isipan ko. Paano nga naman nito nalaman kung nasaan kami lalong-lalo na ang itsura ng dalawang iyon na hindi naman nito nakalaban sa Cebu! At higit sa lahat, how did she even found out my phone number?! Who is this assassin?! Mabilis akong nakalabas ng pinto na kasunod si Joanna. Agad kong napansin ang dalawang babaeng naghihintay sa tapat ng elevator. Ilang segundo lang ay tumunog ang elevator at bumukas iyon. Nakita kong lumabas mula roon sina Mike at Kyle. "Sh*t!" nanlaki ang mata ko sabay takbo patungo sa kanila. Nagtaka naman sina Mike at Kyle. Subalit wala naman sa kanila ang atensyon ko kundi roon sa isang taong naiwan sa elevator na nakakrus ang mga braso sa dibdib at nakatingin sa gawi ko... That girl wearing a mask! Those eyes! The girl I thought was dead was alive!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD