ALEXIS ALEJO "Alex?!" pasigaw na sunod ni Joanna sa akin. "Hoy Al—" napahinto sa pagsasalita si Mike nang lagpasan ko lamang sila at hinabol ang papasarang elevator. "Wait!" ang sigaw ko na agad namang narinig ng dalawang babaeng pumasok doon at nakita kong may pinindot sa eleveator button 'yung isa. Suablit ilang pulgada na lang ay pasara na ang pinto ng elevator nang mabilis kong naiharang ang kanang paa ko sa pagitan niyon. "Salamat!" nakangiti kong sabi sa dalawa saka ako tumabi sa babaeng nakamaskara na nasa likuran. "Hoy, Alex, saan ka pupunta?" takang tanong nina Mike sa humarang sa pinto ng elevator. "May bibilhin lang ako sa ibaba," dahilan ko subalit nakita ko ang mukha ni Joanna na tila hindi naniniwala kaya naman ay walang kibo itong pumasok sa loob ng elevator. Nahagi

